35

482 10 0
                                    

Anastasia's POV

NAKANGITI pa ako habang nag-iinat. Sinulyapan ko ang aking relo, pasado alas otso na pala ng umaga. Magaan ang pakiramdam na lumabas ako ng silid. Nawala na agad ang sakit ng puson ko, thanks to Kiefer's care.

Humihikab na naglalakad ako papuntang kusina nang muntik na akong mapasubsob sa sahig. Ano ba iyong natisod ko?

Napatalon ako sa gulat nang makitang si Belle pala iyon. She's still sleeping soundly on the floor!

"Hoy!" sinipa-sipa ko sya. "Umuwi ka na naman ng lasing!"

"Hmm!" umungol lang sya.

Aish! Ano bang gagawin ko sa babaeng ito?! She look so wasted.

"Belle!" bahagya akong lumapit sa kanya. "Dumiretso ka na sa kama."

Ungol lang ulit ang isinagot nya. Mukhang malalim pa ang kanyang tulog. Nalukot ko na lang ang ilong ko dahil amoy alak pa din sya.

Kumuha na lang ako ng unan at blanket saka iyon inilagay sa kanya. Nang masigurong komportable na sya ay saka ako dumiretso sa kusina para magtimpla ng kape.

"May natira pa palang ulam kagabi," saad ko habang binubuklat ang mangkok na natatakpan sa ibabaw ng lamesa.

Sunod ko namang sinilip ay ang mini ref namin. Bahagya din akong napangiti nang makitang maraming chocolates ang naroon.

"Si Kiefer talaga," naiiling na isinara ko na lang iyon.

Oo nga pala. Balak ko sana syang kausapin kagabi tungkol sa plano nya sa trabaho at pamilya. I want to know what is his next move regarding his arrange marriage but he just suddenly left after eating dinner.

Natatandaan ko pa na parang galit ang kanyang mukha at nakasimangot. May nangyari na naman ba?

Nagkibit balikat na lang ako. Kilala ko sya, kung may problema sya, siguradong sasabihin din nya sa akin sooner or later.

"Oo nga pala! Bukas na ang housewarming party nya," palatak ko saka muling sinulyapan ang relo sa dingding.

Okay na naman ang pakiramdam ko kaya itutuloy ko na lang ang naudlot kong plano kahapon.

Agad kong inubos ang aking kape saka naligo.

"Okay," bulong ko matapos mag-apply ng manipis na make up. Ngumit pa ako sa sarili kong repleksyon.

Sunod ay namili na ako ng isusuot. I chose a casual attire. Nang masigurong okay na ang lahat ay kinuha ko na lang ang aking shoulder bag.

Akmang lalabas na ako ng kwarto nang napadako ang mata ko sa skirt na suot ko kahapon. Basta ko na lang pala iyon itinapon sa sahig kagabi nang magpalit ako ng damit.

Dinampot ko na lang iyon at tinitigan. "Ibabalik ko ba ito?" bulong ko.

Muli ay sumagi sa utak ko ang namumulang mukha ni Michael. Hindi ko naman mapigilang matawa nang ma-realize kung bakit sya nagkaganoon.

"Ang cute," natatawa kong inilagay sa marumihan ang naturang skirt.

I must admit that I was moved yesterday. Though embarassed, Michael was still able to provide what I need. Gusto ko tuloy isipin na thoughtful din sya kagaya ni Kiefer.

"Oo nga pala!" bigla kong naalala ang isang bahay ampunan malapit sa tinitirhan namin.

Sacred Children of God Orphanage is also one of the benefeciary of Emerald. At kung hindi ako nagkakamali ay doon din nakilala ni Michael si Aikee.

The Billionaire's Contract Wife (COMPLETED)Where stories live. Discover now