Chapter 20

2.6K 52 16
                                    

(Please play the song A Thousand Years by Christina Perri while reading this chapter.)

"E-Eli, y-your hands..." may pag-aalalang sambit ni Ekaris.

Mas humigpit ang pagkakahawak ko sa manibela ng kotse saka siya binigyan ng isang tipid na ngiti.

"Wala akong nararamdaman," sagot ko.

"But it doesn't mean you're not hurting."

"I am hurting," mabilis kong saad. Muling nagdugo ang kamay ko dahil sa higpit ng pagkakahawak ko sa steering wheel. "But who cares?"

"Elizabeth... it's bleeding..."

"Hindi ako mauubusan ng dugo dahil sa sugat na 'to."

"You will!" sigaw niya. "Stop the car. I'll tend your wound."

Hindi ko pinansin ang sinabi niya. Nanatiling nasa harapan ang tingin ko.

Hindi ko alam kung paano siya nagpaalam sa babae niya pero mabilis siyang sumunod sa akin noong lumabas ako. Walang salita kong pinaandar ang kotse kahit na hindi ko pa alam kung nasuot na ba niya ang kan'yang seatbelt. Hindi ko rin siya nililingon simula pa kanina.

"Elizabeth! Stop the car! You hand is bleeding, for fuck's sake!"

Hindi ko ulit siya pinansin. Hindi ko kailangan ng awa niya dahil sa sarili ko pa lang, busog na busog na ako sa emosyong 'yon.

"Elizabeth!" mariin niyang sigaw.

Mabilis kong pinarada sa gilid ang kotse na kinagulat niya rin. Humarap ako sa kan'ya saka nilahad ang kamay kong may sugat.

"Ayan. Gamutin mo na," ani ko nang hindi makatiis.

Gusto niyang magpanggap na nag-aalala? E 'di sige. Magpanggapan kami.

Mukhang hindi pa siya nakakabawi sa biglaan kong pagliko.

"Baka nadisgrasya tayo kanina sa ginawa mo, Eli! What are you thinking?" pangaral pa niya.

Your and Shine, in bed, naked and moaning.

"You wouldn't wanna know."

"What..." Humina ang kan'yang boses nang mapagtanto ang sinabi ko. "Elizabeth..."

"Stop calling my name, Ekaris. Gusto mong gamutin sugat ko kaya ayan na." Mas nilapit ko sa kan'ya ang aking kamay. "Baka sakaling malinis konsensya mo, 'di ba? H'wag kang mag-alala. Wala ka namang kasalanan diyan. Masyado lang kasing masakit ang mga naririnig ko kanina kaya nabitiwan ko ang hawak-hawak kong baso."

Saglit akong tumikhim nang pumiyok ang boses ko.

"Kumuha ako ng b-bubog para mabawasan ang s-sakit." Mapait akong ngumiti sa kan'ya. "Pero ayos lang. Desisyon ko 'yon kaya ako rin ang m-may kasalanan."

Napatitig siya sa akin. Mas nasasaktan ako sa nakikita kong emosyon sa mga mata niya kaya mas pinili kong umiwas ng tingin.

"May dala ka bang first aid kit?" tanong ko na lang.

Tila natauhan naman siya roon. "W-Wala."

Mahina akong natawa saka tinago ang aking kamay. "Wala naman pala. E 'di walang gagamutin."

Muli kong pinaandar ng kotse nang biglang hawakan ni Ekaris ang braso ko. Napaigtad ako roon at awtomatikong umatras papalayo sa kan'ya. Napansin niya ang reaksyon kaya agad niyang inalis ang kan'yang kamay. Nakita ko rin ang pagdaan ng sakit sa mga mata nito.

"I'll drive," alok niya na inilingan ko lang.

"Kaya ko." Tuluyan kong binuhay ang kotse.

"Baka ma-inpeksyon sugat mo, Eli. Ako na magda-drive. Palit tayo ng pwesto," pagpupumilit niya.

A Fleeting Moment (Affliction Series #7)Where stories live. Discover now