CHAPTER 14

99 39 0
                                    

Nandito kaming dalawa ngayun ni austin sa designing group.

"I just want to say, Thankyou everyone, goodjob" Pagbati ni Austin.

"Kung hindi dahil sayo Yera, hindi tataas ang ating market ratings at sales ratings, Thankyou." Pagbati sakin ni director Kang.

"Ahh, wala po yun sir, saka Thankyou din po kung hindi dahil sainyong lahat, hindi rin tataas ang ating market ratings at sales rating." Pagbati ko din sakanila.

"Should, we dinner tonight?" Tanong ni director Kang.

"Sure, pagkatapos ng work natin, mag dinner tayong lahat." Masayang sambit ni Austin.
_____

"Yera? Saan mo gustong kumain mamayang gabi?" Tanong sakin ni Austin.

"Uhm? Kahit saan na lang, siguro doon sa malapit lang dito sa company mo." Ani ko.

"Ahh sige, uhm Yera? Thankyou ha? Kung hindi dahil sayo hindi tataas ang sales ratings natin saka ang market ratings, dahil sayo nangunguna ulit tayo, thankyou." Pagbati saakin ni Austin.

"Kalma ako lang to, your future wife, charot ang landi HAHA, walang anuman." Pagbibiro ko sakanya.

"Uhm? Yera? Total mag cecelebrate tayong mamayang gabi, isama mo yung mga friends mo." Masayang sambit ni austin

"Sige sige, salamat." Ani ko.
______

Nandito kaming lahat ngayun sa isang restaurant malapit sa company ni austin, habang nag aantay pa kami ng mga bisita na dadating maya maya nakarating na din yung kapatid ni Austin na si Finn.

"Hello Finn, buti nakarating ka." Masayang sambit ko sakanya.

"Syempre, ako ang kapatd ng ceo ng Ford Company, kaya dapat nandito din ako." Masayang sambit nya.

Maya maya dumating na din si Austin kasama ang mga nasa matataas na posisyon, agad naman kaming lahat nag si yuko at gumalang.

"Everyone, today is the success of our company, ngayung gabi, isipin nyong wala kayo sa trabaho, dapat mag saya tayong lahat woahh!" Masayang sambit ni Austin at nag si kain na kaming lahat.

Habang kumakain kaming lahat bakas sa kanilang mga mukha ang kasiyahan, ng dahil saakin kaya tumaas ang market ratings ng Ford Company, ang saya ko kasi kahit nasa ibang mundo ako, nakatulong ako sa main character.

"Kumain ka pa ng marami Yera." Masayang sambit ni Austin.

"Oh tayong lahat sabay sabay mag cheers, woah!" Masayang sigaw ni Austin.

"Ng dahil kay Yera tumaas ang ating market ratings at sales ratings, Cheers!" Masayang sigaw ni director Kang.

Habang nag kakasiyahan kami, maya maya lasing na silang lahat, buti pa ako kaunti lang ang nainom ko.

"Mag saya lang kayo! Woah!" Ani ni Austin habang lasing na.

"Yera? Uuwi na ako ah? May ooperahan pa kasi akong pasyente bukas, saka bawal ako malasing." Bulong ni Finn sakin.

"Sige Finn, mag ingat ka, ako ng bahala sa kapatid mo." Masayang sambit ko.

"Uhm? Director kang, uuwi na po kami ni sir Austin, ako na pong bahala sakanya." Masayang sambit ko.

"Sige, Yera." Ani nya.
_____

Nandito na kami ngayun sa harap ng hotel ni Austin, pina drive ko na lang sa bodyguard nya ang kotse ni Austin.

Pagpasok namin sa kwarto nya dahan dahan ko syang hiniga sa kama nya, maya maya bigla nyang hinawakan ang kamay ko at hinili nya ako papunta sa kanya.

"A-austin? Ma-may kailangan ka?" Tanong ko sakanya.

"Pwede mo ba akong samahan? Kahit ngayun lang?" Ani nya.

"Si-sige, sasamahan kita hanggang sa makatulog ka." Masayang sambit ko sakanya.

Sinamahan ko muna sya sa kwarto nya, hanggang sa nakatulog na sya, dahan dahan akong nag lakad palabas ng kwarto nya.

(AFTER ONE DAY)
"Goodmorning Yera, ngayung araw pupunta tayo sa parents ko, matagal ko na kasi silang hindi nakikita, at sasabihin ko kay daddy ang ating success sa company." Masayang sambit nya.

"Nasaan ba sila?" Tanong ko.

"Nasa Castle Village sila, alam mo ba yun?" Tanong nya.

"Castle village? Diba puro mayayaman lang nakatira doon? Especially mga billionaires katulad nyo." Ani ko.

"Yup, doon tayo ngayun pupunta." Ani nya.
"Omg! Finally mapupuntahan ko na yun! Alam mo ba sa The Boss kasi binabasa ko lang ngayun pupuntahan ko na omg!" Masayang sambit ko sakanya.

"Hays! Ayan kananaman, magbihis ka na saka maligo, maliligo na din ako."  Ani nya.
_____

Nandito na kami ngayun sa harap ng village, dahil pinahinto kami ng dalawanf guards.
"Sino po sila? Anong kailangan nyo?" Tanong ng guard.

"Hindi nyo ba ako kilala?" Tanong nya at dahan dahan nyang ibinaba ang kanyang sunglasses.

"Ako si Austin Ford, ang ceo ng Ford Company at anak ako ni Roman Ford, papapasukin nyo na ba kami?" Tanong ni Austin.

"Ay sir, kayo po pala yan, pasensya na po talaga." Ani ng isang guard at dali dali nyang binuksan ang gate.

Pagpasok namin sa loob, bumungad kaagad saamin ang mga nag lalakihang mansion.
"Woah! Ang laki! Omg! Sana someday jaan ako titira." Ani ko habang namamangha sa mga malalaking mansion.

"Wag ka mag alala titira ka din jan, kung hindi ka na uuwi sa totoo mong mundo HAHA." Biro nya.

Paghinto namin sa isang malaking mansion bumungad saamin ang mga guards, i think sampo silang lahat, agad naman kaming dalawa bumaba, pag baba namin ng kotse, kaagad nag si yukuan lahat ng guard nya.
Habang nag lalakad kami papasok sa bahay nila, labas pa lang ng bahay nila ang laki, paano kaya kung pumasok pa kami.

Pagpasok namin sa loob ng bahay nila bumungad kaagad saakin ang nag sisi lakihang chandeliers, maya maya bumaba ang parents ni Austin sa isang elevator.

"Wow! Taray may elevator!" Bulong ko sa sarili ko.

"Hello mom, hi dad!". Ani ni Austin at kaagad nyang niyakap silang dalawa.

"Aww, i miss you my son" Masayang sambit ng kanyang mommy.

"Miss na miss ka na namin anak!" Masayang sambit ng kanyang daddy.

"Miss ko na din po kayong dalawa." Masayang sambit ni Austin.

"Ahh mom? Dad? Ito si Yera ang personal assistant ko." Masayang sambit nya at ipinakilala nya ako.

"What's her name?" Ani ng daddy nya.
"Hi po tito, ako nga po pala si Yera." Masayang sambit ko.

"Magandang pangalan, mabait ba itong anak ko? HAHA" birong sambit ng daddy nya.
"Ah, opo HAHA." Ani ko.

"Oh sya, alam kung hindi pa kayo kumain ng tanghalian, halina kayo, pumunta na tayo sa kusina." Masayang sambit ng daddy nya.

ANOTHER WORLDWhere stories live. Discover now