Chapter 01

2.5K 54 0
                                    

Pabagsak akong umupo sa sofa nang makarating sa hideout ng banda. Natigil pa sa ginagawa ang tatlo kong kaibigan dahil sa biglaan kong pagdating.

"Nandito pala ang artista natin oh," biro ni Gerald, ang lead vocalist namin.

Pinaikutan ko siya ng mata. "Tantanan niyo ako sa pang-aasar niyo."

Lumapit naman sa akin si Fred, ang lead guitarist ng banda, at inakbayan ako.

"Bakit, Bethy? Nakakapagod ba makipagsalisihan sa mga fans mo?" tanong niya.

"Anong fans? Mga Marites kamo," saad naman ni Noam, ang bass.

"Nandito ako para magpahinga. H'wag niyo akong bwesitin," ani ko saka pinaalis sa sofa si Fred para makahiga ako.

"Stress much?" natatawang tanong niya. "Ayan kasi. Alak pa."

Binato ko lang siya ng unan na kan'ya namang nasalo at muling binato pabalik sa akin.

"Ano na ba balita, Beth? Hulaan namin. Binugahan ka na ng apoy ng ama mo kaya ka nandito, 'no?" si Gerald.

Napabuntong hininga ako. "Ang aga pa tumawag. Naputol tuloy tulog ko."

"Dapat nagreklamo ka," suhesyon ni Noam.

"Para kulong siya sa bahay nila," dugtong naman ni Fred na ikinatawa ng tatlo.

"Sabi pa niya h'wag ako sumama sa inyo bukas dahil makikipagkita kami sa De Guzman na 'yon," kwento saka umingos. "Lunch naman 'yon. Aabot pa ako sa oras dahil gabi naman tayo tutugtog. Kung may plano pa siya pagkatapos ng lunch namin, ayoko na. Bahala siya."

Mapang-asar lang silang tumawa.

"Talaga lang ha? Baka mamaya niyan diretso uwi ka na sa bahay ni De Guzman."

Binigyan ko ng isang masamang tingin ang nagsabi no'n. Si Noam.

"Please don't remind me about it," inis kong saad. "Mas naii-stress ako kapag naaalala ang usapan namin ni dad."

"Ano ba kasing naging usapan niyo?" seryosong tanong ni Fred.

"He wanted me to marry the guy," I said and cringed. "As if naman madali 'yong gawin! We're talking about marriage here! MARRIAGE!"

"Woah, woah," ang reaksyon nila.

"That's a big decision to make," ani Gerald.

"Syempre. Kasal ang pinag-uusapan natin dito," sang-ayon naman ni Noam.

"Pero come to think of it. You'll be Elizabeth Lamonte De Guzman. Bagay naman ah?" ngising saad ni Fred.

"E 'di ikaw magpakasal!" singhal ko sa kan'ya.

Tinaasan niya ako ng kilay. "Bakit? Ako ba ang nakipag-momol sa lalaking 'yon sa harapan ng maraming tao?"

"Momol?" Hindi makapaniwala akong umiling. "Grabe ka naman!"

"Momol. Make out. Same lang naman 'yon, 'di ba? Laplapan pa rin ibig sabihin no'n."

Malakas na napatawa ang dalawa pa naming kasama.

"Mas pumangit pakinggan. Laplapan hmp," tawang-tawang turan ni Gerald.

"Laplapan naman talaga ah? Halikan na mas intense. With feelings at with dila."

"Tangina, Fred!" Binato siya ni Noam ng nakalukot na papel. "Tumahimik ka na nga lang! Ang dami mong sinasabi."

"Nagsasabi lang naman ako ng kaalaman ko!"

"Walang may kailangan ng kaalaman mo!"

"Shush!" awat sa kanila ni Gerald. "Balik tayo kay Mrs. De Guzman."

A Fleeting Moment (Affliction Series #7)Where stories live. Discover now