Pag-ibig

72 0 0
                                    

Pag-ibig

Ang pag-ibig daw ay nagsisimula sa mga titig na nagbibigay kaba.
'Yong tipo ng kaba na may halong kasiyahan,tuwa,kiliti,'yong tipong ika'y mapapangiti.
Nagsisimula raw ito sa pagbilis ng tibok ng puso.

Ang tagaktak ng ilang butil ng pawis sa tuwing siya'y nakikita o nakakasalubong o 'di kaya'y papalapit pa lang.
Ang pagsirko ng paru-paro sa tiyan.
Ang pagiiba ng kilos o galaw ng katawan.
At ang paghinto ng ikot ng mundo sa tuwing siya'y nakikita.Na tila ba nagkakaroon ng slowmo.

Ang pag-ibig ang siyang dahilan kung bakit may ilang tao na nagiiba ng kasuotan.
Naiiba ang dating gawi at kilos.
Ang pananalita.
Ang pakikipagusap.
Nababago ng pag-ibig ang pagkatao ng mga tao.

Ngunit kaibigan,may mas malalim pang kahulugan para sa salitang 'yan.
Dahil ang totoong pag-ibig ay ang pagiging kalmado ng puso.
'Yong tipong komportable ka sa tuwing kayo'y magkasama.
'Yong tipong hindi mo na kailangang magpanggap dahil tanggap ka niya.

Na kahit hindi ka kagandahan ay ipagmamalaki ka pa rin.

'Yong tipong kahit simple lang ang damit mo,ayos lang sa kanya.Ang mahalaga raw ay komportable ka.
Hindi nahihiya na ikaw ang taong minahal niya.

Ang totoong pag-ibig ay may seguridad.
Na sa mga bisig niya ikaw ay sumasaya.
Ramdam mo ang alaga sa kanyang mga banayad na haplos.
Nakikita mo ang sensesiridad sa kanyang mga mata na ikaw lang ang mahal niya.

Ang totoong pag-ibig ay hindi lang sa pagkakaroon ng slowmo kundi sa pagfastforward nito.

Na kung paano bumagal ang mundo ng masilayan mo siya ay gano'n din kabilis ang pagikot nito na nakikita mo ang iyong sarili na tatandang kasama siya,bubuo ng masayang pamilya.

Na sa pagfastforward ng lahat nakikita mo ang iyong kinabukasan ng kasama siya.
Ang pag-ibig ang isa sa mga dahilan kung bakit marami ang lumalaban sa buhay.
Ang pag-ibig ang isa sa mga dahilan kung bakit sumasaya ang mga tao.

At kung minsan ang pag-ibig rin ang dahilan kung bakit may mga taong nasasaktan at nalulungkot.
Gayon pa man,huwag sana tayong sumuko sa pagmamahal.
Dahil ang pag-ibig ang isa sa mga rason kung bakit isinilang ka ng iyong ina.
Dahil ang pag-ibig ang isa sa mga rason kung bakit mo nararanasan ang mahalin niya.

LagaslasWhere stories live. Discover now