CHAPTER 7

130 53 1
                                    

Nandito kaming dalawa ngayun ni Austin sa isang mall para bumili ng cellphone ko medyo nahihiya nako sakanya.

"Oy ayun oh, pili ka ng gusto mo." Ani ni Austin.

"Ahmm ikaw na lang pumili, medyo mahal kasi eh." Ani ko sakanya habang nahihinayang nanaman.

"Aishh, ito nga miss isa." Ani ni Austin.

"Sir Austin? Gi-girlfriend nyo po?" Tanong ng staff.

"Ahh hindi, personal assistant ko lang sya." Ani ni Austin.

"Uuwi na ba tayo?" Tanong ko kay Austin.

"Alangan! saan mo pa ba gustong gumala?" Tanong nya.

"Ito tinatanong lang ang sungit! Syempre uuwi na tayo." Ani ko sakanya.
_____

Nandito na kami sa hotel ni Austin.

"May kailangan ka pa ba? Or may bibilhin?" Tanong ni Austin.

"Wala na, salamat nga pala." Masayang sambit ko sakanya.

"Ayy nga pala ito, credit card mo, may laman yan na 1Million wons, jaan ka na lang kumuha ng mga kailanganin mo pag kulang pa dadagdagan ko na lang." Ani ni Austin.

"On-one million? Wow grabe ang galante mo pala, pero salamat." Ani ko sakanya.

"Sabi ko naman sayo eh, ganyan ako kayaman kaya nga maraming babaeng nag hahabol sakin." Ani nya.

"Nga pala ang swerte ni Serim sayo noh! Napaboyfriend nya yung isang katulad mo." Ani ko sakanya.

"Bakit? Nag seselos ka? HAHAHA." Ani nya.

"Luh?! Bat naman ako mag seselos?! Isa ka lang naman na main character sa isang comics!" Pag susungit kong sambit sakanya.

"Eh ano naman? Ikaw nga extra character lang dito eh! Paano kung ayoko mainlove sayo? Paano na yan? Hindi ka na makakabalik sa mundo mo?" Tanong nya.

"Edi okay lang! Bahala ka na nga!" Pag susungit kong sambit sakanya.

"Nga pala sa guest room ka matulog, completo na lahat ng kailangan mo dun." Ani ni Austin.

"Si-sige goodnight!" Ani ko.

Pumunta nako sa kwarto ko upang humiga na at matulog.
_____

"Tanghali nako nagising hala? Gagi baka iniwanan nya ako!" Pag aalala kong sambit.

Dali dali akong bumangon ng biglang may pumasok na isang guard.

"Maam Yera, ako po yung bodyguard nyo, kung may kailangan po kayo, lumapit lang po kayo sakin, nga pala maam Yera nilutuan po kayo ni sir Austin ng breakfast nyo." Ani ng guard.

"Ahmm, bakit hindi ako ginising ni sir Austin?" Tanong ko sa guard.

"Napansin nya raw po na napagod kayo sa first day ng trabaho nyo, saka kung saan nyo po gusto pumunta sasamahan ko po kayo kahit saan." Ani ng guard.

"Ahh sige salamat, kakain nako." Ani ko.

Agad naman akong nag tungo sa kitchen upang kumain.

Pagkatapos kong kumain dumiretso nako kaagad sa kwarto ko upang bumalik ulit sa pagkakahiga, dahil wala naman akong gagawin dito.
_____

"Oh bat gabi na? Pero di parin nakakauwi si Austin?" Tanong ko sa sarili ko.

Maya maya biglang dumating si Austin na lasing.

"Oh Austin? Naka inom ka?" Tanong ko sakanya.

"O-oum." Sagot nya.

Inakbayan ko sya at inalalayan ko syang pumasok sa kwarto nya, pag pasok namin bigla na lang syang humiga.

"Aishh! Bat ka kasi nag pa tama ng malakas!" Ani ko sakanya.

Maya maya bigla nyang hinawakan ang kamay ko at hinila nyako papunta sakanya.

"Aishh bakit mo yun ginawa?!" Tanong ko sakanya.

"Wag ka na magalit sakin Yera." Ani nya.

Dali dali akong tumayo, at umalis sa kwarto nya.

"Bakit kasi nag pa tama sya masyado aishh!! Sa The Boss hindi naman sya nag papatama ng malakas pag umiinom sya ng alak." Ani ko sa sarili ko.

"Paano sya magigising bukas? Kung lasing sya aishh! Bakit kasi hindi sya nag iisip?!" Pag aalala kong tanong sa sarili ko.
_____

Gumising ako ng maaga para gisingin si Austin.

"Austin! Gumising ka na! Gusto mo bang ma late sa trabaho mo?!" Tanong ko sakanya habang niyuyug ko ang kamay nya.

"Wala akong pasok ngayun! Day off ko! Pwede ba wag mo muna ako istorbohin natutulog pako! Bat ba ang aga mo nagising?! Matulog ka nga muna!" Ani nya.

"Aishh pati pala mga ceo nag daday off din?" Mahinang bulong sakanya.

"Rinig ko yun!" Sabat nya.

Maya maya dahan dahan syang bumangon at umupo.

"Nag break fast ka na ba?" Tanong nya.

"Dipa, nagugutom ka na ba?" Tanong ko.

"Oum, pwede mo ba akong lutuan?" Tanong nya.

"Bakit ako? Hindi ako marunong mag luto!" Pag sisinungaling ko sakanya, pero marunong naman talaga ako mag luto.

"Aishh! 20 years old ka na?! Tapos hindi ka pa marunong mag luto?!" Aishh! Ako na nga lang mag luluto!" Pag susungit nyang sambit sakin.

ANOTHER WORLDWhere stories live. Discover now