#3

45 4 2
                                    

Chapter Three
-

Samantha

Napahilot ako sa sentido ko dahil sa narinig ko. Ano bang nangyayare?

I remember getting on an accident while going home from our fieldtrip. The next thing I knew I was woken up when I thought I was already dead.

Tapos ngayon ito na naman? I was reincarnated? Anong kagaguhan 'to?

"You can't actually call it reincarnated though." biglang salita nung babaeng may suot na lab coat kanina. Tiningnan ko ulit siya ng may pagtataka.

"What do you mean?" tanong ko pabalik. I don't have any slightest idea about what's happening.

"More like you were summoned. We needed someone and our sorcerer located you, a dying soul." paliwanag niya ulit. I'm not getting anything, wala parin akong maintindihan.

"You needed someone? Para saan?"

"For the coming apocalypse." sagot niya. Napataas naman ako ng kilay sa sinabi niya. Apocalypse for what? Zombies?

"Excuse me?"

Narinig kong may tumunog na upuan kaya napalingon kami dun. Tumayo yung isang lalaking kasama nila at tiningnan ako. What now? Makatingin sakin 'tong mga 'to parang ang laki ng atraso ko sa kanila, eh sila nga itong inudlot kamatayan ko -di sa gusto ko na talagang mamatay.

"She's not getting anything. What an idiot." biglang sabi niya kaya nanlaki ang mata ko.

"Excuse me! You're calling me an idiot? Do you really expect me to process everything after almost dying? What do you what me to say? ' Oh really? You need someone? Okay I'm in!' like that? Are you fucking kidding me?!" sigaw ko na nagpahinto sa kanila. Napahawak ako ng mahigpit sa kumot sa sobrang inis.

Naiinis ako sobra, they dare disturb me and brought me here without even telling me the truth. Ang dami pang pasikot sikot, apocalypse churvaness. Di nalang pwedeng sabihing 'Andito ka kasi ganito ganyan' kaputanginahan.

Inirapan lang ako nung lalaki at lumabas ng kwarto. Aba siya pa may ganang mang irap kapal ng mukha.

Binalingan ulit ako ng tingin nung babaeng kausap ko kanina.

"Mas mabuti kung sumama ka nalang sa amin. We'll explain everything later." sabi niya ayan na naman yang explain everything later.

Sinamaan ko ng tingin yung lalaking nakita ko kanina sa nasusunog na bus, "He said that earlier and I haven't got my explanations yet." napangiti naman siya ng maliit at nagtatakbo palabas.

"Calm down tiger, nakakatakot ka naman para ka nang papatay."

"Because I would." sagot ko at bumababa sa hospital bed, found out I was in the hospital because of the smell. I hate it here,"Kung di niyo ako dinala dito I would've been still alive by now at nakalabas na sa bus."

"Hindi rin." sabi niya at tinulungan akong makatayo ng maayos, marunong naman akong maglakad pero nahihirapan akong tumayo sa katawan na ito, "You we're only alive by that time because of the barrier na nilagay ni Cendrix. Naghihingalo kana bago pa niya nalagay ang barrier."

Napahinto naman ako dahil sa sinabi niya, so kung hindi dahil sa kanila tuluyan na nga akong namatay at hindi comatose ngayon?

Magsasalita pa sana ako ng bigla kong narinig ang balita sa TV, ngayon ko lang napansin yung TV simula pagkagising ko.

"Mahigit apatnapu na estudyante ng Saint Claire Highschool ang dinala sa hospital dahil sa isang aksidente sa labas ng syudad kaninang hapon. Napag-alamang nawalan ng preno ang sinasakyang bus ng mga estudyante habang pauwi kaya ito naaksidente. Isa sa mga estudyante ang comatose pagkatapos itong makita sa loob ng umaapoy na bus, di alam ng mga rescuers kung paano niya nagawang makaligtas at naabutang may buhay parin sa loob. Ayun sa pulisya ay iniimbestigahan na nilang ang nangyareng aksidente-"

The King's only daughterWhere stories live. Discover now