Igop

66 2 0
                                    

Igop

Nakakapogi ba ang manloko ng babae?
Nakakapogi ba na nagpaparamihan kayo ng nadali?
Hindi ko nilalahat kasi syempre may matitino pa rin naman.
Pero kadalasan sa inyo tarantado.

Ang hirap kase sa inyong mga lalake,sa una lang magaling.Sa una lang mabait,sa una lang may respeto,sa una lang maalaga,at sa una lang mapagmahal pero kalaunan magbabago na.

Ito ha,makinig ka,makinig kayo!
Kaming nga babae hindi kami ML na kapag ginanahan ka ng maglaro ay hindi mo na titigilan.
Hindi rin kami cellphone na palagi mong hawak dahil sa kailangan mo.

Hindi rin kami modules na babalikan lang kapag naisipan.
Hindi kami milktea na i-m-myday para may maipang-display.
Hindi rin kami perya na papasukin mo para lang malibang at magkapera.

Hindi pa ba kayo nagsasawa sa ginagawa ninyong pang-gagago?
Na kapag nakapunla ng binhi ay saka kayo aalis at kakaripas ng takbo.

Sa mga lalaking tarantado saludo ang gitnang daliri ko.
Ang kapal ng mukha ninyong manloko hindi naman gwapo.
Tamaan na kung tamaan pero wala na akong pakealam,
Wala na akong pakealam kung guwapo ka man,mayaman,mabango,may motorsiklo pero kung wala kang respeto at mahilig kang maglaro ng babae ekis ka sa'kin pre!

Oo hindi ako maganda para magsalita ng ganito,pihikan na kung pihikan mas mabuti na 'yong segurado kaysa ang maloko.
Idagdag ko lang,ang mga kababaihan hindi 'yan apoy na siyang magbibigay sa'yo ng init kapag nanlalamig ka.

At ito pa,kapag hindi kagandahan ang tingin ni'yo na walang kuwenta.
Kapag panget paglalaruan lang,paasahin tapos kapag nadali na ay tatakbo na ng mabilis na tila ba nakatira ng tres.
Nakakapogi ba ang pagiging tarantado?

Alam ninyo,simple lang naman ang gusto naming mga babae eh.
'Yon ay ang  i-respeto at igalang kaming lahat maganda man o hindi gano'n  kagandahan.

Respeto at paggalang sapat na,kahit huwag ni'yo na kaming pakiligin.
Puro kayo pagpapapogi ang ilan naman sa inyo mukhang butiki.
Pero seryoso? Kailan kayo magtitino?

Ang gusto naming mga babae 'yong hindi lang sa chat magaling.
Gusto namin 'yong kahit na hindi palaging nagkikita o malayo ang distansya ay hindi maghahanap ng iba.
Gusto namin na makatanggap ng sariwang bulaklak at hindi ng sariwang pasa at sugat.

Gusto naming pormal na ipakilala sa magulang at hindi 'yong i-myday lang.Hindi 'yong dalhin sa may maraming salamin.At Hindi 'yong hilain sa dilim para makatira ng pailalim.
Gusto naming mahalin,alagaan,lambingin,pahalagahan at hindi 'yong saktan at lokohin lang.

Kase kaming mga babae,hindi kami babae 'LANG'.

At panghuli,matapos mong iharap sa dambana at pangakuan ng walang Hanggan ay iiwan mo rin palang luhaan?
At ipagpapalit na tila ba Wala lang.
Bakit sino ka ba sa Akala mo ha? Ang kakapal ng Mukha ni'yo.

Sa mga lalaking manloloko ito lang Ang masasabi ko,
Hindi kayo pinilit na mahalin at pakasalan ang isang babae.
Kayo ang nagpumilit na pumasok sa mga Buhay nila at guluhin ang tahimik nilang mundo.
Tapos ngayon parang gusto ni'yo pang hinahabol kayo.

Isipin ni'yo sana na hindi madali,na masakit sa parte nila kung bakit ni'yo Sila niloko at ipinagpalit sa angit na kabit.Mapapasisip kung may kulang ba sa akin? Hindi ba ba ako maganda? Hindi ba Ako sexy? Kapalit palit ba Ako? Ginawa ko Naman Ang lahat ah

Sana isipin ni'yo Ang sakit na mararamdaman nila,Bago ka lumandi sa iba.

Kaya nga hindi ko pa nararanasan ang magkanobyo dahil takot akong maloko,tsaka paniguradong magagalit ang papa ko.
Pero kung lalaking tarantado lang naman ang magiging manliligaw ko,huwag na lang.Okey na'ko.
Maayos akong pinalaki ng mga magulang ko,at hindi ako makapapayag na madali lang ng isang gagong katulad mo.

LagaslasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon