Chapter 11

1.5K 43 12
                                    

Gerald suddenly called early this morning to ask me if I'm up for a band bonding. It was so random but I said I have to ask Ekaris first. Pero noong nagpaalam ako ay wala namang problema sa asawa ko kaya um-oo rin ako. Sabi pa nga niya na mas mabuti ring makasama ko mga kaibigan ko kesa naman nandito lang ako sa bahay at nagmumukmok.

It was Wednesday and Ekaris was out again for his business. After his sudden confession last Saturday, we became closer and intimate. He even asked me if I could sleep beside him last Sunday and I said yes.

Oo na. Marupok na kung marupok pero mag-asawa naman kami. Wala naman sigurong masama kung magkatabi kaming matulog. Saka gusto ko ring mag-work out ang relasyon na 'to kaya mas mabuti na ring panindigan ko na ang pagiging asawa niya. Ekaris deserves the best. He's been very understanding and kind to me. He's also sweet and thoughtful. I don't want to hurt him in any way especially now that I'm also starting to fall for him.

Fast, easy, and scary.

Usapan naming apat ay alas singko kami magkikita-kita sa hide out ng banda pero dahil wala naman akong ginagawa ay alas dos pa lang, nagpunta na ako roon.

Our place was also a music room type but with extended room for a small kitchen, a bedroom, and a bathroom.

Nagluto ako ng popcorn, shrimp at squid crackers na kropek. Ni-check ko rin ang ref at may nakita akong San Mig Light doon. Alam ko namang basta band bonding ay inuman ang gusto nila.

"Bethy?"

"Ay! San Mig Light!" Gulat akong lumingon sa bagong dating. "Gagi ka, Gerald! Nagulat ako sa 'yo!"

Mahina siyang natawa at lumapit sa akin saka ako niyakap saglit. "Ang aga mo naman?"

"Nagluluto ako para mamaya. Saka boring sa bahay dahil wala ang asawa ko. Ikaw? Ba't ang aga mo?"

"Nasa kwarto lang ako simula kagabi. Nakatulog ako kaya hindi kita napansin." Tumabi siya sa akin saka sumubo ng popcorn. "So kini-claim mo na pala na asawa mo si Ekaris ah. Bakit? Nahuhulog ka na ba?"

Nakapameywang ko siyang nilingon. "Bawal ba sabihin 'yon? Asawa ko naman talaga siya ah?"

"Sus. Parang noong nakaraan lang todo reklamo ka pa dahil ayaw mong matali sa kan'ya," pang-aasar niya.

"I guess feelings change talaga. Malay ko bang gentleman pala siya at mahuhulog ako sa kan'ya?" ani ko habang naglulunod ulit ng bagong kropek.

Napangiti siya. "So in love ka na nga?"

"Siguro?" Nagkibit balikat ako. "Hindi pa ako sigurado. Alam kong mabilis pero sa mga panahong nakasama ko siya, masaya ako. Pinapasaya niya ako."

Ginulo niya ang aking buhok. "I'm happy for you."

"Dapat lang. Itong nag-iisa niyong prinsesa, NBSB pero may instant asawa agad. Hot daddy pa."

Natawa siya at muli na namang nagsubo ng popcorn.

"Sana all, 'no? Tas kami hindi pa rin nase-seryoso. Akala nga naming tatlo ikaw ang pakakasalan namin. Bale tatlo magiging asawa mo," aniya. "Elizabeth Lamonte Santiago Artazo Diaz. Bagay naman."

Natatawa ko siyang binato ng isang pirasong popcorn na nasalo naman ng bibig niya.

"Ang sagwa niyo," sabi ko.

"Pero totoo kaya. Sayang lang at naunahan kami ni De Guzman. Pero pwede naman apat asawa mo, 'di ba? Elizabeth Lamonte De Guzman Santia---"

"Shush!" pigil ko sa kan'ya. "Binababoy mo na pangalan ko."

May mapang-asar siyang ngisi habang pinagmamasdan ako. "Ayaw mo lang dugtungan De Guzman mo e. In love 'yarn?"

"Lumayas ka na nga rito! Tawagan mo na lang sina Fred at Noam para maaga tayong makakapagwalwal." Tinaboy ko siya. "Saka bawal ako malasing masyado dahil naghihintay asawa ko sa bahay namin."

A Fleeting Moment (Affliction Series #7)Where stories live. Discover now