Chapter 9

0 0 0
                                    

Alyssa’s POV

Bumalik kaming muli sa bahay para dalhin doon ang katawan ni Felix. Medyo nagtagal kami roon kasi gustong magpahinga nina Kyle dahil sila yung nagdala ng bangkay. Naupo kami sa lugar kung saan kami nagtagpotagpo kahapon para sa race

Tahimik lang yung tatlong lalaki habang sina Amy at Sadie naman ay nagkukwentuhan. Tumingin ako sa trail na nilabasan namin kahapon, Kung saan muntik na talaga akong mamatay. Napayuko ako sa naisip ko

Sana namatay na lang ako kahapon. Dapat hindi ako tinulak ni Athena. Kung patay na sana ako ngayon, di ko mararanasan ang ganitong hirap, yung ganitong klase ng pag iisip. May killer ba talaga? Ano ng gagawin ko?

“ALYSSA!!”

Napatingin ako sa harapan. Silang lima nasa harapan ko at mukhang nag aalala. Si Philip nakahawak sa magkabilang balikat ko. “ayos ka lang ba? Sinasabunutan mo ang sarili mo tapos umiiyak ka”

Napahawak ako sa pisngi ko at naramdaman kong basa yun. Tumingin ako sa mga kasama ko saka umiling bago ngumiti. “ayos lang ako”

Sadie’s POV

“ayos lang ako”

Alam kong hindi totoo yun. May nangyari ba sa trail nila? Pero wala namang namatay sa kanila eh

“saan tayo sunod?” tanong ni Jerry sa amin

“kami siguro, sina Amy ang huling dumating eh” sabi ko sa kanila kaya tumango sila. Hinawakan ko sa balikat si Alyssa, “pwede namang hindi ka na sumama, mas Malala ang makikita mo” sabi ko sa kanya na sinang ayunan ng iba

“sorry for being weak a while ago but Im okay now” tumayo ito at hinanda ang gamit. Siya na rin ang nagdala ng bag na binitbit kanina ni Philip para sa kanya

“ako na ang-“

“ako na, kaya ko” pagpuputol ni Alyssa kay Philip. Anong nangyari dun? Sudden change of mood

Nauna akong maglakad sa kanila at sumunod agad sa akin si Alyssa. Hindi ko na inalam pa kung ano ang pagkakasunod sunod dahil nakapasok na kami sa trail. Tahimik lang silang naglalakad.

“Sadie…..”

“hmm?” tanong ko kay Alyssa na tinawag ako ng pabulong

“ahm… may napapansin ka bang kakaiba kay Philip?”

Kay Philip? “wala naman. Sa tingin ko naman normal pa siya pati yung mga kilos niya normal” ano bang nangyayari kay Alyssa? “bakit mo natanong?” tanong ko ng hindi ito nililingon

“wala naman. Sa tingin ko napaparanoid na ako sa mga bagay bagay”

Napatigil ako sa paglalakad at humarap kay Alyssa. Nakita kong napatigil din ang lahat

“nandito na tayo?” tanong ni Amy pero hindi ko ito sinagot

Hinawakan ko sa magkabilang balikat si Alyssa saka niyugyog. “buntis ka baaaa?” tanong ko dito na ikinagulat ng mga kasama namin

Pinalo nito ang kamay kong nakahawak sa balikat niya, “nahihilo ako tigil mo yan” humawak siya sa ulo niya saka umiling iling “ako? Buntis? Nah” sagot nito sa akin

Pinaningkitan ko siya ng mata saka inilapit ang mukha ko sa mukha niya, “eh bakit ka paranoid? Tapos may pa change of mood ka” sabi ko dito saka nginisihan siya. Inilayo niya ang mukha ko saka nag iwas ng tingin

“baka magkakameron” pagtatanggol ni Amy kay Alyssa, “ganyan din ako minsan kaya wag kang issue, ginulat mo yung isa sa love birds” sabi pa nito at tumingin kay Philip na ikinatawa naming apat dahil yung dalawa ay namumula

Idol VacationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon