67

370 9 0
                                    

Anastasia's POV

NAKAHINGA ako ng maluwag nang nakapasok ako sa elevator. Natapos din ang mahabang gabi ng pakikipagplastikan ko sa mokong na iyon. Finally, I'm free! Sana lang talaga ay tumupad sya sa usapan namin. I did what he want.

"Aish," naiuntog ko na lang ang ulo ko sa dingding ng elevator habang minamasahe ang nananakit kong binti. "Naging display lang naman ako doon, bakit pa nya ako pinasama?"

Naalala ko ang nangyari sa awards night na dinaluhan namin. Nang magsimula kasi ang programa ay halos hindi na nya ako kausapin. He's too busy talking to different celebrities! Not that I'm upset or what, kaya lang ay hindi matanggap ng ego ko na iniwan nya ako sa table namin na parang tanga lang!

"Bwisit!" bulong ko habang mangiyak-ngiyak na minamasahe pa din ang binti ko. "Hindi na ako magsusuot ng ganito kataas na heels!"

Naiinis na hinubad ko na lang ang suot kong sapatos. Bahagya pa akong napangiti nang makaramdam ako ng ginhawa. Hay, sino bang nakaimbento ng ganito kataas na stilleto? Para akong pupulikatin sa sakit ng binti ko.

Ting!

Napatingala ako sa numero ng palapag na tinigilan ng elevator. Kaagad din akong napasimangot nang makita na nasa palapag na ako ng penthouse ni Michael. Mag-isa na naman ako. Mag-isang kakain, tutunganga sa kawalan at matutulog. Kung bakit kasi biglang nawala ang mga tauhan ni Michael!

"Kakain pa ba ako?" pagkausap ko sa sarili ko habang tinatahak ang papunta sa tinutuluyan ko. "Madami din naman akong nakain—"

Natigilan ako nang mapansin na nakaangat ang pintuan ng penthouse ni Michael.

"Teka—bakit bukas ito? Naiwan ko bang nakabukas ito?"

Napaisip ako. Wala naman ibang nakakaalam ng password ng pinto maliban sa akin at kina Aikee. At wala ngayon sina Aikee sa bansa kaya paanong bukas ito?

Naipilig ko ang aking ulo. Naiwan ko yatang nakabukas ito sa pagmamadali kanina.

"Aish!" mahinang tinampal ko na lang ang aking noo. "Napaka-careless mo talaga Asia!"

Pumasok na lang ako saka ibinato kung saan ang bitbit kong stilleto. Nakangiting nag-inat pa ako ng katawan. Finally, my problem is over! I can now sleep peacefully knowing that Lucas Smith will no longer press any charges against our company.

Nawala naman ang ngiti ko nang mapansin ang tatlong pares ng sapatos sa harapan ko.

"S-sino—" agad na lumingon ako sa living area.

My eyes widened when I saw empty bottles lying on the carpeted floor. May nakapasok ba? Agad kong dinukot ang aking cellphone habang marahan na naglalakad palapit sa living area. Ang kapal ng mukha ng magnanakaw na ito, nagawa pang mag-inom sa pamamahay ni Michael!

I was about to dial the security's number when I saw a familiar guy lying on the floor.

"A-aikee?!" nabitawan ko pa ang cellphone ko. Tama ba itong nakikita ko?

Nakabalik na pala sila? Pero bakit hindi man lang nila ako inabisuhan?

"S-sino ka?" isang boses ang nagpalingon sa akin sa kabilang couch.

"Mr. Liu?" gulat kong saad.

I saw him lying on the couch while hugging a bottle of an empty beer. Pilit din syang bumabangon habang ang mga mata na halos di na maimulat ay nakatitig sa akin. Wait, is he drunk?!

"T-teka?" aniya habang mabagal pa din na bumabangon sa pagkakahiga. "Anastasia?"

Hindi naman ako makapaniwala sa hitsura nya. He look so wasted for crying out loud! Napanganga pa ako nang bumagsak sya sa couch, marahil ay sa sobrang kalasingan.

The Billionaire's Contract Wife (COMPLETED)Where stories live. Discover now