Chapter 24

2.5K 38 2
                                    

(Please play Moments by One Direction and Let Go - English version by Ysabelle Cuevas for this chapter.)

We all waited for Sunday to come. May mga trabaho sila at medyo hectic ang kanilang schedule kaya ang usapan ay sa Linggo na lang ang gig. We visited Gerald's grave that day before going to the venue. We will play in a small event for free and we wanted Gerald to be there with us. We wanted to make him feel that he is still part of the band.

Dahil sa mga nangyayari sa akin, parang nahinto ang pagluluksa ko sa pagkamatay ng kaibigan ko. Seeing his name carved in a tombstone, it refreshed the pain and reality that we'll never see him again.

"We're going to play later, bud," ani Noam habang nakaluhod sa harapan ng puntod nito. "Pakinggan mo kami ah. Cheer mo na rin kami para ganahan kami sa harap."

"Wala na kaming lead vocalist, 'tol. Hayop ka talaga. Iniwan mo pa kami ng alalahanin," singit naman ni Fred. "Pero buti na lang namana namin sa 'yo boses mo kaya pwede na."

Tahimik lang ako sa kanilang gilid habang kinakausap nila si Gerald. Ako lang ang nakatayo sa aming tatlo. Kung kausapin nila ang puntod ng kaibigan namin ay para bang buhay ito. Baka nga bigla na lang sumagot ang si Gerald dahil sa pinaggagawa nila.

Lumingon naman sa akin si Noam. "You don't have anything to say to him?" tanong niya sa akin.

Saglit akong lumingon sa kan'ya bago muling binalik ang tingin sa puntod ni Gerald.

"Kinakausap ko naman siya sa isipan ko. Secret na lang ang mga sinabi ko sa kan'ya," ani ko.

Tumayo na si Fred. "Ano ba 'yan. Kahit wala na si Gerald, may sekreto pa rin kayong dalawa. Nakakatampo na kayo ah," aniya.

Binigyan ko siya ng isang masamang tingin. "Para namang wala kayong tinatagong sekreto sa akin ni Noam."

Pasimpleng umubo si Noam saka tumayo. Napangisi naman si Fred sa sinabi ko.

"Gusto mo sabihin ko sa 'yo ano secret namin?" maloko niyang tanong.

Siniko naman siya ng isa. "Subukan mo lang. Mawawalan ka ng ngipin kapag ginulpi kita."

Tumatawang inakbayan ni Fred si Noam.

"Takot ka, 'no?" Ngumisi siya. "Sa 'yo pa rin loyalty ko kaya don't cha worry."

"E 'di kayo na," singit ko sa usapan nila. "Ako na ang walang kakampi," kunwaring nagtatampu-tampuhan kong dugtong.

Inalis ni Noam ang braso ni Fred sa balikat nito saka ako nilapitan at inakbayan.

"Kakampi mo ako. Wala akong pakialam kay Freddy," saad niya.

"Ah, talaga ba? E kung sabihin ko kaya kay Bethy sekreto mo?" naghahamon niyang sabi.

"Tatahiin ko 'yang bibig mo."

"Weh? Kaya mo?"

"Sige, Fred. Hamunin mo talaga ako. Pababagsakin ko 'yang kompanya mo," taas-kilay na pahayag ni Noam.

"Luh. Mas mayaman kaya ako sa 'yo," kontra ni Fred. "Baka ako pa magtanggal ng lisensya mo bilang isang doktor."

"Noam Benjamin Howard Artazo." Taas noong binigyan niya ng naghahamon na tingin ang kaharap. "Baka nakakalimutan mong may dugong bughaw ako? I am related to the royal family of England, Santiago."

Ngumiwi si Fred nang marinig ang pormal at malalim na boses ni Noam.

"Oo na! Tangina. Nakakakilabot ka naman," pagsuko niya saka umiling. "Bwesit na prinsipe 'to."

Natawa na lang ako sa kanilang dalawa saka nilagay ang aking kanang braso sa baywang ni Noam.

"Nagtalo pa. Magpaalam na nga lang kayo kay Gerald. Baka multuhin kayo niyan sa korte," biro ko.

A Fleeting Moment (Affliction Series #7)Where stories live. Discover now