Chapter 5

4 0 0
                                    

" Ano bang maganda isoot dito? " tanong saakin ni Kisses‚ sabay pakita noong color pastel pink niya na two-piece at color pastel violet na one piece.

" ‘Yung pastel pink‚ s’yempre. Alam mo namang paborito ko ang pink. "

Sagot ko sa kaniya. Tumango tango siya at nagpaalam nang magpapalit siya. Sabi ko ay susunod nalang ako dahil hindi ko rin alam kung anong bikini ba ang isosoot ko. Ang nasa choices ko kasi sa ngayon ay isang red at brown na two-piece. Kung sakali lang kasi na may makita akong pogi rito‚ ang seductive tingnan ng red na bikini‚ ‘di ba?

" Omg‚ ang pretty! " Bungad saakin ni Kisses pagkalabas niya ng bathroom. Soot soot niya na ‘yung pastel pink niyang two-piece‚ na bagay na bagay naman sa kaniya.

" Duh? ako kasi ang pumili. " Biro ko sa kaniya. Umirap siya at bigla akong tinulak papasok ng cr. Sinamaan ko siya ng tingin at tumawa lang ang gaga.

Wala pang ilang minuto ay naisoot ko na rin ‘yung napili kong bikini. Ang ganda nga dahil bagay talaga saakin ‘yung kulay pula. Parang mas lalong nag glow itong balat ko. Sana all nag-glow.

Inayos ko lang iyong ibang parte at agad na ring lumabas. Naabutan ko pa si Kisses na naglalagay na ng sunblock.

" Bilis ah? Akala mo talaga marunong lumangoy. " Pang-aasar ko sa kaniya. Inambahan niyang ibabato saakin ‘yung hawak na sunblock kaya naman agad kong sinabi na biro lang naman. Kahit kailan ay pikon siya. Ang lakas mang-asar‚ tapos kapag binawian siya‚ siya naman itong mapipikon.

" Oh‚ " Inabot niya saakin ‘yung sunblock kaya agad ko rin naman itong kinuha.

" Nakita mo story ni Shin? " Tanong niya saakin. Nangunot ang noo ko.

" Story? Hindi. Bakit ko naman titingnan? " Asar kong usal sa kaniya.

Tuwing maririnig ko talaga ang pangalan nung impakto na iyon‚ agad na nag-iinit ang ulo ko. Hindi ko matanggap na nauto niya ako! I hate to admit this pero ang galing niya mang-uto! Or... sadyang uto-uto lang ako? Hindi‚ eh. Talagang magaling lang siya!

" Look‚ " Iniharap niya saakin ang phone niya kaya wala namang akong choice kun’di tingnan iyon.

" Gago ka?! "

Muntik ko nang maibato kay Kisses ang hawak kong sunblock nang makita ko kung ano ang nasa story ni Shin.

It is me! ‘Yung picture na naisend ko sa kaniya kanina noong nagchat siya saakin. Ang nakalagay pa sa story ay “ pretty ” with gif na heart iyong mata!

Gago‚ tarantado! Gusto kong murahin lahat ng alam kong mura dahil deserve niya iyon lahat! Sinong may sabi na puwede niyang i-story iyon?!

Sa inis ay dali dali ko siyang chinat. Sigurado akong pulang pula ang mukha ko dahil sa galit at hiya. Nakakahiya iyon dahil hindi naman ganoon kaayos ang mukha ko roon!

rielle_thyia : anong trip mong gago ka?

Pagkasend ko noon‚ sinendan ko pa siya ng kamay ko na nakataas ang middle finger. Wala pang ilang segundo ay nag-reply din si gago.

shin_lawrence : what? maganda ka naman doon‚ ah?

Wow‚ ginagago ba ako nito? Pakiramdam ko ay may halong sarcasm iyang pagkakasabi niya.

rielle_thyia : i look like a fucking potato in that picture‚ you dumbass!

" Ikaw ah‚ nags-send ka pala ng picture mo kay Shin. " Pang-aasar saakin ni Kisses‚ tumataas taas pa ang kilay. Agad ko naman siyang sinamaan ng tingin.

" Meme dapat ang is-send ko‚ tangina mo. Bakit ako mags-send ng picture roon? Eh kulang na nga lang hampasin ko ‘yan ng dos por dos! " Singhal ko sa kaniya.

Parehas kaming napatingin sa phone ko ng umilaw iyon at lumitaw ang pangalan ni Shin. Kahit na hindi ko tinitingnan si Kisses‚ ramdam ko ang mapang-asar niyang tingin saakin. Nagdadalawang isip tuloy ako kung titingnan ko iyong message niya o babaliwalain ko nalang hanggang sa ilibing ako.

" Sus‚ ayaw pa tingnan. Sige na‚ hindi na ‘ko titingin. " Pang-aasar niya pa lalo kaya hindi na ako nakapag pigil at kinurot iyong tagiliran niya. Napangiwi naman siya sa sakit at hinimas iyong parte na kinurot ko.

