Prologue

4 0 0
                                    

Nagtipon Tipon ang buong members ng Elfore Company upang umattend sa meeting ni Angelina, Kaya lahat sila ay Dali daling pumunta sa meeting room.

At sinimulan na Nila ang kanilang meeting.

"Bilang isang kpop idol, masaya sa atin na  nagpapasaya tayo sa mga tao, Kaya bilang reward sa inyong effort, magkakaroon tayo ng bakasyon bukas trainees and official artists. Isang linggo Lang naman iyon Kaya magkita kita tayo sa airport bukas, at siguraduhin niyong Hindi kayo malalate ahh... Magpakasaya na kayo..... Malay niyo hanggang doon nalang kayo.... I mean hanggang doon nalang free time niyo.... Dismiss." Ang pahayag ni Ms. Angeline sa kanila.

Lahat sila ay sumang-ayon dito, dahil kapag sila ay nagbabakasyon as in puro pahinga Lang sila, number 1 rule kasi ni Ms. Angelina na once na magbakasyon sila ay they can do whatever they want, at yun ang ginusto Nila Kay ms. Angelina na naiintindihan sila pati yung effort Nila ay naappreciate niya.

........................

-KINABUKASAN-

"Nakakapagod naman! Naupo si Joanne sa sofa sa dressing room.

"Makakapagpahinga na tayo, naalala mo yung plano nating bakasyon?" Nakangiting sabi ni Lucy habang tinatanggal ang make-up

"Right, tara na! Ngayon ata ang flight natin! Malayo-layo rin yun!" Nag-iinat naman na sabi ni Julia

Lahat sila excited sa magaganap na bakasyon. Grupo sila ng mga artista na hindi matapos tapos ang mga concert kaya nung nagkaroon sila ng isang linggong pahinga ay ginawa nila itong bakasyon kasama ang isa't isa. Napagpasyahan nilang sa isla nina Ms. Angeline sa Ilocos dahil malawak daw ito saka medyo malayo sa iba pang isla.

Magkakasama sila sa iisang eroplano at sobrang ingay. Masasaya na parang hindi nila iniisip ang bukas

.................

"Maawa ka!"

"Huwag mo akong papatayin!"

"Tulungan niyo ako!"

"AHHHHHH!!"

"ARGH!!!"

Ang dating sigawan na mula sa fans ay sigawan na ngayon ng mga artistang humihingi ng tulong

Ang dating masasayang halakhak na lumalabas sa bibig NIYA ay isa ngayong malademinyong halakhak

Ang dating masayang isla ay naging nakakatakot na isla

Ano nga bang nangyari?

Bakit nagbago?

Bakit NIYA ginagawa ito?

Idol VacationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon