Chapter 05

1.6K 49 3
                                    

Maluwag ang daanan nang bumyahe kami kaya wala pang 30 minutes ay nakarating na kami sa isang informal event kung saan kinuha ang banda namin para tumugtog. It was a wide space open for a big crowd. Ang alam ko ay fiesta sa baranggay na 'to.

There were already a lot of people when we arrived. I even had to took the way for staffs to avoid them while Ekaris was just walking behind me.

"Hindi ka pa uuwi?" tanong ko sa kan'ya.

"I drove you here so it's my duty to make sure you'll get home safe," sagot lang niya.

Doon ko lang napagtantong sa kan'ya pa lang ako sumakay. Ibig sabihin hindi ko dala ang aking sasakyan at hindi ko alam kung paano uuwi. But...

"Hanggang hating gabi pa kami rito," ani ko. "Saka may mga kaibigan akong pwedeng maghatid sa akin pauwi mamaya."

Inilingan niya lang ako. "I'll be the one to take you home. I don't want to be held responsible if ever something bad happens to you."

"Pwera usog," bulong ko saka muli siyang nilingon. "Mabo-bore ka rito," paunang babala ko na lang, nagbabasakaling ma-discourage ko siya.

"Well, darling. In case you don't know, I am into music and live bands," he said and winked.

Nang makarating sa backstage ay agad kong hinanap ang tatlo kong kaibigan.

Nakita ko si Gerald na kakababa lang mula sa stage. Kasama niya si Noam at mukhang nagse-set up sila ng instruments sa harapan.

"Bethy," tawag sa akin ni Noam nang makita ako.

Hindi nakawala sa paningin ko ang pagsulyap niya sa aking likuran at makahulugang tumingin ulit sa akin.

Lumapit ako sa kanilang dalawa at sandali silang niyakap.

"Si Fred?" tanong ko nang mapansing wala ang isa sa amin.

"He's still on the stage," sagot ni Gerald.

Ninguso niya ang nasa likod ko at tinaasan ako ng kilay.

"That's Ekaris De Guzman, right?" tanong niya.

Tumango lang ako. "Siya nag-drive sa akin dito."

"Wow. Hatid-sundo?" mapang-asar na singit ni Noam. "Ano? Legal na ba?"

Binigyan ko siya ng isang nagbabantang tingin. "Stop, Noam Benjamim."

Agad siyang napasimangot sa tinawag ko sa kan'ya. "Stop calling me Benjamin, Bethy. Pakiramdam ko tuloy ako si Vice Ganda."

Pinigilan ko ang sarili na matawa. Ayaw na ayaw niyang tinatawag siya sa buo niyang pangalan. Alam niya kasing mula sa movie na Private Benjamin ang second name niya. Inis na inis naman siya nang malaman ang history ng pangala niya dahil unang pumapasok na sa kan'yang isip si Vice Ganda kapag naririnig ang pangalang iyon.

"Then stop teasing me," saad ko.

"I want to. Mangungulit ako," mabilis naman niyang sagot. "So bakit ka nga niya hinatid dito?"

Nilingon ko si Ekaris na tahimik lang kaming pinagmamasdan. Halata namang naririnig niya pinag-uusapan base sa mapaglarong ngisi niya nang magpang-abot ang aming tingin.

"I'll tell you later," sabi ko sa kanila.

Saktong bumaba na rin mula sa stage si Fred.

"Come on, guys. Let's get ready---"

Hindi niya tinapos ang sasabihin at napakurap pa nang tumingin sa gawi namin.

"Fred," tawag sa kan'ya ni Ekaris kaya napalingon ako sa kan'ya.

A Fleeting Moment (Affliction Series #7)Where stories live. Discover now