42

529 13 0
                                    

Anastasia's POV

HINDI ko pa din mapigilang mangiti habang nagtitimpla ng kape. Paano naman kasi, hindi mawala sa utak ko ang mga palihim na pagkikita namin ni Michael. Para kaming mga bata na takot mahuli ng magulang!

Narinig ko naman na may papasok sa pantry kaya maagap na inalis ko ang ngiti sa aking mukha. Tumikhim pa ako saka nagkunwaring busy sa paghahalo ng kape.

Ang hirap ng sitwasyon namin pero wala naman akong narinig na reklamo kay Michael. Although ramdam ko na hindi sya natutuwa sa tuwing tinutulak ko sya sa kung saan maitago lang sya. Anong magagawa ko? Hindi pa ako handa na makita kasama si ang chairman ng AKZ at sikat na owner ng Emerald! Iyon na nga lang kumalat ang picture naming dalawa ay para na akong maloloka dahil baka may makakilala sa akin.

Bitbit ang mug ay naglakad na lang ako pabalik sa aming opisina. Wala pa din pinagbago. May sari-sarili pa ding mundo ang mga kasama ko. Mabuti naman. Dahil busy kami sa nakatambak na trabaho, siguradong nalimutan na nila ang eksena kung saan nakatanggap ako ng bulaklak. Although kinulit nila ako tungkol sa bagay na iyon pero wala silang nakuhang matinong sagot sa akin.

Binalingan ko na lang ang aking computer. Malapit nang matapos ang araw na ito. Makakauwi na ako at makakapagpahinga.

Napasulyap naman ako sa cellphone ko na nakapatong sa isang gilid. I hate to admit but I suddenly missed Michael's clingy text. Kaninang umaga ay nag-text sya sa akin na maghapon daw syang mawawala sa opisina dahil sa mga meetings na kailangan nyang puntahan.

Nakakabagot tuloy. Parang hindi na buo ang araw ko na hindi sya nakikita.

Na-miss ko din ang pag-akyat sa opisina nya. Kahit gusto kong dalawin sya doon ay hindi ko naman magawa. Una, wala namang dahilan kagaya ng trabaho o utos ni boss Chi. Pangalawa, pag pumunta ako nang walang dahilan, baka pag-usapan ako ng mga kaopisina ko.

Napasimangot na binalingan ko na lang ang trabaho ko. Hindi ko inaakalang magiging ganito ka-intense ang feelings namin ni Michael. I mean, hindi ko inaasahan na sa ganito kami mapupunta! Noong una nga, divorce agad ang bungad nya sa akin pero ngayon? Kulang na lang ay hindi kami maghiwalay.

Oo nga pala. Hindi na nya muli binanggit ang bagay na iyon. Hindi ko tuloy alam kung ano ang idea nya tungkol sa doon. Sa totoo lang, kahit masaya ako sa nangyayari ay hindi ko pa din maiwasang matakot.

Paano kung hindi totoo ang nararamdaman ni Michael? What if dumating ang isang araw na magsawa sya at banggitin na naman ang divorce namin?

Parang hindi ko yata kaya iyon. Sya ang unang lalaki na nagparamdam sa akin ng ganito. Iyong tipo na hindi ako makatulog kakaisip sa kanya. Nagmimistulang teenager na din ako dahil palaging cellphone ang hawak ko kapag may free time ako.

Napatigil ako sa aking ginagawa nang mag-vibrate ang aking cellphone. Mabilis na kinuha ko iyon, expecting a message from him. Napasimangot naman ako nang makitang hindi si Michael ang nag-text.

Malapit nang matapos ang subscription mo. Para patuloy na ma-enjoy ang unlimited text and call, mag-register ulit gamit ang keyword na ito.

Bwisit. Nakairap na ibinato ko na lang ang kawawa kong cellphone! Aish! Ano ba Anastasia! Hindi mo naman kailangang ipahalata na gustong-gusto mong makatanggap ng text mula kay Michael!

Napasabunot na lang ako saka muling nagpatuloy sa aking ginagawa.
    
    
     
    
   
    
    
     
    
   
    
    
     
    
   
    
    
     
    
   
    
    
     
    
   
 
 

〰〰〰❇❇❇〰〰〰

Michael's POV

"ITO na iyon?" nakanganga kong tanong kay Aikee.

Kasalukuyan kaming nasa isang five star restaurant at katatapos lang ng meeting sa mga bagong investors ng Emerald.

"Yup," aniya habang kinakain ang natira nyang pagkain.

Is he kidding me? Ito lang iyon? Clueless na nag-scroll ako sa newsfeed ng Facebook. Wala man lang akong makita na interesting! Ano bang mayroon dito at madaming gumagamit nito?

"Boring pala ang app na ito," kumento ko habang kinakalikot pa din ang bagong gawa kong Facebook account.

"Kailangan mo ng madaming friends para magkalaman ang news feed mo. I also suggest na mag-follow ka ng mga entertainment page."

"Friends?" nagpapatawa ba ang developer ng app na ito? "Parang gusto ko na lang i-uninstall ito. Naglolokohan lang tayo dito."

Nakita ko naman na ibinaba nya ang hawak nyang kutsara saka kinuha ang sariling cellphone. Kapagkuwan ay may ipinakita sya sa akin.

"May Facebook account ka din?!" bulalas ko.

"Anong nakakagulat doon?"

Napairap na lang ako. Pakiramdam ko ay nalamangan nya ako sa isang bagay.

"Dito," he start navigating the app. "Dito mo makikita ang friend list mo."

Kung ano ano pa ang itinuro nya sa akin. At dahil matalino ako ay agad ko namang nakuha ang mga tinuro nya. I also explored my own account.

"Kalokohan," naiinis kong bulong.

May friends na nakalagay sa profile ko pero dadalawa lang! Si Aikee at Mr. Chen lang ang nasa friend list ko! Aish! May social media account din ang butler ko?

"Bakit hindi mo pa i-add si Asia?" aniya.

Napatuwid naman ako sa pagkakaupo. Bahagya din akong tumagilid para hindi nya makita na bigla akong na-excite sa sinabi nya.

"Saan ba dito ang search button?" balewalang tanong ko.

"Hanapin mo iyong magnifying glass."

Nakita ko naman agad ang tinutukoy nya. I pressed the magnifying glass and searched for Anastasia's profile.

Hindi ko naman alam ang mararamdaman nang makita ang aking hinahanap. Pasimpleng sinulyapan ko pa si Aikee. He's now on his phone. Tumikhim pa ako saka muling bumaling sa sarili kong cellphone.

I viewed her profile and scrolled down to her posts. Nanlaki din ang mga mata ko nang makita ang napakarami nyang friends!

"Three thousand?!" nabitawan ko pa ang aking cellphone. Ganoon kadami ang friends nya sa Facebook?!

Napasulyap ulit ako kay Aikee. Hindi man lang sya nag-abalang tingnan ako. I maintain my cool. Baka isipin nya na masyado akong bano sa ganito. Inayos ko pa ang aking necktie saka muling dinampot ang aking cellphone.

Kulang na lang ay madurog ang cellphone ko sa higpit ng pagkakahawak ko doon. Bakit puro lalaki ang nasa friend list nya?! May nakita pa akong mga puso sa pictures nya. Parang gusto tuloy mag-init ng ulo ko.

Nakasimangot na nag-exit na lang ako sa list ng friends nya hanggang mapadako ako sa profile picture nya.

I unconciously smiled while staring at her picture. Naramdaman ko din ang pag-init ng aking dibdib kasabay ng pagbilis ng tibok ng aking puso. Hindi ko ma-imagine na ganito kalakas ang epekto ng simple nyang larawan. She's just smiling at her picture. Walang bahid ng make up ang mukha habang ang buhok ay simpleng nakalugay lang.

Then I remembered the first time I saw her. She always had this long hair. Iyon din ang pinagtataka ko. Gusto ko tuloy itanong kay Anastasia kung bakit nya pinaputulan ang buhok nya.

"Bumalik na tayo sa opisina," wika ko na lang saka may pinindot sa screen. I thought na-exit ko na ang app ngunit namilog ang mga mata ko nang hindi pala.

Friend request sent!

What the fuck?!
   
   
Ipagpapatuloy...

The Billionaire's Contract Wife (COMPLETED)Where stories live. Discover now