Karayom

50 0 0
                                    

Karayom

Inspired by Beverly Cumla's Injection.

Mama? Okey lang ba?
Pa? Hindi ka ba magagalit?
Ma,Pa itutusok na raw niya?
Natatakot ako,sobra.

Teka,magpalamig na muna tayo,baka humupa rin 'yong tensyon,at 'yong init.
Kailangan nating kumalma.
Tama 'yon nga.

Ngunit bakit sa bawat minutong nagdaraan,habang  magkahugpong ang ating mga mata'y mas lalo lamang nag-init ang nararamdaman.
Sa silid na tayo lang dalawa bakit nais mong tayo'y mag-isa?

Hindi pa Ako handa.
Hindi pa,

Teka,wait lang huwag mo muna akong hawakan,kinakabahan pa ako eh.
Kakayanin ko ba? Hindi naman siguro masakit 'no? Hindi naman siguro masyadong malaki ang alaga mo?
Hindi naman siguro masakit no? Parang kagat lang ng dinosaur? Diba? Diba?

O Sige-sige,payag na'ko pero dahan-dahan lang ha?
Huwag mong masyadong diinan.
Sabi Kasi nila masakit raw sa umpisa,na tila ba nahahati ka sa dalawa.

Pero ayos lang,ayos lang talaga.Nanamnamin ko na lang 'yong sakit,Kasi mahal kita!
Handa na ako,s-sige i-sundot mo na.

At sa aking pagtango ay siya ring iyong pagtalima na tila ba sundalong handa ng sumabak sa giyera.
Sinimulan mo akong paliguan ng halik  sa iba't ibang bahagi ng aking katawan.
Sinundan mo ng nakakapanindig balahibong haplos.
Sinamantala ang damdaming naghihikahos.

Sa bawat pagpikit ay siya ring paghigpit ng aking kapit Mula sa mga bisig mo,na Ngayon ay kanlungan ko.
Ipipikit na lang Ang sakit.
Isisigaw Ang hapdi,pipigilan Ang sarili na humiyaw at pumalahaw sa sarap na nadarama.

Kahit nalalasahan ko na Ang luha ay ayos lang,marating lang ang langit na sinasabi nila.

Saglit lang Ang sakit,Ang sigaw Ang pigil ng hininga.
Saglit lang din yong sarap tapos kinaabukasan Wala na.
Saglit lang ang lahat! Saglit lang din Ang tayo.Saglit lang!

Binigay ko ang sarili ko Sa'yo dahil mahal kita.Mahal na mahal,na kahit Ang mga magulang ko ay Kaya kung talikuran para sa Isang kapritso
Umasa Kasi Ako na baka Hinding Hindi mo na ako iiwan kapag naibigay ko na Ang gusto mo.

Pero bakit ganito?
Naibigay ko na Ang lahat lahat Sayo.Ang lahat-lahat.
Na sa'yo na Ang puso't isipan ko.
Ang kaluluwa Ang katawan! Ngunit iniwan mo pa rin Ako?

Binigay ko Ang lahat pero matapos mong tanggapin nawala ka na lang bigla.At Hindi lang yon dinurog mo pa Ang pagkatao ko at nagiwan ka pa ng remembrance sa sinapupunan ko.

Pumukit Ako sa pagaakalang sa muling pagdilat ay babalik ka.
Pero sa aking muling  pagdilat.
Mahal bakit may umbok na Ang tiyan ko?

Bakit?

Hindi pa Ako handa.
Hindi ko 'to Kaya ng mag-isa.
kailangan pa kita.
Mahal Naman! bumalik ka na.
Panagutan mo to, gago ka!
Huwag Kang duwag may ambag ka rin Dito.

Mama?

Papa?

Mahal Naman magpakita ka na!

Hindi pa Ako handa,
Hindi pa Ako handang maging Ina.

LagaslasWhere stories live. Discover now