CHAPTER 15

100 39 0
                                    

"Kamusta nga pala yung company natin?" Tanong ng mommy nya habang kumakain.

"Success Mom, ng dahil kay Yera tumaas ang ating market ratings saka ang sales ratings natin." Masayang sambit ni Austin.

"Talaga Yera? Wow!" Masayang sambit ng daddy nya.

"Actually po, nag suggest lang po ako." Ani ko.

"Bakit hindi mo sya gawing chief editor sa Designing group?" Tanong ng mommy nya.

"Ay! Oo nga pala noh! Yera? Gusto mo bang gawin kitang chied editor?" Masayang tanong ni Austin.

"Ha? A-ako? Wa-wag na, wala akong alam sa pag eedit, saka kontento nako sa pagiging personal assistant mo." Masayang sambit ko.

"Yera? Saan ka nga pala nakatira? Saka ilan taon ka na iha?" Tanong ng daddy nya.

"Ahh, sa hotel po ako ni sir Austin nakatira, 20 years po ako." Masayang ani ko.

"Graduated ka na ba Yera? Anong course kinuha mo iha?" Tanong ng daddy nya.

"Ahh yes po, nag aral po ako ng maaga, uhm kinuha ko pong course ay journalism." Masayang ani ko.

"Oh? Mag nenews caster ka iha?" Tanong ng mommy nya.

"Ahh hindi po, novelist writer po ako." Masayang ani ko.

"Wow! Mabuti yan iha! Ipagpatuloy mo lang yan." Masayang sambit sakin ng mommy nya.

"Kamusta kayo ng kapatid mo Austin?" Seryosong tanong ng daddy nya.

"Ahh, okay lang naman po kami dad." Ani nya.

"Hello! Goodafternoon!" Biglang sabat ni Finn.

"Oh Finn, sumabay ka na samin kumain!" Masayang sambit ng daddy nya.

"Oh Yera? Austin? Nandito din pala kayo?" Masayang tanong ni Finn.

"Oo, bumisita kami, saka ang aga mo pala umuwi? Diba 10 ka pa ng gabi umuuwi?" Pagtatanong ni Austin.

"Ahh, dalawang surgery lang ginawa ko, kaya maaga na din ako umuwi." Masayang sambit nya.

"Halika na Yera, ipapasyal kita sa bahay namin." Ani ng Austin, agad nyang hinawakan ang kamay ko at umakyat kami sa second floor.

"Di pa ba kayo nag kaka ayus ng kapatid mo?" Tanong ng daddy nya.

"Ahh, dad, ginagawa ko naman po, pero wala pa din." Ani nya.

"Mag antay ka pa ng oras, sigurado mag kaka ayus din kayo ng kapatid mo." Ani ng mommy nya.
_____

Nandito kaming dalawa ngayun ni Austin sa kwarto nya, habang ako naman pinag mamasdan ang mga larawan nilang apat, habang pinagmamasdan ko, may nakita akong isang larawan na silang tatlo lang nila Finn at wala si Austin.

"Austin? Bakit wala ka dito sa family picture nyo?" Tanong ko, habang nakahawak sa larawan nila.

"Ahh, long story, halika Yera, ipapakita ko sayo yung magiging kwarto mo pansamantala." Ani nya.

Agad naman kaming lumabas sa kwarto nya at pumunta sa isang kwarto katabi ng kwarto nya.

"Yera? Ito muna ang magiging kwarto mo pansamantala, nagustuhan mo ba?" Tanong nya.

"Syempre naman." Masayang sambit ko.

"Yera? Totoo ba yon? Gusto mo lang maging personal assistant ko?" Pag tatanong nya.

"Syempre, wala naman akong alam sa pagiging chief editor noh! HAHAHA." Pabiro ko sakanya.

"Yera? Maiwan muna kita, kakausapin ko lang sila mommy at daddy, dito ka lang muna, kung gusto mo lumabas pwede naman." Ani nya.

"Ahh sige, go kausapin muna sila." Masayang sambit ko, nagtungo naman ako sa terrace ng kwarto ko.

"Ang ganda ng paligid! Ang la la ki ng mga bahay parang na sa fairytale lang ako HAHAHA." Ani ko sa sarili ko.
_____

"Anak? Kailang ka ba makikipag ayus sa kuya mo?" Tanong ng daddy nya.

"Hindi ko po alam dad." Ani ni Austin.

"Dapat kausapin mo si Finn, makipag ayus ka sakanya." Ani ng mommy nya.

"Okay po fine." Malamig nyang sambit.

"Ang laki ng pinag bago ng anak natin honey. Dati hindi pa sya gaano ka mature, ngayun matured na matured na anak natin." Masayang sambit ng mommy nya.

"Mom? Dad? Pwede po ba ako mag tanong?" Tanong ni Austin sakanila.

"Sige anak ano yun?" Tanong ng daddy nya.

"Matagal na akong nakipag break kay Se—" Ani ni Austin ng biglang putulin ng mommy nya ang sinasabi nya.

"Alam namin sweety na nakipag break ka sakanya, dahil nung kailan, pumunta samin ang mga magulang nya, sinabi ng mga magulang nya na ayaw na daw ni Serim, eh wala naman kaming magagawa, kaya hinayaan na lang namin." Ani ng mommy nya.

"Anong ibig sabihin nyo sa ayaw na daw ni Serim?" Tanong ni Austin.

"Pumunta din kasi dito si Serim, sinabi nya na, huwag ng ituloy ang arrange marriage nyo, dahil ayaw nya na daw sayo." Ani ng daddy nya.

"Ahh, opo dad, ayoko na din sakanya, may bago akong gusto." Masayang sambit ni Austin.

"Oy! Ikaw sweety! hindi ka nag sasabi saamin ng daddy mo na may bago ka na pa lang gusto, sino yan? Kilala ba namin?" Tanong ng mommy nya.

"Secret po, makikilala nyo din po sya soon." Masayang sambit ni Austin.

"Oh sya, puntahan mo kuya Finn mo sa kwarto nya, mag usap na kayo." Ani ng daddy nya.

"Sige po dad." Ani ni Austin sabay ngumiti.

ANOTHER WORLDWhere stories live. Discover now