CHAPTER 3

194 60 3
                                    

Nandito kami ngayung dalawa ni Austin sa isang hotel, hindi ko nga din alam kung anong lugar ba to.

"Austin nasaan ba tayong lugar?" Tanong ko sakanya habang nag lalakad kaming dalawa.

"Sa hotel ko." Ani nya.

"I-itong Ma-malaking Hotel Sa-sayo?" Utal utal kong tanong sakanya dahil sa binabasa kong libro na The Boss wala naman syang hotel.

"Ako nga may ari nito!" Ani nya.

Maya maya pumasok kami sa isang kwarto.

"Kwarto mo to Austin?" Tanong ko sakanya.

"Hindi ba halata?" Pag susungit nya.

"Ano bang gagawin natin? Bakit mo ba ako dinala dito?" Pagtatanong ko sakanya habang pinagmamasdan ko ang buong loob ng kwarto nya.

"Pwede bang ulitin mo yung sinabi mo sakin kanina?" Tanong nya.

"Hmm? Pwede bang kumain muna tayo? Kanina pa kasi ako nagugutom, saka wala pakong kinain." Ani ko sakanya.
_____

Pagkatapos naming kumain nag tungo kaming dalawa sa sala para mag usap ni Austin.

"Ano bang sinasabi mo sakin kanina?" Tanong nya.

"Bakit pag ba sinabi ko maniniwala ka? Diba hindi naman." Ani ko sakanya.

"Na curious kasi ako sa sinabi mo kanina kahit isa kang baliw HAHA." Ani nya.

"Ay wow iba ka din! Kung hindi lang talaga kita mahal sa comics nako kanina pako nanuntok ng lalaki." Ani ko sakanya

"Ikwento mo na nga kasi! Nacucurious kasi ako sa sinasabi mo kanina, kahit parang malabo talaga." Ani nya.

"Ganito kasi yan, isa kang main character sa comics na binabasa ko na tinatawag na The Boss, isa kang mayaman na ceo na may dinidate na isang actress, sa sobrang ka adikan ko hiniling ko na sana makapunta ako sa mundong yun, tapos pumunta ako sa isang comics store and then maya maya may isang black whole doon sa may sulok maya maya bigla na lang akong hinugot nito tapos pag gising ko nandito nako nakaupo sa kalsada." Ani ko sakanya.

"Do you mean nanggaling ka sa other world?" Tanong nya.

"Oum, parang ganun na nga." Ani ko sakanya.

"So paano ka makakabalik sa mundong pinanggalingan mo?" Tanong nya.

"May isang babaeng nag pakita sakin kanina habang nasa harap ako ng company building mo, tapos ang sabi nya sakin kailangan kong ma fall inlove sakin yung main character it means ikaw yun, kailangan mong mainlove sakin para maka alis ako sa mundong to." Ani ko sakanya.

"Paano ka makakabalik kung kunyareng nainlove ako sayo?" Tanong nya.

"May isang black whole na mag papakita sakin, papasok lang ako dun, nasa mundo nakong pinanggalingan ko." Ani ko sakanya.

"Sige ganito na lang, kunyare nainlove ako sayo tapos hahalikan kita, ano game ka?" Tanong nya.

"Baliw ka ba?!" Sigaw ko sakanya.

"Kahit gusto kita sa comics ayokong may humalik sakin! Gusto ko yung the one ko hahalik sakin." Paliwanag ko sakanya.

"Gusto mo bang makabalik ka sa mundo mo? Oh ayaw mo?" Tanong nya.

"Gusto pero, tsk!! Aishhh sige na nga! gawin na natin ngayun para matapos na!" Ani ko sakanya, dahan dahan syang lumapit sakin at hinalikan nya ako, habang hinahalikan nya ako tila parang hindi pa rin lumalabas ang black whole.

"Stop! Okay na yun." Ani ko sakanya.

"Oh nasaan na yung black whole?" Tanong nya.

"Ha-ha? Sabi kasi ng babae kailangan mainlove ka sakin, tapos lalabas na yung black whole huhu pero bat walang nangyare." Ani ko habang pinag sisihan kong hinalikan nya ako.

"Niloloko mo lang ata ako eh? Gusto mo lang siguro mahulog ako sayo ganun ba? Kaya gawa ka ng gawa ng story na hindi naman totoo, tatawag ako ng pulis!" Galit nyang sambit sakin.

Agad naman akong lumuhod sakanya.

"Please! ayaw kong makulong, parang awa muna Austin! Gagawin ko lahat ng sasabihin mo, huwag mo lang ako ipakulong!! Parang awa muna Austin!" Pag mamakaawa kong sambit sakanya.

"Ano pa nga ba! Lahat ng sasabihin ko susundin mo sigurado ka?!" Tanong nya sakin.

"Oo as in lahat basta pwede akong tumira sa hotel mo please?!" Mamakaawa kong sambit.

"Fine! Gagawin kitang assistant ko, lahat ng mga works, paper, bag, ikaw lahat mag hahawak ano payag ka ba?" Tanong nya sakin.

"Oo payag ako!" Ani ko sakanya.

"Bukas simula na ng trabaho mo okay? Sa lahat ng lakad na gagawin ko sasamahan moko! Bawal ka umuwi hanggat hindi ako kasama nag kakaintindihan ba tayo?!" Tanong nya.

"Oo promise!! Hindi ako magiging pabigat sayo!" Masayang sambit ko sakanya.

ANOTHER WORLDDonde viven las historias. Descúbrelo ahora