Chapter 22

7 4 0
                                    

HERA'S POINT OF VIEW

"Tinatanong ko ba?" Umangat ang kanang kilay ko noong sambitin ko iyon.

"Sinabi ko lang. Baka kasi hindi mo alam."

"Yes, you're right. I don't know—"

"Oh, 'di ba? Tama ako—"

"And I don't want to know," putol ko sa kanya. Naaninag ko siyang tumango-tango kaya huminga na lamang ako nang malalim. Kahit kailan talaga . . . loko.

"Anyway, I'm here to give you this," aniya na ikinakunot ng aking noo.

Aatras na sana ako nang humakbang siya palapit ngunit bigla niya akong hinila sa kanang braso. Muntikan pa akong maiuntog sa kanyang noo.

"Stay still," bulong niya. Pagkaraan ng ilang segundo, may kung anong malamig na metal siyang isinabit sa magkabilang tainga ko at kalauna'y naipatong sa ibabaw ng aking ilong.

"M-my g-glasses . . . " It's familiar. The frame, its color . . . it is!

Unti-unting nag-adjust ang aking paningin hanggang sa maging malinaw ito—hala!

Nanlaki ang aking mga mata nang mapagtanto kong sobrang lapit ng mukha niyang nakangiti. Damn! Nadadama ko na pati ang kanyang hininga sa aking balat.

Bahagya akong napailing sabay tulak sa kanya palayo. Ugh! Asar! Loko talaga. Loko! Hindi niya ba alam ang personal space? Pakiramdam ko pa tuloy, nag-init ang mga pisngi ko. Salamat at hindi niya napansin dahil sa dilim.

"Whoa! Ganiyan ka ba mag-thank-you? Then, welcome," tugon niya. Napailing na lang ako. Thank you, huh?

"At bakit naman ako magpapasalamat?"

"Kasi—"

"Hindi mo ako nilibre kanina kaya quits na tayo." I smirked as I said those words. "Quits."

"Okay . . . quits."

Naghintay ako nang ilang minuto ngunit hindi pa siya umaalis. Nakatitig lang siya sa akin na parang estatuwang may pagkalawak-lawak na ngiti.

Nang mainip na ako, ibinato ko sa kanya ang unan na nasalo niya.

"Bakit ito? Pinapatulog mo ba ako rito? Sabihin mo lang," pang-aasar niya. Bakit ba napakahusay nitong mang-inis?

Sinamaan ko siya ng tingin. "Get out now," utos ko sabay turo sa direksyon ng nakabukas na bintana. Tahimik kong kinuha ang sword ko sa ilalim ng aking kama. Pagkalingon ko, wala na siya sa dati niyang kinatatayuan kundi naroon na sa border ng bintana.

Ang buong akala ko, aalis na siya subalit bigla na lang siyang tumingin sa gawi ko. Bahagyang kumunot ang aking noo noong malungkot siyang ngumiti. What's with that look?

"Um . . . Hera, good luck. B-be safe."

Uso na ba ngayon ang bintana ang pagpasukan? Huh? O sadyang baliw lang talaga ang mga ito?

"Good morning!" Chloe and Nicole greeted. Akmang lalapit sila sa akin ngunit bigla silang huminto. Nanlaki ang kanilang mga mata na parang nakakita ng kung anong multo—wait, what?

"I'm not a ghost, okay?" paliwanag ko sabay tali ng aking buhok na matapos kong patuyuan.

"A-ano ang na-nangyari?" tanong ni Nicole sabay turo sa aking mukha, to be specific, at my eyes or my glasses. "Pa-paano?"

"Joshua returned this."

"Eh? Bakit suot-suot mo?" Pinanliitan ako ng kanyang mga mata na para bang sinusuri ang buong pagkatao ko. "Huwag mong sabihin na—"

"Bumalik sa pagiging malabo ang paningin ko. That's the truth." Kinuha ko ang jacket ko na nakalapag sa aking kama. "Nakapagtataka nga. Paano naipaayos ni Joshua ang salamin kong ito? Hindi niya naman alam ang grado ng mga mata ko."

Napahinto ako sa pagsusuot ng aking jacket nang marinig kong humahalakhak si Nicole. Okay? What's wrong with her? 

"Hindi ka ba na-inform? Wolverians have modern technologies kaya huwag ka nang magtaka," aniya.

"I don't get it." Napailing na lang ako sabay tuloy sa pagsusuot ng jacket ko.

"Come on. Joshua's mother is a great inventor—"

"Talaga?!" Ewan ko ba pero para akong timang na ngumiti nang abot hanggang sa aking mga tainga.

"Oo—teka, you didn't know?" kunot-noong tanong niya.

"I wouldn't react like this if I already know," seryosong sambit ko. Napansin kong kanina pa hindi umiimik si Chloe so I decided to talk to her. "Am I right, Chloe?"

"U-um . . . yeah," tipid niyang sagot. Napako ang tingin ko sa kanya nang mag-iwas siya ng tingin. Mukhang matamlay din siya.

"I'm sure, that glasses have special features," ani Nicole sabay kindat. I just smiled.

Special features? Then I would be glad to know those. I'll ask him later. Maybe, those features can help me in the tournament.

"Girls, hurry up!" Mariin akong napapikit sa sigaw ni Ma'am Emily mula sa earpiece namin. 

Nagkatinginan kaming tatlo before we pressed the green buttons on our earpieces. "On our way, Ma'am!"

"You're late," madiin na sabi ni Sir Steven nang dumating si Mister Alpha.

"I know. No need to remind me, Sir." Dire-diretso siyang pumasok sa school bus na pagsasakyan namin.

Huminga si Sir nang malalim bago kami binigyan ng signal na pumunta na rin sa loob ng sasakyan. "Let's go."

Umupo ako sa pinakalikod na parte ng bus. Inilagay ko sa aking tabi ang malaking bag ko samantalang ang maliit ay kinandong ko. Siguro naman, wala nang manggugulo sa akin rito.

Nagsimula nang umandar ang sasakyan. Dalawang oras na lang, magsisimula na ang laro. Within two hours, I need to think on how I will survive or in other words, how I will kill.

"Can you kill?" Automatic akong napalingon sa kabilang side kung saan, nakaupo si Aiden at pinagmamasdan ang kanyang weapon.

Hindi ako sumagot. Sa halip ay ibinalik ko na lamang ang aking tingin sa view ng bintana.

"You'll die then," rinig kong wika niya.

"How about you? Can you kill?" balik kong tanong.

"Of course," walang alinlangan niyang sagot.

"Nakapatay ka na ba?" Makalipas ang ilang sandali, hindi pa rin siya makasagot kaya inilipat ko ang aking tingin sa kanyang direksyon. Nakatitig lang siya sa kanyang patalim.

"Not yet," halos hangin lang na sagot niya.

"I have a question." Umangat ang tingin niya sa akin. Saka ko lang napansin na mukhang kulang siya sa tulog.

"Shoot."

"Why do we have to play that damn survival game?"

"To avoid the curse." Inilapag niya sa kanyang tabi ang weapon niya. "If we didn't play that game, all of us will die. Got it?"

Tumango ako sabay tingin ulit sa bintana. I have no other choice. Napabuntong-hininga na lang ako.

"The Exousía seal—"

"Did you tell anyone about it?" mahinang pagkakatanong ko.

"Hindi. I just want to tell you something about it. Ang seal na iyan ay visible lang sa mga may Alpha mark gaya ko, so don't worry."

Wolvers Series #1: Under The Moon (Completed)Where stories live. Discover now