#4

34 1 1
                                    

Chapter Four

-

Samantha

Napahikab ako habang nagtitimpla ng hot choco, milo in other term. Pakiramdam ko di naman talaga ako inaantok feel ko lang humikab kasi ginagawa ko yun dati.

Uminom ako ng hot choco ng bigla ko itong naibuga dahil sa biglang sumigaw.

"What the heck are you doing here?!" sigaw niya. Napairap naman ako at binaba ang baso. Nadumihan tuloy yung damit ko. Akala ko naman kung sino si Jhaviel lang pala.

Tiningnan ko ang suot kong white t-shirt na may mantsa na ng milo na iniinom ko. Nagising ako kaninang may dalawang maleta sa sala, nung binuksan ko bumungad sakin ang mga damit na halatang kakabili lang . Mukhang random ang pagpili ng mga damit kumbaga humablot lang ng humablot yung bumili. Galing pala kay Elizabeth yung mga damit, yung babaeng naka lab coat kahapon.

"Tsk, hayst namantsahan tuloy. Ang eksaherada mo naman, ke aga aga eh nagsisigaw." sabi ko at naglakad palapit sa hagdan pero di pa ako nakakalapit ng bigla niya akong hinila sa braso.

Sabay kaming nagulat ng biglang natanggal yung braso ko. Nabitawan niya ito at pareho namin itong tinitigan sa sahig. Pareho naming prinocess ang nangyare.

"AHHHH! YUNG BRASO KO! ANONG GINAWA MO?!" sigaw ko na agad namang nagpagulat sa kanya. Nakalimutan niya yatang clone lang itong gamit ko at hindi totoong katawan.

Kanina ko lang din napansin na para akong robot dahil sa katawan na ito, pero pwede parin namang maligo since nadudumihan parin yung katawan. Pero hindi ko alam na ganito lang kadaling matanggal yung mga parts.

Agad niyang pinulot yung kamay kong natanggal at pilit na binabalik pero ayaw talagang madikit ulit.

"How do you fix this thing?" rinig kong bulong niya. Agad kong binalingan ng tingin.

"Hindi ka maalam bumalik niyan?!" pasigaw kong tanong kaya agad niya akong tiningnan ng masama. Binalik ko rin ang tingin niya pero inirapan niya lang ako.

"This wouldn't have happen if I didn't saw you here in my penthouse." sabi niya habang pilit parin binabalik ang kamay. Ano ba naman yan, "Fuck it!"

Nagulat ako ng bigla niyang tinapon ang kamay kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Anong ginawa mo? Ibalik mo sakin yun!" sabi ko pero inirapan niya lang ako at umupo sa sofa at binuksan ang TV. Anak ng tokwa!

Napapadyak ako at lalakad na sana ng bigla akong matumba. Isang malakas na kalabog ang maririnig sa buong bahay dahil sa pagkakabagsak ko.

Napatulala ako sa kisame dahil sa nangyare. Mukhang natanggal yung binti ko. Tinaas ko ito at nakitang yung legs nalang yung natira, napabuntong hininga ako dahil sa nangyare.

Talaga naman, minamalas yata ako ngayon. Umupo ako nakitang nakatingin siya sa akin, inirapan ko naman siya dahil sa ginawa niya.

"Tinitingin mo dyan?" tanong ko pero inirap lang din niya ako. Aba, may irapan contest ba ngayon? Kasi kung meron nanalo na siya kanina pa.

Napatingin ako sa kanya ng makita siyang tumayo sa pagkakaupo niya at lumapit sa akin. Pinulot niya yung kamay ko at binti bago inabot sakin ang kamay niya.

"Wag mong titigan, di kita matatayo kung tititigan mo lang yan." sabi niya, agad ko namang tinanggap ang kamay niya sabay tinayo ako.

Inabot siya sakin yung kamay at binti na nalaglag kanina habang nakahawak parin sa kamay ko, "Hawakan mo." maikling sabi niya at kinuha ko naman yun.

Napasigaw ako ng bigla niya akong binuhat. Napakapit ako ng mahigpit sa leeg niya

"Jeez, what the heck? Ngayon ka lang ba nakaexperience na buhatin?" tanong niya at lumabas ng penthouse.

The King's only daughterWhere stories live. Discover now