" Masakit ah! " Reklamo niya habang hawak hawak iyong tagiliran niya. Umirap ako at tumayo na para lumabas at ma-enjoy ko naman ang 2 weeks na bakasyon ko rito.

" Shut up‚ Kisses. Itutulak kita sa malalim mamaya‚ eh. " Banta ko pa. Tuwing may ganitong outing kami at inaasar niya ako‚ iyan ang kaisa-isang banta ko sa kaniya. Bukod sa hindi sanay lumangoy‚ maliit din kasi siya kaya hanggang doon lang siya sa abot niya.

" Bakit ka affected? Gusto mo ba siya? " Dudang tanong niya pa saakin. Agad akong napalingon sa kaniya kaya napahinto siya sa paglalakad.

" Gusto? Over my dead body! "

Gusto ampota‚ hindi ko siya type! Well‚ let’s say na pogi siya‚ mabango‚ at matangkad. Pero ‘yung attitude? Huwag nalang! Mas gugustuhin ko pang maging single forever.

" Alam mo‚ kanina ka pa. Halika rito at dadalhin kita roon sa malalim. "

Tumakbo ako papalapit sa kaniya‚ kaso ang gaga‚ nauna pang tumakbo papalayo! Tumawa ako at hinabol siya. Para kaming mga bata rito‚ kaya buti nalang talaga ay kokoonti ang mga taong pumupunta rito.

" Ayoko na, gago ka! Masakit sa boobs tumakbo! " Sigaw niya kaya naman natawa ako ng malakas.

" Wow‚ meron ka pala? " Pang-aasar ko sa kaniya. Mukha namang napikon siya agad kaya ako naman ang hinabol niya. Muntik pa nga akong madapa kakatawa‚ buti nalang talaga at hindi mabato rito.

" Akala ko ba masakit sa boobs? Hayop ka‚ ako hinihingal sa’yo! " Sigaw ko‚ sabay lingon sa kaniya.

" Oo nga! Ayoko na‚ gutom na ako! " Aniya pa habang hawak hawak ang dibdib‚ hingal na hingal.

" Ika— "

Napatigil ako sa pagtakbo nang maumpog ang ulo ko sa isang matigas na bagay. Napaupo ako habang sapo sapo iyong ulo ko.

" The fuck was that? Ano ‘to‚ end of the beach? May harang? " Bulong ko pa‚ nakangiwi dahil parang umalog ang utak ko.

" Sorry‚ are you okay? "

Saglit akong napatigil nang marinig ang gwapong boses na nanggaling sa harapan ko. Sapo sapo pa rin ang ulo‚ tumingala ako para tingnan siya.

Grabe‚ ang gwapo! Umaapaw ang kagwapuhan niya‚ tipong ‘yung sobra ay tumatapon ngayon sa mukha ko!

" Yeah‚ " Medyo nahihiyang sagot ko pa. Dahan dahan akong tumayo‚ kaso dahil sa katangahan‚ muntik pa akong ma-out of balance! Napahawak ako sa braso niya‚ at nagulat naman ako nang maramdaman ko ang kamay niyang hawak hawak ngayon ang baywang ko. Pakiramdam ko tuloy ay pulang pula ang pisngi ko.

" Careful "

Mahinanong aniya‚ hawak hawak pa rin ang baywang ko. Umayos ako ng tayo at lumingon sa kaniya para sana mag thank you‚ kaso ay mali yata ang ginawa ko dahil nagkalapit pa ang mukha namin! Saglit kaming nagkatitigan‚ pero agad kong iniwas ang tingin ko sa kaniya.

Hindi ko kaya! Masiyadong intense! Sa sobrang pogi niya ay una akong bumibigay.

" Sorry! " Nahihiya kong usal‚ sabay layo sa kaniya.

" It’s fine. " Tumingin siya sa relo niya. Napakagat naman ako ng labi nang hawiin niya ang buhok niya. Ang gwapo talaga! Model kaya siya?

" Ah‚ I’m late. Gotta go. " Aniya at agad ding umalis‚ hindi na ako hinintay pang magsalita. Sinundan ko lang siya ng tingin‚ hanggang sa mawala na siya sa paningin ko.

" Ang gwapo! Bet mo ano? " Biglang sulpot ni Kisses sa tabi ko. Umiling ako sabay palo ng pwet niya.

" Bet na bet‚ " Ngumisi ako at tumakbo na papunta sa dagat. Rinig ko pa ang tawa ni Kisses kaya naman mas lalong lumawak ang pagkaka ngiti ko.

Ah‚ kapag nakita ko siya ulit‚ sasabihin ko pakiss.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 25, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Sweet Taste of Summer (Summer Series #1)Where stories live. Discover now