50

479 11 1
                                    

Kiefer's POV

MULA sa kompanyang pinag-apply-an ko ay agad akong dumiretso sa apartment nina Asia. I just saw the news all over the internet and I was so worried about her. Alam kong sya ang babaeng kasama ni Michael sa larawan.

Maging sa social media ay kabi-kabila ang comments tungkol kay Asia. Lahat ay puro masasakit na salita. I'm also pissed right now! Sino sila para sabihin ang mga ganoong bagay kay Asia?! They don't even know her! Tsk. Social media nowadays is really scary.

I step out of my car and looked around. Thank God! Mukhang wala pa din nakakakilala kay Asia. Kung mayroon na, siguradong puputaktihin ng reporters ang labas ng apartment nila.

Akmang hahakbang na ako nang tumunog ang aking cellphone. I fished it out from my pocket and saw Zac calling me.

"Zac?" bungad ko.

"Did you see the news?"

"Yeah," sagot ko na lang. Naglakad na ako papunta sa pinto ng apartment. "Why?"

"Si Asia ba iyong babae?"

Natigilan naman ako. Nakilala nya agad si Asia? How come? The angle of the picture does not show her face. It only captured her back. Napasimangot naman ako nang maalala ko ang larawang iyon.

That asshole just kissed Asia! Akala ko ba ay contract wife lang nya si Asia?!

"I think you're wondering how I know that," pagpapatuloy ni Zac. "Blame my lawyer's gut. Nakilala ko agad sya kahit nakatilod."

I see. Well, there's no point of hiding it. "Si Asia nga iyon."

"This is surprising. I mean, not to judge her but is it really true? Wala sa mukha ni Asia na gagawa ng ganoong bagay."

Dahil hindi naman talaga sya mistress ng gagong iyon! Gusto kong sabihin pero pinigilan ko na lang ang aking sarili.

May tamang oras para sabihin ang totoo kay Zac pero hindi ngayon. Masyadong komplikado ang sitwasyon ni Asia at ako pa lang ang nakakaalam ng totoo. Sa ngayon, kailangan ko muna syang makausap. This news is spreading fast lalo na sa business world. Sooner or later, someone will recognize her. Kung si Aikee nga na isang beses pa lang nakaharap si Asia ay nakilala na agad. Paano pa iyong iba?!

"Zac, I will talk to you soon. But to tell you, she's not that jerk's mistress. Hindi totoo ang balitang iyon."

"Okay. Sorry kung nagtanong ako. I know she's special to you. If ever you need to file some legal action, I am here."

"Salamat pare. I gotta go. Tatawagan na lang kita para makausap din kita ng personal."

I ended the call. I decided to knock on the door. Sa sitwasyon ngayon, siguro nandito pa si Asia.

Ilang sandali ang lumipas saka lang bumukas ang pinto. Si Belle ang nabungaran ko. Kasalukuyang nagtutuyo sya ng buhok at nakabihis na ng kanyang office attire. Mukhang papasok na sya sa trabaho.

"Where's Asia—"

Nalukot naman ang kanyang mukha. "Kief ang baho mo!"

"Ha?" I unconciously smell myself. Anong pinagsasasabi nya? Naligo naman ako.

"Nang-aasar ka ba? Naligo ako."

"Ang baho ng pabango mo!" inirapan pa nya ako saka nagmartsa papasok ng apartment.

Naguguluhang tumuloy na lang ako. Agad hinanap ng mata ko si Asia pero wala sya.

"Matagal ko nang gamit ang pabango ko," saad ko. "Nang-aasar ka lang."

The Billionaire's Contract Wife (COMPLETED)Where stories live. Discover now