Chapter 3

5 0 0
                                    

Halos nine na rin ng gabi nang makauwi ako galing sa date na iyon. Muntik na rin akong maloka dahil sa buong oras na iyon ay naka switch on siya! Naging maayos naman ang pag-uusap namin, pero hindi nawala ‘yong mga banat niya na muntik nang maging dahilan para banatan ko siya talaga.

Pagdating ko sa bahay, agad kong tinawagan si Kisses para ipaalam na bukas din ay aalis na kami. Dapat talaga ay ngayon ang alis, kaso nausod nga ng dahil sa date na iyon.

" Oh ano, gago? Kamusta date? " Pasigaw na tanong niya kaya agad kong inilayo ang phone ko sa aking tainga. Napasimangot ako.

" Hinaan mo nga ‘yang boses mo! Mabibingi ako sa’yo! " Singhal ko sa kaniya. Rinig ko naman ang paghalakhak niya sa kabilang linya kaya napailing nalang ako.

" Okay ang date. May kasalanan ka lang saakin. " kunwari ay inis na sabi ko. saglit siyang natahimik, siguro ay iniisip kung ano ang kasalanan niya.

" Ano? Hindi ko maisip kung ano kasalanan ko. Ano bang ginawa ko? Ang bait bait kong tao, tapos may kasalanan na ako? " Pagd-drama niya pa, sumisinghot singhot pa. Napairap ako at umupo roon sa higaan ko.

" Bakit hindi mo sinabi na iba ang makaka date niya?! Napagkamalan niya pa akong ikaw! " pagalit kong sabi sa kaniya.

" Huh?! Sinabi ko iyon, boba! Sabi pa nga niya e, " okay, no problem. " Aniya pa kaya nangunot na ang noo ko.

Tangina, naloko ba ako? Hindi ako uto-uto, pero bakit nauto ako?

" Gago ka. Sabi niya saakin, hindi mo raw sinabi sa kaniya. Nagpakilala pa nga ako, eh! Sabi ko pa, busy ka sa family business niyo! "

" Hala, boba ka talaga! Naloko ka no’n? Uto-uto ka talaga, eh! "

Gago ampota. Hindi naman niya saakin sinabi na ganoon, kaya hindi ko alam!

" Gusto mong tanggalan kita ng ulo? Hindi mo nga sinabi saakin na ganoon pala! Sabi mo lang, naka black siya. Ikaw ‘tong shunga, eh. "

" Atleast okay date niyo. Huwag ka na magreklamo, papakagat kita kay Riley, eh. " Pagbabanta niya saakin. Napairap nalang ako.

Riley is her golden retriever dog. Mabait naman ‘yon. Sa sobrang bait, kahit anong i-utos ni Kisses ay sinusunod. Kahit ang i-utos ni Kisses ay kagaguhan, sinusunod pa rin. Well trained kumbaga. Well trained ng gaga niyang amo.

" Whatever. Mag ready ka na ngayon, pupunta tayong siquijor bukas. " Saad ko sa kaniya. Tumayo ako at inayos ulit ang mga damit ko sa maleta. Baka kasi may nakalimutan pa ako.

" Ay, wow. Sige, libre mo naman lahat, ano? " Biro niyang tanong. Ngumisi ako.

" Hindi. kkb ‘to, tanga. " pang-aasar ko naman sa kaniya.

" Ayoko na, hindi na ako sasama. " Kunwari ay nagtatampo pang aniya. Tumawa ako at napailing nalang.

Akala mo naman mahirap siya, eh ang mama at papa niya ay sikat bilang mahuhusay na lawyer.

" Malamang libre ‘to, bruha ka. Sige na, bye. "

Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin niya at agad nalang pinatay ang tawag. Sa daldal ng babaeng ‘yon, sigurado akong aabutin kami ng madaling araw sa dami ng chismis niya. Dinaig niya pa ‘yong mga marites doon sa school namin.

Pagkatapos ayusin ang mga damit at iba pang gamit ko, bumaba ako para magpaalam kay mommy. Hindi ko kasi sigurado kung sinabihan na ba siya ni daddy o hindi.

