CHAPTER 1

381 65 10
                                    

Hi ako nga pala si Yera, 20 years old, Isang professional novelist writer, na nag tratrabaho sa isang company na tinatawag na TheNovel Company kung saan gumagawa ako ng mga iba't ibang novel stories, hindi naman ako gaanong ka sikat pero ang dream ko soon maging ceo sa isang company or mag karoon ako ng isang writer company.

"Oy Sally!! Anong chapter muna sa The Boss?" Masayang tanong ko sakanya.

"Chapter eight na ako, eh ikaw?" Tanong ni Sally.

"Ay Chapter eight ka pa lang? Chapter twelve nako!! Alam mo ba kung anong nangyare dun sa may chapter eight si Austin Ford may ka date na actress!!!" Ani ko sakanya.

"Kaya nga! Ang swerte naman ng actress na yun!! Boyfriend nya si Austin Ford! isang ceo! Sana lahat!" Ani ni sally.

"Ang swerte nya naman!! Dapat ako na lang yung actress!!!" Biro ko sakanya.

Habang nag uusap kaming dalawa ni sally tungkol sa The Boss na comics biglang dumating yung boss namin.

"Umagang umaga! Sally, Yera, chismisan kaagad! Mag si balik na kayo sa pag susulat ng novel nyo! Dapat before sunday matapos na natin! Para maipublished na yung mga gawa ninyo!" Ani ng boss namin.

"Mamaya na lang." Bulong ko kay sally.

"Sure, kwentuhan mo pa ako, about sa mga mangyayare sa chapter eight okay?" Bulong nya sakin.

"Sige sige." Masayang sambit ko sakanya
_____

"Breaktime na namin, mag babasa muna ako ng The Boss." Ani ko sa sarili ko.

habang nag babasa ako ng comics patindi ng patindi yung mga scenes sa The Boss, sana ako na lang yung actress na nakatuluyan ni Austin Ford hays, kung pwede lang makapasok sa comics world nako, agad kong pupuntahan si Austin Ford, ewan ko ba kung bakit naiinlove ako sa mga fictional characters.

"Baliw ka na talaga yera! Bakit ka ba nainlove kay Austin Ford, sa isang fictional character pa! aishhh!" Ani ko sa sarili ko.
_____

Nandito ako ngayun sa isang comics store kung saan dito ko din na bili yung The Boss, nandito ulit ako ngayun upang bumili ulit ng isa pang book ang season two ng The Boss, well kahit chapter 12 pa lang ako sa season one ng The Boss, bibili kaagad ako ng season two, actually nasa chapter 20 ang The Boss season one, tapos ang season two naman ay nasa chapter 24, well masasabi ko din na napaka sikat ng The Boss dito sa buong bansa, kahit matatanda nga nag babasa pa nito, masasabi ko din adik na rin ako dito, kaya if may chance or kahit mapaginipan ko lang si Austin Ford, napaka saya ko na siguro, habang tinitignan ko ang ibang books na narito parang may isang kakaiba doon sa may bandang sulok, kaya nilapitan ko naman ito at tinignan.

"A-ano kaya to?" Tanong ko sa sarili ko habang pinagmamasdan ang isang bagay, hindi ko masasabi kung portal ba ito oh hindi pero kasing laki sya ng pintuan.

Tinary kong ipasok ang kaliwa kong kamay dito at maya maya bigla na lang akong hinugot nito.
_____

"A-aray ko, A-ano Ba-bang Na-nangyare, Aishh." Pag tatanong ko sa sarili ko habang nahihilo.

"Te-teka Ba-bakit ako naka upo dito sa sahig?" Pag tatanong ko sa sarili ko habang nagtataka kung bakit ako nakaupo sa sahig.

Agad naman akong tumayo at pinagmasdan ang paligid.

"Teka? Bakit nasa ibang lugar ako?" Tanong ko ulit sa sarili ko at pag lingun ko sa likuran ko na wala na yung comics store.

"Oh? Nasaan na dito yung comics store? Teka? Ba-bakit parang nasa ibang city ako or ibang lugar?" Pag tataka kong tanong sa sarili ko.

"Oh my gosh! Naalala ko na! Bigla akong hinugot ng isang black whole tapos pag gising ko nandito nako sa ibang lugar!!" Ani ko sa sarili ko.

"Ackkkk!!!!!" Sigaw kong malakas.
_____

"Yera kumalma ka lang." Ani ko sa sarili ko.

"Pa-paano ako makakabalik sa mundo kong pinanggalingan? Huhuhu sa sobrang adik ko sa The Boss bigla na lang akong nasa ibang dimension huhuhu yera mag isip ka kung paano ka makaka alis dito huhu." Ani ko sa sarili ko habang nag tataka kung nasaan ba talaga ako.

Nag lakad lakad ako upang pagmasdan ang paligid, hindi ko alam kung anong gagawin ko dahil wala akong dalang gamit ni cellphone wala, habang nag lalakad ako nakita ko yung company ni Austin Ford.

"Omg! To-totoo ba itong nakikita ko? Co-company ni A-austin Ford? Nanaginip ba ako? Or sadyang baliw nako?" Ani ko sa sarili ko habang pinagmamasdan ko ang company ni Austin Ford.

Habang nag tataka ako dahan dahan akong naglakad papunta sa company ni Austin Ford.

"Wow ang ganda pala sa personal." Ani ko sa sarili ko habang manghang mangha.

"Ahh miss bawal po tayong pumasok if hindi ka po nag tratrabaho dito." Ani ng guard.

"Ha-ha?" Tanong ko habang hindi ko pala namalayan na nasa loob nako ng company ni Austin, agad naman akong lumabas, at nag tanong sa guard.

"Manong? Ito po ba yung company ni Austin Ford?" Tanong ko.

"Yes po maam." Ani ng guard.

"Ahm manong nasaan po si Austin Ford?" Tanong ko ulit.

"Nasa loob po maam" Ani ng guard.

"Ahmm kuya pwede ko po ba sya makita? Or makausap man lang?" Tanong ko sakanya.

"Maam bawal po sya makipag usap sa mga fans nya sa labas, antayin nyo na lang na lumabas sya." Ani ng guard.

"Sige na manong please? Kahit saglit lang, mga 5 minutes? Please manong." Mamakaawa kong sambit sakanya.

"Maam hindi nga po pwede, bawal nga po! Antayin nyo na lang po syang lumabas dito." Ani ng guard.

"Edi don't sino ka ba? Hindi mo ba ako kilala? Isa akong magaling na novelist writer tapos pag babawalan mo lang ako?" Bulong ko sa sarili ko.

ANOTHER WORLDWhere stories live. Discover now