#7

31 1 0
                                    

Chapter Seven

-

Samantha

Tirik na tirik ang araw kaya tagaktak ang pawis ko. Pinunasan ko ulit ang noo ko gamit ang likod ng palad ko habang di inaalis ang tingin sa kanya.

Hinawakan ko ng mahigpit ang hawak kong mahabang stick at sumugod sa kanya na siyang nailagan niya agad pero di ako tumigil sa pag atake.

Tatamaan sana ako ng atake niya ng kaagad akong nakailag at tumalon palayo. Naging maayos ang pag landing ko ng bigla akong may narinig na umubo sa likod ko.

Nilingon ko ito at nakita si Erlyiea na pinupunasan ang mukha niya.

"Oh emgee girl yung damo napunta sa bibig ko." maarte niyang sabi at inirapan ako. Nakaupo pala sila dalawa ni Cendrix dun at kumakain.

"Talaga naman, sa lahat ng lugar na pipiliin niyong magdate dito pa talaga." sabi ko pero inirapan niya lang. Naku kung di lang talaga kami nagkasundo nung isang araw kanina ko pa nadukot mata niya.

Dalawang araw na ang nakalipas simula ng may mangyare sa hospital. Pagkabalik ko sa clone ay bigla itong nagkabasg basag sa mga parte kung saan ako nasugatan lalo na sa tyan. Nagkaaron yun ng malaking crack kaya kailangan nila akong dalhin sa hotel at ayusin.

May underground laboratory pala dun sa hotel kung saan nila ginagawa ang clone, at di lang yun ang natuklasan ko.

/* Flashback

"May sira siya, yung maliliit na crack madali lang namang ayusin pero yung crack sa tyan ay kailangan talagang sa lab ayusin." Sabi ni Elizabeth habang ineexamine ang katawan ko.

Tumango lang ang papa ni Jhaviel na nakatayo sa likuran niya at tumingin sa akin.

"Can you remember his face Samantha?" tanong niya sa akin. Napapapikit ako inalala ang hitsura nung lalaki, "It's fine if you can't."

"He looks like a fish with a human body. He has fins behind his neck pero pang tao yung kamay niya, may tahi sa siya sa banadang right side ng mukha niya. Malaki ang katawan, he has sharp teeth na parang sa isang shark, as for the other features di ko na matandaan dahil sa sobrang dilim." sagot ko at tumango lang siya at napaisip.

"Can my ghost form be seen in the dark?" biglang tanong ko kaya napakunot noo si Elizabeth habang inaayos ang chamber ko.

"No, why do you ask?" sagot niya pabalik.

"Nakita kasi ako nila mama habang nakikipaglaban ako, I think it was because of the pin na nakita ko sa castle." nagtinginan naman sila sa isa't isa dahil sa sinabi ko.

"How did you do that by the way? Yung pag ilaw ng pin nung hawak mo?" tanong ni Mr. CEO, I forgot his name, I'm bad with names.

"Hindi ko po alam, bigla nalang po siyang umilaw pagkapatay nung kuryente sa hospital, bago lumabas yung lalaki." sagot ko.

Nanumbalik ulit ang katahimikan sa aming tatlo habang tinutulak ni Elizabeth ang kabaong ko- I dont know what its called- palabas ng kwarto. Di daw ako pwedeng gumalaw kasi baka mas lalong lumala ang crack sa tyan ko.

"He wanted to kill me." biglaang sabi ko.

"They might have found out that you're the summoned warrior kaya ka nila tinatarget." sagot ni Elizabeth habang tahimik lang na nakikinig si Mr. CEO.

"No, it was something else." sagot niya at huminto sa paglalakad. Napahinto rin kami ni Elizabeth at tiningnan siya. Nakatayo lang siya dun at nakatingin sa labas na malalim ang iniisip.

"His name was Destro." sabi ko kaya napatingin sila sa akin, "There was another guy that time pero nung panghuli na siya nagpakita. He called the guy Destro. He has a scar on his left face and has a big body. Dagdag pa niya may namumukhaan siya sa amin ni kuya kaya niya kami kinaiinisan." sabi ko na nagpatingin sa kanya sa akin.

The King's only daughterWhere stories live. Discover now