07

721 13 0
                                    

Aikee's POV

HINDI ko alam kung ano ang sasabihin. Ilang minuto na mula nang mag-walk out si Mrs Liu—err si Miss Fuentebella pala at nanatili pa din akong nakatayo malapit sa lamesa nila. This is the first time I saw someone go againts the almighty Mr. Liu, at sa tingin ko ay ganoon din ang nararamdaman ni Mr. Liu.

"Mr. Liu, okay ka lang ba?" basag ko sa katahimikan.

Sa gulat ko ay humalakhak sya ng malakas. It is actually surprising because I've never seen him laugh before. Sya kasi ang tipo ng tao na pirming nakasimangot lang o di kaya ay bored. Inayos ko na lang ang aking tie saka kabadong naglakad palapit sa kanya.

"That girl is really something," aniya habang kumukuha ng tissue para ipunas sa mukha. "Sya pa lang ang kauna-unahang tao na gumawa sa akin ng ganoon."

Well, ito lang naman kasi ang unang beses na lumabas ka kasama ang isang babae. Gusto ko iyon isaboses pero wag na lang. Baka mawalan pa ako ng trabaho.

"What do you think Aikee?" baling nya sa akin.

Napatikhim naman ako. "Sa tingin ko may dahilan kaya sya gumawa ng—"

"I'm asking you as a friend, not as a secretary."

"Hindi mo dapat palagpasin ang ginawa nya sa'yo."

"That's what I'm thinking," hinubad nya ang suot na coat saka itinupi naman ang manggas ng kanyang long sleeve. "Ano kaya ang magandang parusa sa babaeng iyon?"

"Dipende sa'yo. Kung ako ang—" tumunog naman ang aking cellphone. "Excuse me."

Tumatawag si Mr. Chen. Kaagad ko iyong sinagot. Bahagya akong nagulat sa kanyang sinabi. Nakakunot ang noo na sinulyapan si Mr. Liu na wala pa din alam sa nangyayari.

"Okay," saad ko. "I will ask our men to search the area." The call ended.

"May problema?" tanong naman ni Mr. Liu.

"A paparazzi secretly followed us and took a picture of you with Mrs. Liu," mabilis na tiningnan ko ang internet at tama nga si Mr. Chen. Ilang minuto pa lang ang nakakalipas pero nasa trending page na ang post na iyon ng naturang paparazzi.

"Ano'ng nakalagay sa article?"

Iniabot ko sa kanya ang tablet para makita nya mismo ang nakasulat.
    
    
    
   
    
    
    
    
    
   
   
   
   
   
    
    
    
    
    
   
   
   
   
   
    
    
    
    
    
   
   
   
   
   
    
    
    
    
    
   

   
   
  
      
   

〰〰〰❇❇❇〰〰〰

Kiefer's POV

"THAT'S all for today," pagtatapos ni Daddy sa board meeting.

Nagsimula nang magsialisan ang mga naroon hanggang sa kami na lang ang maiwan sa silid.

"Nakita mo na Kiefer?" narinig kong tanong ni daddy.

Pinili kong hindi umimik. Nagpanggap na lang ako na binabasa ang ilang business report.

"Paano ka magiging company president kung ngayon pa lang ay kulang na ang tiwala nila sa'yo?"

"Kailangan ko bang sundin ang gusto mo para makuha ang tiwala nila?" matabang kong tanong.

The Billionaire's Contract Wife (COMPLETED)Where stories live. Discover now