CHAPTER 5

155 54 1
                                    

Nandito na kami sa parking area at nilagay ng mga nagbuhat ng binili namin sa kotse ni Austin, at sabay na sumakay ako.

"Ahmm Austin? Nakakahiya pero thankyou very much." Masayang sambit ko sakanya.

"Walang anuman, mamayang pag uwi nating dalawa saka na kita bibilhan ng cellphone para macontact moko kung saan ka man." Ani nya.
_____

Nandito na kami sa harap ng company building ni Austin at nandito pa din kami sa loob ng kotse nya dahil sa mga taong nasa labas, kita ko din na napakarami nyang guard sa labas mga 10 bawat side.

"Bakit andami mong bodyguard?" Tanong ko sakanya.

"Para safety ako diba? Halikana bumaba na tayo." Ani nya

Maya maya ipinagbuksan sya ng isang bodyguard pati rin ako.

"Thankyou" Ani ko sa guard.

Habang nag lalakad kami papasok sa company building nya halos lahat ng mga tao sa loob naka tingin na samin, pag pasok namin sa loob halos lahat ng tao nag si yukuan para bang nakakita sila ng hari.

"Wow ito pala yung loob ng company mo ang laki." Ani ko sakanya.

"Mas magagandahan kapa mamaya sa makikita mo." Ani nya.

"Goodmorning sir Austin."

"Goodmorning po sir Austin."

"Omg goodmorning po sir ang gwapo nyo po today."

"Hello sir goodmorning."

Mga sambit ng mga tao sakanya, Nagpatuloy pa rin kami sa paglalakad hanggang sa naka abot na kami sa elevator, pag pasok naming dalawa hindi nya na pinasama ang mga body guards.

"Maiwan na kayo rito." Ani ni Austin.

"A-anong floor tayo Austin?" Tanong ko sakanya.

"20th floor tayo." Ani nya.

"A-ano?!" Sigaw ko sakanya.

"Takot ka ba sa mga matataas?" Tanong nya.

"Luh?! Hindi ako takot noh?! Namangha lang ako!" Ani ko sakanya at ngumiti nalamang sya.
_____

Pag labas namin ng elevator lahat ng mga nag tratrabaho bawat team nag si tayuan at yumuko kay Austin.

"Wow mala hari ka pala dito." Ani ko sakanya.

"Ganun talaga pag mahal nila ang isang ceo katulad ko." Masayang ani nya.

"Aishh." Ani ko, pag pasok naming dalawa sa office nya, kaagad nya akong inutusan.

"Gawa moko ng coffee." Ani nya habang nag aayus sa lamesa nya.

"Ho?! Pa-paano kita gagawan ng coffee? Bago palang ako dito!" Pagmataas ko ng boses sakanya.

"Tsk! Ito maraming files at documents ang kailangan mong ipasa sa mga departments dito sa loob ng building natin." Ani nya.

"Paano ko ba malalaman kung yung pinasa kong document ay doon sa department nayun?" Tanong ko sakanya.

"Sa bawat pintuan ng mga kwarto dito may mga nakasulat na department names." Ani nya.

"Ito bigay mo itong documents sa department ng marketing." Ani nya.

"Dito lang yan sa 20th floor hanapin mo na lang." Ani nya.

"Okay okay." Ani ko, aishh kakasimula ko pa lang utos ka agad?

Kinuha ko ang files at hinanap ko ang department group ng marketing, aish paano ba naman ang daming pintuan dito pati mga kwarto aishh, maya maya nakakita ako ng isang babaeng nag lalakad papunta sa elevator, agad akong nag tungo sakanya at nag tanong.

"Ahmm hi miss, saan po ba dito yung department of marketing group?" Tanong ko sakanya.

"Bago ka lang ba dito miss?" Tanong ng babae.

"Ahh oo, ako nga pala yung bagong assistant ni sir Austin." Ani ko sakanya.

"Ahh, doon po diretso lang po kayo tapos kumaliwa kayo tapos doon na yung department of marketing group." Ani ng babae.

"Thankyou." Masayang sambit ko sakanya.

Habang hinahanap ko yung department of marketing group nakaramdam ako ng kaba dahil hindi ko pa naman ito na experience.

"Oh ayun na pala yung department of marketing group." Ani ko sa sarili ko at kumatok.

"KNOCK KNOCK KNOCK!"

"Pasok!" Sigaw ng isang babae.

Binuksan ko ang pintuan at pumasok.

"Ahmm hello po, ako nga pala si yera, ang bagong assistant ni sir Austin, ito po yung pinapadala nyang files." Ani ko sa chief director ng marketing group.

"Ahh okay ilagay mo nalang jan sa desk ko salamat." Ani nya.
_____

"Oh Yera nabigay mo ba ng maayus?" Tanong ni Austin.

"Ahh opo." Ani ko.

"Ito naman ibigay mo ito sa department of finance group, sa director mo din ibigay, sa 18th floor kumaliwa ka tapos diretso lang makikita mo naman yun." Ani nya.

"Ahh okay po." Ani ko.
_____

"Nabigay mo ba ng maayus?" Tanong ni Austin.

"Yes po sir." Ani ko.

"Yung itong files ibigay mo to sa department of sales, wag mong guguluhin or wag mong yuyukutin yang mga files na nayan, nasa 15th floor sa kanan diretso ka lang tas nandun na." Ani nya.

"Sige po." Ani ko sakanya, aishh nakailang akyat baba nako di ba sya napapagod kaka utos sakin."
_____

"Nabigay ko ng maayus, may ipapabigay pa po ba kayo sir Austin?" Tanong ko sakanya habang nababagot na kaka utos.

"Punta ka sa designing group kuwain mo yung design ng mga damit na ginawa nila nasa 5th floor sila, diretso ka lang tas kaliwa ka lang sabay kanan nandun." Ani nya.

"Sige po sir." Ani ko, kailangan ko tong panindigan.
_____

Nandito nako sa 5th floor at pagod na pagod nako kaka akyat baba di ba sya napapagod kaka utos.

"KNOCK KNOCK KNOCK!"

"Pasok!" Sigaw ng lalaki.

"Hello po sir ako po yung new assistant ni sir Austin pinapakuha nya raw po yung design ng mga ginawa nyong damit?" Ani ko.

"Ahh ito, pa sabi na lang sakanya na hindi pa lahat yan tapos." Ani ng manager.

"Sige po sir thankyou." Ani ko.
_____

"Nandito nako!" Ani ko habang napapagod na kaka akyat baba.

"Nakuha mo ba?" Tanong nya.

"Ito sir!" Ani ko at nilapag ko yung files sa lamesa nya sabay na umupo ako sa sofa.

"Gosh I'm tired na." Pabulong kong sambit.

"Gawa mo nga ako ng coffee." Ani ni Austin.

"Sir? Nasaan po?" Tanong ko sakanya.

"Paglabas mo may makikita kang secretary jaan sa gilid tanongin mo na lang magpaturo ka sakanya." Ani ni Austin.

"Masusunod po!" Ani ko.

ANOTHER WORLDWhere stories live. Discover now