Prologue

76 8 4
                                    

Prologue

The sound of screehing tires was echoing through the silent road. The shouting and crying from the people inside can be heard along every turn of the vehicle.

Lahat nangagamba, nagdadasal sapagkat wala silang alam sa maaaring mangyayare. Will they survive with mild bruises and injuries? Or will they die?

Maririnig ang mga iyakan at sigawan ng mga estudyante ng maramdaman nilang natanggalan na ng isang gulong ang sinasakyang bus. Pilit kumakapit sa pwedeng makapitan makaligtas lang.

Some of them jumped out of the window to survive, “Mas gugustuhin ko pang mabalian o magkagasgas kesa sa mamatay!” sigaw ng huling estudyanteng tumalon.

Five of them were left inside, tiningnan sila ng teacher na umiiyak na rin. Bakit humantong sa ganito? Parang kanina lang nagkakatuwaan pa sila sa fieldtrip nila. What did they do to deserve this?

Pilit niyang nilalapitan ang tatlo niyang estudyante kahit na pagewang gewang na ang sasakyan. Niyakap niya ang tatlo na umiiyak at nanginginig, they couldn't jump off the bus dahil sa panginginig.

“Ayoko pa pong mamatay ma'am, gusto ko pa makasama magulang ko.” iyak ng isa habang nakahawak ng mahigpit sa laylayan ng damit niya. Hinaplos niya ng mahina ang buhok ne'to sa pagbabakasaling tatahan pa ito kahit na imposible.

“Shh, magiging okay din ang lahat. Gagawin ko ang lahat mailigtas lang kayo.” bulong niya habang lumilingon lingon. Nang makakita ng tyempo ay agad siyang bumaling sa tatlong estudyante.

“Alam kong natatakot kayo pero wala na tayong ibang paraan kundi tumalon paalis ng bus. Masakit oo pero ang mabuti makaligtas tayo kahit may bali man kayo o gasgas.” sabi niya kaya dahan dahang tumango ang tatlo niyang estudyante.

Napasigaw sila pareho ng isang gulong na naman ng bus ang natanggal dahil sa kakaliko neto. Natumba ang guro nila at tumama ang likod sa isang bakal. Kahit masakit ay pinilit niyang tumayo at lumapit sa mga estudyante niya.

“Tayo na bilis! Wala na tayong oras! Talon!” sigaw niya habang hawak hawak ang kamay ng tatlo niyang estudyante, “Samantha!”

Napalingon ang dalawang estudyante dahil sa pagsigaw ng guro nila, nanlaki ang mata nila at tila ba bumagal ang lahat dahil sa nakikita nila.

Sabay ng pagtalon nila at ng driver ang pagbunggo ng bus nila sa isang poste habang pilit inaabot ng guro nila ang kamay ng isa nilang kaklaseng naiwan sa loob. Sumabit ang paa neto sa gilid ng upuan at hindi maalis.

‘ Katapusan ko na ba? Mamamatay na ba talaga ako?’ isip niya habang tinatanaw ang papalayong kamay ng guro, ‘ Mukhang oras ko na nga. Nanay pasensya na, di na po makakauwi anak niyo.’

Napaiyak ng malakas ang guro ng makitang nakangiti sa kanya ang estudyante bago nagpagulong gulong ang sinasakyang bus at bumangga sa malapit na poste.

Naramdaman niya ang mga kamay na humawak sa braso niya. Nilingon niya ito at nakita ang ilang estudyante niyang nakaligtas na may galos at bali sa likuran niya.

Lahat sila nakatingin sa tumbang sasakyan habang may luha sa mga mata. May mga nag iiyakan meron pilit tinatawag ang pangalan ng naiwang kaklase sa loob sa pagbabakasakaling humihinga pa ito.

“Bilisan niyo hangga't di pa sumasabog ang sasakyan!” sigaw ng isang lalaking may kunting galos sa katawan. Makikitang namamaga ang ankle ne'to pero di niya iniinda.

Lalapit na sana sila sa nakatumbang sasakyan ng bigla nalang itong sumabog kaya tumilapon sila palayo.

Napaluhod ang guro nila dahil sa nasaksihan at napaiyak ulit. Bakit? Bakit nangyare ang mga ito?

Ang gusto niya lang naman ay maging masaya ang mga estudyante niya, bakit humantong sa ganito?

“Samantha!” sigaw ng mga estudyante niya dahil sa pagsabog. Nag iiyakan na silang lahat at may pilit na lumalapit sa sasakyan na pinipigilan ng iba.

Napahagulhol nalang siya dahil sa nangyare. Pakiramdam niya naging pabayang guro siya, di niya nailigtas lahat ng estudyante niya.

They never know it was the beginning of a new life. A life that will change the world.

April na naman and as usual I always have this urge to write kahit di ko tinatapos. Yes it's the impulse to write a story tapos di itutuloy lol.

Anyways, if you're ever reading this, honest comments would be much appreciated. Thank you! :)

The King's only daughterWhere stories live. Discover now