Ano Ba Talaga, Pa?

47 0 0
                                    

Ano ba talaga, Pa?
Ayaw mo namang magtrabaho si Mama.
Kasi, ang sabi mo, kaya mo naman.
Kaya ba talaga?

O, mapagmataas ka lang?
Araw-araw naghihirap tayo sa mga gastusin.
Ni hindi tayo makabili ng kape, asukal at sabon.
Mga bagay na kailangan natin sa pangaraw-araw.

Nahihirapan na kami, paulit-ulit na lang tayong umuutang ng bigas.
Kinakapalan na lang namin ang mukha;
May mailagay lang sa sikmura.

Naputulan tayo ng kuryente, nakikicharge na lang kami.
Walang ulam, kung walang bigay sa kapitbahay.
Nahihirapan na kami, ang ibang suweldo mo  ipinangsugal mo.
Iniisip mo rin ba kami?

O sarili mo lang ang iniisip mo?
Nakapapagod na.
May respeto pa rin ako sa'yo, dahil ikaw pa rin ang padre de pamilya dito.
Pero sana naman, isipin mo rin kami.
Pamilya tayo huwag naman sanang dumating ang punto na iwan ka namin dito.

LagaslasWhere stories live. Discover now