Just What I Need

48 13 0
                                    

Hindi ko mapigilang sumimangot habang tinititigan ng masakit ang ticket na hawak-hawak ko

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Hindi ko mapigilang sumimangot habang tinititigan ng masakit ang ticket na hawak-hawak ko. Cirque du Lune. Ang dami ng mga lugar na pwede nilang piliin, circus pa. Nandiyan lang naman ang Palawan at Boracay. Ganito ba talaga kung libre lang? Hindi ko na tuloy alam kung may sama ng loob ang mga empleyado ko sa akin. Alam naman nila na hindi ako mahilig sa mga ganito.

Wait. Hindi pala nila alam. Paano nila malalaman kung laging nakatikom ang aking bibig 'di bale nalang kung tungkol na sa trabaho ang pinag-uusapan? Minsan nga ay inakala nilang natulog ako sa opisina dahil nag-overtime na nga ako, maaga pa ako pumasok noong kinaumagahan.

Ginawa ko lang iyon para maihabol ko ang mga projects ng kompanya namin. Hindi na kasi ako makapagtrabaho ng maayos noong mga panahong iyon. Hindi ko lang pinapakita sa mga empleyado ko dahil baka kung ano na ang sabihin nila pero depressed talaga ako noon. Wala akong ganang gawin ang kahit ano, kahit ang mga gawain na madali lang dati para sa akin. Halos ipagawa ko na nga ang lahat sa iba ang trabaho ko. Nagkukunwari akong busy sa loob ng opisina ko buong araw pero ang totoo, nakatingin lang ako sa kawalan at iniisip ang mga 'what if' tulad ng, "Paano kaya kung nandito pa siya? Siguro nag-uusap kami ngayon kung saan kami magkikita sa Sabado."

Buong araw ng Sabado lang kasi ang aming free time, hindi tulad noong unang naging kami, kaya iyon ang araw na inilalaan namin para sa isa't isa. Kahit hanggang ngayon, I look forward para sa mga Sabado na darating. Baka sa susunod kasi, makikita ko na siya ulit kahit alam ko naman ang masakit na katotohanan.

Kahit saan ako titingin, nakikita ko pa rin siya dahil nakaukit na siya sa aking pagkatao. Ang hirap niya kasi kalimutan; ang hirap niya pakawalan.

Kaya noong naging busy ako, doon ko nalaman na pwede pala siya mawala sa isipan ko kahit saglit lang. Pwede na para sa akin ang konting oras na iyon, kaya simula noon, trabaho na lang ang inaatupag ko araw-araw. Dahil dito, marami ang nakapansin at nagsimulang kumalat ang iba't ibang kuwento tungkol sa akin.

Mukhang pera raw ako dahil ayaw kong mawalan ng perang pumapasok sa bank account ko.

Obsessed daw ako sa trabaho at gagawin ko ang lahat upang hindi bumagsak ang kompanya. Hindi ko naman talagang gusto na malugi ang aking kompanya pero napakalayo ng mga tsismis na ito sa katotohanan.

Magagawa ko ba na magpakasaya kung alam kong napakalungkot niya sa kaniyang mga huling sandali? Magagawa ko ba na magpakasaya kasama ng iba habang siya, hindi na niya iyon mararanasan kailanman? Hindi ko kayang hindi siya alalahanin araw-araw. Napakasakit kasi na hanggang alaala nalang ang mga ngiti niya. Kung wala akong videos niya, siguradong malilimutan ko narin ang kung paano siya tumawa. At kung mangyari man iyon, hinding-hindi ko mapapatawad ang aking sarili.

Ngayon, nakatayo ako sa harap ng mga makukulay na tent. Nangingibabaw ang kulay pula at napapalibutan ako ng maraming ilaw na animo'y mga tala. Kinuha na ng nagbabantay sa gate ang ticket ko kanina kaya malaya na akong makakapaglibot-libot. Inilibot ko ang aking paningin sa paligid at may nakita akong isang magkasintahan sa 'di kalayuan.

The Reveries I KeepWhere stories live. Discover now