Jillian Gonzales
Saan ka naman lilipat?
Liya Punsalan
Pasensya na pero ayaw ni mama na sabihin ko kung saan ako nakatira
Baka babawiin niya yung sinabi niyang siya ang magbabayad ng apartment ko hehe
Jillian Gonzales
Safe naman diyan sa lilipatan mo 'no?
Yung mama ko ayaw bayaran yung sakin eh HAHAHA
Dapat daw paghirapan ko ang mga pagmamay-ari ko para mas pahahalagahan ko ang mga ito
Halos kalahating oras pa nagtagal ang aming pag-uusap ni Jillian bago ako inantok. Kahit masarap kausap si Jillian at mukhang guwapo naman siya sa kaniyang profile picture, hindi ko parin dapat ibigay ang mga importanteng impormasyon ko sa kaniya. Lalong-lalo nang sa internet ko lang siya nakilala. Kahit three years na kaming nag-uusap, hindi ko magawang magtiwala sa isang taong hindi ko gaanong kilala at hindi ko nakikita sa personal.Nagpaalam na akong matulog bago pa ang hatinggabi. Kailangan kasi na maaga akong gumising bukas dahil matagal pa ang biyahe papuntang Maynila. Sa totoo lang, sa pictures ko lang nakita ang apartment na iyon na si mama ko ang nagpadala. Siya kasi ang naghanap at pumili ng puwede kong tirhan bago siya umalis ng bansa para makita ng personal ang Koreanong ilang taon na niyang kausap sa internet.
Naiinggit talaga ako kay mama. Mapera na nga siya, may Koreano pang nobyo. Paano naman ako? Ito, single at naghahanap pa rin ng part-time job. Ayaw ko kasi na umasa na lang kay mama sa aking finances. Gusto ko rin na tumayo sa sarili kong mga paa. Hindi puwedeng habangbuhay ay umaasa lang ako sa iba lalo na sa kaniya.
Kinaumagahan, nagising ako dahil sa excitement kaya nagsimula na akong maghanda. Hindi ko na makikita ang mga chismosa kong kapitbahay at hindi ko narin maaamoy ang sumisingaw na imburnal sa likuran ng inuupahan ko. Ito na siguro ang hinahanap-hanap kong bagong simula. Hindi man bagong taon ngayon, ramdam ko na may magandang dala ang paglipat ko sa Maynila. Doon ko na siguro makakamit ang bagong ako.
"Manong, malapit na po ba tayo?" tanong ko sa taxi driver na pinadala ni mama. Sabi ko sa kaniya na gusto kong sumakay sa jeep pero baka magkandaligaw-ligaw raw ako.
"Malapit na ho," sagot niya. Dumungaw nalang akong labas ng kotse, sa mga naglalakad na mga tao at mga nagsisiksikang mga bahay. Sa 'di kalayuan, natatanaw ko na ang mga nagsisipagtaasang mga gusali.
Wala pang limang minuto ay tumigil ang taxi sa harap ng isang kulay puti at gray na building na may pitong palapag. Gusto kong tanungin ang driver kung tama ba talagang ang address na ibinigay sa kaniya o baka magkamali naman siya. Bakit naman ba kasi lumiko pa kami sa isang makipot na daan at hindi dumiretso sa kumpol ng matatayog na mga gusaling iyon.
YOU ARE READING
The Reveries I Keep
RandomA new story in every chapter. The Reveries I Keep is a collection of one shot stories from contests I participate in, written under different genres. Set in different places and different time periods, this collection will take you on a whirlwind of...