Chapter 19

7 4 0
                                    

HERA'S POINT OF VIEW

Sana nga, Nicole. Sana.

"Okay! That's enough! Kung gusto ninyo talagang makaligtas, start na natin ang training!" sigaw ni Ma'am Emily.

Lumapit ako kay Chloe na nakangiting nakatitig sa akin. Napaangat ang kanang kilay ko dahil doon. What's with that smile?

"Hindi pa ba kayo nag-start ng training?" tanong ko sa kanya.

"Hindi pa," sagot niya sabay iling. "Hinintay ka namin kasi. Ayaw naming mapag-iwanan ka." 

Weird, bakit napakabait niya sa akin? Samantalang ako, ang sama-sama ng pagtrato ko sa kanya. Um, too―whatever. Siguro, ganoon talaga siya.

"Boys, kay Steven and girls, come with me." Sumenyas si Ma'am Emily na sundan namin siya. Pumunta kami sa right side ng gym at sila Sir Steven naman ay sa left side. Inilapag ko muna ang backpack ko sa isang sulok bago hinarap ang mga kasama ko.

Nakita ko sina Chloe at Nicole na nakaposisyon na, hindi kalayuan mula sa akin. Magkaharap sila sa isa't isa habang nakangisi. Hawak-hawak ang kanilang mga sandata, agad nilang inatake ang bawat isa. Kitang-kita sa kanilang mga mata ang saya sa kanilang ginagawa.

"Hera, are you ready?" Lumingon ako kay Ma'am Emily na nakapuwesto na pala sa aking harapan. Nakatutok sa akin ang dulo ng kanyang espada.

Huminga ako nang malalim bago sumagot. "Yes, Ma'am." Wala naman akong ibang choice, eh.

Hindi sinasadyang napatingin ako ulit sa direksyon nina Chloe. Napaka-intense ng laban nila. Rinig na rinig pa ang pagtama ng kani-kanilang mga sandata. Halata sa kanila ang pagod pero nakangiti pa rin sila.

Paano nila nagagawang maging masaya kahit na alam nilang naghihintay na ang kamatayan sa kanila?

"Hera―" Napahinto sa pananalita si Ma'am Emily nang umatake na ako.

Kung paano nila nagagawang maging masaya, I guess, I have no idea what is the right answer for that.

Hinihingal akong napaupo sa sahig noong matapos na ang training namin ni Ma'am Emily. Marami siyang sinabing tips about sa paggamit ng espada.

"Assemble here, now!" tawag sa amin ni Sir Steven.

Lumagok ako ng tubig sa water container ko bago tumayo. Dali-dali akong tumakbo sa kinaroroonan ni Sir kung saan, ito ang pinakagitnang parte ng gymnasium. Pinaupo niya kami sa sahig samantalang sila ni Ma'am Emily ay nanatiling nakatayo sa harap namin.

"Hi," bati sa akin ng umupo sa kaliwa ko. Hindi na ako nag-abalang lumingon pa dahil kilala ko naman kung kaninong boses ang nagmamay-ari niyon – si Chloe.

"Ang galing-galing, ah!"

Halos maiuntog na sa sahig ang noo ko matapos biglang hampasin ni Joshua ang aking likod. Tinignan ko siya nang masama ngunit tinawanan niya lang ako. Medyo dumistansya ako nang kaunti mula sa kanya noong umupo siya sa kanan ko.

"Silence." I immediately rolled my eyes nang patahimikin kami ni Mister Alpha. No need to remind us, Aiden. Alam namin kung kailan mananahimik.

"Don't mind him. Ganiyan talaga siya. He always wanted everything in the right place," bulong ni Chloe. Napatango na lamang ako.

Umangat ang aking tingin nang magsimulang magsalita si Sir Steven. "In every battle, strength is not enough―"

"We also need strategies," pagpapatuloy ko. Tiningnan nila akong lahat.  "Come on. It's obvious. Am I right, Sir?" Inilipat ko ang aking tingin sa aming trainor.

Tumango naman ito bago sumulyap kay Ma'am Emily na agad ding tumango. Maybe, it's a signal for her turn to discuss.

"Let's start from the most basic strategy," wika ni Ma'am sabay punas sa pawis na namumuo sa kanyang noo gamit ang kanyang kaliwang palad. "What will you do if you don't have any weapon samantalang ang kalaban mo ay mayroon? Not all of the times, you have your weapons with you. There are instances na mawawala at mabibitawan ninyo ang mga ito, leaving you at disadvantage."

"Get his or her weapon first," sagot ni Aiden na talagang nagtaas pa ng kamay.

"Okay. Other answers?" Nagpalipat-lipat ng tingin si Ma'am Emily sa 'min.

"Hindi naman na tinatanong iyan. Simple lang naman ang sagot diyan. When you already know that you are in danger, just run away to escape," natatawang bulong ng katabi kong lalaki. Akala ko pa naman, matinong sagot na ang maririnig ko mula sa kanya pero nagkamali ako.

"Run away, huh? Yes, you can just run away but you can't escape. Remember, he or she has a weapon. Pwede ka niyang habulin kahit saan ka magpunta at pwede ka niyang patayin hanggang kailan niya gusto―"

"I know. No need to explain. I'm just testing you," aniya na may kasama pang tawa.

"Testing? I think not. Ang sabihin mo, hindi mo talaga alam―" Napatigil ako sa pang-aasar sa kanya nang ilingon niya ang aking mukha sa kanyang direksyon gamit ang dalawa niyang kamay. Bumungad sa aking paningin ang nakangisi niyang pagmumukha.

"You got me," pabulong niyang sabi sabay pisil sa aking magkabilang pisngi. Mariin pa akong napapikit dahil sa sakit niyon.

"It's not time for romantic scenes." Agad na napabitaw si Joshua kaya agad rin akong napalingon kay Sir Steven. Napalunok ako nang makita ko si Sir na sobrang seryoso.

Pahamak kasi ang Joshua na ito.

"Sir, pinisil ko lang naman ang mga pisngi niya. Tiningnan ko kung nakakaramdam ba siya o hindi. Parang manhid kasi, eh," walang kuwentang paliwanag ng katabi ko. Kung pwede ko lang siyang batukan ngayon, kanina ko pa ginawa kaso bawal. Baka this time, mas malubhang punishment na ang ipapataw sa akin.

"Ano ang resulta?" tanong ni Sir Steven. Seriously? Tinanong talaga?

"50% manhid, 50% nakararamdam―"

"Just what like I expected – nonsense answer."

"But it makes sense," inis na bulong ni Joshua sa kanyang sarili. Oh, alam din pala nitong mainis, but over nonsensical things.

Napailing na lang ako. I really don't understand the people here.

"I'll repeat. Other answers?" tanong ni Ma'am Emily. I raised my right hand kaya napunta ang tingin niya sa akin. "What is it, Hera?"

"When you get his or her weapon first, there's a high possibility that you can be killed―"

"So, what's your point?" tanong ni Aiden.

Sa halip na sagutin ang tanong niya, nagpatuloy na lamang ako sa pagsabi ng sagot ko. "Get him or her down first." Nanlaki ang kanilang mga mata maliban kila Ma'am Emily at Sir Steven. Gusto ko tuloy matawa sa kanilang mga hitsura pero hindi pwede. We are in a serious situation and I wouldn't want to break it.

Wolvers Series #1: Under The Moon (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon