Friend zone ano'ng konek no'n?

37 0 0
                                    

Friend zone ano'ng konek no'n?

Kapag ba nafriendzone susuko na?
Wala naman akong sinabi na Hindi kita gusto Ang Sabi ko lang friends lang muna tayo.
Kasi di pa Ako handa
Tsaka istrikto Ang mga magulang ko.

Pero bakit ka sumuko?
Akala ko ba maghihintay ka Hanggang sa puwede na?
Ngunit bakit ka naghanap ng iba?
Ano pala Ang Ibig Sabihin  ng pagI I love you mo? Kung susukuan mo rin pala Ako

Ang sakit lang Kasi,Kasi Akala ko maghihintay ka,pero Wala.Umasa lang Ako.Naniwala Ako sa mga sinabi mo na maghihintay ka at Hinding Hindi mo Ako ipagpapalit.
Sabi mo pa nga ikaw lang talaga wala ng iba.Capslock para dama.

Pero bakit lumisan ka na?
Hindi pala worth it ang mga eye bags ko kakapuyat mareplayan ka lang pero sa huli hindii Naman pala tayo Ang magkakatuluyan

Ang gago lang! Ang labo mo! 

Sana pala Hindi na lang Ako sumagot sa paghi mo sa akin 3 years ago.Paro Hindi Ako nasasaktan ng ganito.Para di na tayo nagkakilala,para Hindi Ako umasa.

Pero sana pala sumugal Ako
Sana naging matapang Ako sa pagsugal sayo.
Pero pinakawalan kita,akala ko Kasi makakapaghintay ka Hanggang sa puwede na.

At Ngayon? Masaya ka na.Masayang Masaya sa piling ng iba.
At heto pa rin Ako nakakulong sa isang hawla na puno ng mga Tanong, ng mga sana, at paano kung?

Kaya kayo,huwag kayong mag iilove you sa Isang tao kung Hindi niyo nammn talaga  gusto.
Huwag kayong magsabi ng mahal kita kung Hindi ni'yo naman mapaninindigan.
At huwag kayong mangako na maghihintay Hanggang sa puwede na kung hindi ni'yo naman pala kaya.
Huwag kayong mangako na maghihintay kung sa huli ay lilinisan ka rin pala at maghanap ng iba.

LagaslasWhere stories live. Discover now