Pagbaba ko, sumalubong saakin si Desiree na nakangisi pa saakin, nang-aasar. Ang sarap niyang suntukin, pero bahala na siya magmukhang tanga riyan.

" Here comes the idiot " Pang-aasar niya. Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa.

" Yaya? Bakit may basura pa ho rito? " Pang-aasar ko, kunwari ay hinahanap pa si Yaya Jen.

" You stupid—  " Natigil siya sa pagsasalita nang bigla ay dumating si Mama. Ang gaga naman, nalingat lang ako sandali, may luha na sa pisngi niya.

" What did you do?! " Agad na pag rereact ni Mama. Tumaas ang kilay ko at nag cross arms.

" Anong ginawa ko? " Pagbalik ko ng tanong sa kaniya. Nang hindi siya sumagot, umiling ako at tinalikuran na sila. Buti nga at hindi na ako sinundan pa, dahil isang salita o lapit pa ay masasapak ko na ang pagmumukha ni Desiree.

Nang makalayo roon, Agad akong dumiretso sa kusina dahil sigurado ay nandoon si Mommy. Hilig niya kasi ang pagluluto, kaya habang wala si daddy, ayan ang pinagkakaabalahan niya.

" Mommy? " Pagtawag ko sa kaniya. Napangiti naman ako ng agad siyang sumagot.

" Hmm, sweetie? "

Mommy's the sweetest talaga. Kahit noong bata pa ako, hindi niya pinaramdam saakin na mag isa ako. Sila ni daddy. Kung mamamatay man nga ako at ma rereincarnate, sila pa rin ‘yung gusto kong maging magulang.

" Sa siquijor kami mag vacation ni Kisses. " Agad na sabi ko, sabay back hug sa kaniya. Tumango siya at hinimas ang kamay ko na nakayakap sa kaniya.

" Sure, anak. Sinabi na ng dad mo saakin kanina. I know naman na ayaw mo rito dahil kay mama. " Mahinahon niyang sabi kaya napangiti ako.

" Thank you, Mom. "

Humalik ako sa pisngi niya at agad na ring umakyat. Kung magiistay pa ako roon sa baba, siguradong iinisin nanaman ako nila Desiree. Iyan lang naman ang trip niyang gawin tuwing nandito si mama. Palibhasa, alam niyang kakampihan siya.

Nang makapasok sa kwarto, ibinagsak ko ang sarili ko sa kama. Nakakapagod pala talagang makipag usap sa ganoong klaseng tao. Na-drain ang energy ko, tapos ay sinabayan pa nila Desiree.

Napabuntong hininga ako at kinuha nalang ang phone sa bag ko. Pagbukas ko nito, puro flood ng notif sa ig ang natanggap ko. Sanay naman na ako rito, pero napukaw ng atensiyon ko ang isang notif.

shin_lawrence followed you.

Napatayo ako habang tinititigan ang phone ko. Ang lakas ng trip nito, ah? Hindi ko alam kung iniinis niya ba ako, eh. Pero kung iniinis niya ako, ang galing niya dahil effective ang pang iinis niya! Gusto kong ihampas sa mukha niya ‘yung bag ko.

Nabaling ulit ang tingin ko sa phone nang tumunog nanaman iyon. Tumaas ang kilay ko nang makitang message iyon galing kay Shin. Masama ang tingin ko sa phone nang buksan ko iyon.

shin_lawrence : hey

Hey?! pagkatapos niya akong ululin kanina, hey lang? Padabog akong nag type.

rielle_thyia : who u

Nang maisend iyon, padabog ko ring ibinaba ang phone ko. Naka switch off na kaya ‘yon? Feeling ko hindi, eh. Malakas pa rin kasi ang loob!

Limang minuto na ang lumipas at hindi pa rin nag rereply ang gago. Hindi ko naman sinasabing hinihintay ko. Gusto ko lang malaman kung ano ang i-rereply niya sa who u ko. Nakakainis lang dahil limang minuto na rin akong pabaling baling sa phone ko, tapos ay wala naman!

Napakamot ako ng ulo at humiga nalang.

" Matutulog nalang ako, magtae ka sana. " Bulong ko pa bago tuluyang
makatulog.

Sweet Taste of Summer (Summer Series #1)Where stories live. Discover now