#2

50 4 2
                                    

Chapter two

-

Jasper

Agad akong nagtatakbo pababa ng sasakyan. Sumalubong sakin pagkababa ko ang isang nakatumbang sasakyan na umuusok at nag aapoy.

Tiningnan ko ang mga taong nasa daan na nakatulala at umiiyak, puno sila ng pasa at gasgas. Meron ding may mga bali sa katawan.

Nilapitan ko sila at inikot ang paningin ko. Wala. Wala siya, hindi ko siya mahanap.

Lumapit ako sa adviser nila at niyugyog siya ng mahina.

"Asan si Samantha? Bakit wala dito ang kapatid ko?" tanong ko. Nakatulala lang siya at umiiyak kaya tinapik ko ng mahina ang pisnge niya, "Ma'am Anna! Nasaan ang kapatid ko?!"

"Wala akong kwentang guro... Di ko siya naligtas." bulong niya habang nakatulala parin. Nagtaka ako sa inasal niya kaya kinabahan ako, I don't want to jump into conclusions yet.

"Ha?! Anong pinagsasabi mo?! Asan yung kapatid ko?!"

Di niya parin ako sinagot at bigla nalang siyang nagsisigaw habang nakahawak ng mahigpit sa ulo niya. Napabitaw ako sa kanya at tumayo dahil sa gulat. Nagsisigaw na ngayon si Ma'am Anna at umiiyak habang pinupukpok ang ulo sa semento.

Agad siyang nilapitan ng mga kaklase ko at pinakalma. Kahit sila di rin alam kung anong nangyayare. Walang nakakaalam sa nangyare.

"Nakita mo na ba siya?" tanong ng girlfriend ko. Nilingon ko siya at nakitang may pag-aalala siya sa mukha. Kahit tinatarayan niya si Samantha ay tinuring niya parin itong kapatid niya kahit di sila magkasundo.

Sasagot na sana ako ng bigla kaming makarinig ng sigaw.

"Hindi! Bitawan niyo ako! Kailangan kong balikan si Samantha!" nakita ko si Natahlia na pilit lumalapit sa nasusunog na sasakyan. Pinipigilan siya ng mga kaklase niyang lalaki na nahihirapan na din dahil sa sugat nila.

"Ano ba Natahlia! Tumigil kana!" sigaw ng isa at hinawakan siya sa mukha, "Tumigila kana please lang."

Napalunok ako dahil sa nakikita ko. Lumapit ako sa kanila ng dahan dahan, naramdaman ni Natahlia ang presensyo ko kaya lumingon siya sa akin.

"Kuya Jas..." bulong niya at lumapit sa akin, hinawakan niya ng mahigpit ang braso ko at tinitigan ako ng maigi, "...h-hindi ko siya nailigtas kuya... Naiwan ko si Sam... Kuya tulungan mo'ko... k-kailangan kong balikan si Sam sa loob ng bus! Kuya!"

Nanigas ako dahil sa narinig ko. Hindi niya nailigtas? Naiwan?

Napalingon ako sa bus na umaapoy parin hanggang ngayon. Tinanggal ko sa pagkakahawak ang kamay niya at naglalakad palapit sa sasakyan.

"Jasper!"

Naramdaman ko ang mga kamay na humawak sakin pero binaliwala ko lang sila at nagtuloy tuloy sa paglalakad.

Di ko na alam ang ginagawa ko, nablanko ang isip ko. Ang tanging alam ko lang ay kailangan kong makita ang kapatid ko, kailangan ko siyang mauwi sa bahay.

"Samantha!" sigaw ko at pilit na inaabot ang sasakyang nasusunog, nang iinit ang katawan ko. Masakit sobra, parang may parte sa akin na nawala. "Andito na si Kuya bunso! Lumabas kana dyan!"

"Jasper! Tol! Masusunog ka!"

"Wala akong pakialam! Bitiwan niyo ako!" pilit kong inaalis ang mga kamay nila pero sadyang di sila bumibitaw, dumadami na rin ang nakahawak sakin dahil sa gusto kong gawin, "Di kana aawayin ni kuya bunso! Wag kana mag biro! Uuwi pa tayo kay mama! Samantha!"

Naririnig ko na rin ang iyak ng mga tropa kong nakahawak sa akin. Napakapit ako ng mahigpit sa malapit kong kaibigan, pakiramdam ko nanghihina ang tuhod ko. Nagiging blur narin ang paningin ko dahil sa mga luhang tumutulo sa mata ko.

The King's only daughterWhere stories live. Discover now