Chapter 16

9 4 0
                                    

HERA'S POINT OF VIEW

Napahigpit ang hawak ko sa strap ng aking backpack bago lumabas ng main office. Nanatili akong tahimik hanggang sa makarating ako sa loob ng cafeteria. Wala nang ibang estudyante maliban sa akin. Paniguradong nasa kani-kanilang klase na sila. Well, pabor naman sa akin iyon dahil makakapag-isip ako nang mabuti sa tahimik na lugar.

Dumiretso ako sa counter at um-order ng cheeseburger at pineapple juice. Umupo ako sa usual table ko sa pinakasulok. Kakagatin ko na sana iyong burger nang mapansin ko iyong lalaking nahuli kong nakatingin sa akin na nakatayo sa may counter. Napaiwas siya ng tingin noong makita niya akong nakatingin na rin sa kanya.

Maybe, he's a working student here. Halata naman. Siya ang nakabantay sa counter at nakasuot pa siya ng school uniform (white long-sleeved collared shirt with green necktie, black pants, and black shoes).

"What are you looking at?" Lumipat ang aking tingin sa aking harap.

Okay, mali na naman ako. Mawawalan na yata ako ng tahimik na araw dahil sa mga silence breakers na mga ito.

"Hindi. Maling tanong, Nicole." Siniko ni Chloe ang kanyang katabi sa tagiliran. Napakunot ang noo ko nang mapansin kong ngingiti-ngiti sila. "Who are you looking at?"

Weird question. Bulag ba ang mga ito? "Kayo. Malamang," sagot ko.

"No, I mean, before we arrived here―ouch!" Napahinto sa pananalita si Chloe dahil siniko rin siya ni Nicole sa tagiliran. "It hurts." Sinamaan niya ng tingin si Nicole.

"I don't mind," ani Nicole. Ibinalik niya ang kanyang tingin sa akin at muling ngumiti.

"What's happening on you, guys?" Curiosity hit me again.

"Can't you see? We're having fun with you."

Oh, I thought they're having fun of me. Whatever. Wala rin naman akong pakialam. "Kayo lang, hindi ako kasali."

Itinuon ko na lang ang aking atensyon sa aking pagkain. Napabuntong-hininga na lamang ako nang magdaldalan na sila sa mismong harapan ko.

Paano nila nagagawang magsaya sa kabila ng nangyayari?

Padabog akong bumangon mula sa kama. 10:07 na ng gabi. Hindi na nga ako makatulog, may mang-iistorbo pa. Kung sinuman itong kumatok, siguradong mamalasin siya sa akin.

"What the hell are you doing here at this time?!" sigaw ko pagkabukas na pagkabukas ko pa lang ng pinto. Sinalubong ako ng dalawang pares ng mga inaantok na mga mata.

"Sorry if we disturb your beauty rest," sabi ni Nicole habang ginugusot ang kanyang kaliwang mata.

"Don't blame us. Blame Aiden. Napag-utusan lang kaming ibigay sa iyo ito." Ibinigay sa akin ni Chloe ang isang white na earpiece na agad ko namang inabot. "Always wear that. Tulog ka man o gising. Naliligo ka man o hindi."

"Para saan ito?" tanong ko habang pinagmamasdan nang maigi ang hawak ko.

"For training purposes. Pwede tayong makipag-communicate with each other using that." Napansin ko ang isang maliit na green button sa gitnang bahagi nito. "If you want to say or ask something, just press that button. Do you want to try?"

Huminga ako nang malalim bago isinuot ang earpiece sa aking kanang tainga. "Ayaw ko." Sumimangot silang pareho sa naging tugon ko. "Ito lang ba ipinunta niyo rito?"

"Yeah, good night." Kumaway-kaway pa si Chloe sa direksyon ko. Isasara ko na sana ang pinto ngunit pinigilan ako ni Nicole sa pamamagitan ng paghawak sa aking braso.

"Waterproof iyan," sabay turo sa earpiece. "At hindi nasisira kahit ano ang gawin mo," nakangiting wika niya.

Napatango na lang ako at marahang binawi ang aking braso bago pumasok sa loob ng room ko. Noong nakahiga na ako sa kama at dinadatnan na ng antok, narinig ko ang pamilyar na boses ni Chloe.

"Gustong-gusto ko ang pagsusungit mo. Sana, huwag kang bumait." Wala siyang sinabi na pangalan kung sino ang pinagsasabihan niya but I have an idea who she is. It's me.

Wait, bakit ayaw niya akong bumait?

"Proceed to the gymnasium within 15 minutes." Kita mo nga naman. Late na nga lang akong nakatulog, ang aga-aga pa akong ginising ng boses ni Sir Steven. Dapat hindi ko na isinuot hetong earpiece.

Kahit na inaantok pa ako at half-closed pa ang mga mata ko, dali-dali akong bumangon. Thanks to my wolf abilities, na-prepare ko agad ang sarili ko.

Pagkaapak ko sa loob ng gymnasium, biglang may nagtakip ng itim na panyo sa aking mga mata mula sa likuran ko. Pagkatapos niyon, nakarinig ako ng mga yapak palapit sa kinaroroonan ko kaya hindi muna ako gumalaw. One, two, three, four, five, six, seven. Seven, pitong pares ng mga naglalakad na paa ang papalapit.

"You're late," sabi ng tinig.

"I'm not, Sir. I arrived here within 11 minutes and 43 seconds―"

"Are you sure about that?"

"100 percent sure, Sir," sagot ko.

"Let me look at my timer." Binalot kami ng nakabibinging katahimikan pagkaraan ng ilang sandali. "Great. A genius, huh. You're not late but the last one who arrived. Now, for your punishment, ikaw ang unang susubukin ko."

Why does every time I go here, I have to take a test? Is this place cursed or talagang magnet na ako ng kamalasan?

Napabuntong-hininga na lang ako. "Fine, Sir. I'm on it. Pwede na po bang tanggalin itong panyo―"

"Don't. It's part of your punishment." Pagkatapos sabihin iyon ni Sir Steven, biglang nawala ang kani-kanilang presensya sa aking harapan. "Kailangan mong ilagan ang tatlong patalim na ibabato ko sa iyo. Are you ready?"

"No―"

"You are ready." Magtatanong tapos, hindi rin ako hinayaang pasagutin. Anong klaseng trainor ito? Ha?

Damn it! Muntikan na iyon, ah. Mabuti na lang, agad kong naramdaman ang paggalaw ng kalmadong hangin sa gilid ng kanang pisngi ko. Number one―success.

I couldn't see anything. I couldn't use my sense of sight. I could only use four of my senses. Kailangan ko lang pakiramdaman ang paligid ko.

Nice! Napayuko ako kaya hindi tumarak sa aking likod ang pangalawang patalim. Phew, ayaw ko pang mamatay.

Matapos akong yumuko, bumalik ako sa attack position ko sa loob ng maikling segundo. Nadama ko ang paggalaw ng hangin sa tapat ng aking dibdib―oh, no.

"Damn," bulong ko sa sarili noong hinayaan kong bumagsak ang aking katawan sa makinis na sahig. Biglaan akong napatayo, dahil baka may masira sa mga gamit na nasa loob ng backpack na suot ko. Inis kong tinanggal ang blindfold at tiningnan si Sir Steven nang seryoso. "That was quiet risky, Sir," mariin kong komento.

"I know," sabi niya sabay ngiti. What's wrong with this man? Is he crazy?

Wolvers Series #1: Under The Moon (Completed)Where stories live. Discover now