Chapter 5

2 0 0
                                    

Nang masabi ni ms. Angelina iyon ay isa isa silang bumaba bitbit ang gamit nila.

"Guys, welcome sa aming bahay bakasyunan" bati ni ms. Angelina sa kanila.

"Wow, ang Ganda naman dito" tugon ni Kelly na hanggang ngayon ay nakatingin sa beach.

"Oo nga malapit sa beach ang tanawin" tugon naman ni Vanessa Kay Kelly.

"Di Lang yan ang makikita niyo, marami pang iba, bukas na bukas sisimulan natin yung nature walk, okay?" Sabi ni ms. Angelina sa kanila.

"Sige po mam" Sabi ni Kelly Kay ms. Angelina

"Ohh Tara na pumunta na tayo sa bahay" panghihikayat ni ms. Angelina sa kanila.

Sinundan nila si ms. Angelina hanggang sa makarating sa bahay. Kumatok si ms. Angelina at lumabas ang poging lalaki sa pintuan. Nang makita ni ms. Angelina si Glen ay humarap siya sa grupo at pinakilala si Glen.

"Guys this is Glen, caretaker ng bahay bakasyunan" pagpapakilala ni ms. Angelina Kay Glen.

"New caretaker noona? Diba si Mang Raymond dati, caretaker noon? Tanong ni Jerry sa kanya.

"Nag retire na siya eh" sagot ni ms. Angelina sa tanong ni Jerry.

"Ahh Kaya pala, sige" Sabi ni Jerry sa kanya.

"Good evening po sa inyo" bati ni Glen sa kanila.

"I'm Glen, caretaker nitong bahay" pagpapakilala ulit nito sa kanila.

"And feel free nalang to ask me Kung may tanong kayo or Kung may sira man yung mga things sa taas." Dagdag ni Glen sa kanila.

"Umm sige po" sagot ng buong Elfore sa kanya.

Nginitian ng buong Elfore si Glen. At lahat na sila ay pinapasok na sa Loob ni ms. Angelina. Kanya-kanya silang lapag ng gamit sa salas, at sabay sabay tumingin Kay Alex.

-SA LOOB NG BAHAY-

"Bakit kayo nakatingin sakin?" Tanong ni Alex sa kanila.

"Sabi mo magluluto ka diba hyung?" Sabi ni Tim sa kanya habang binababa ang bag sa sahig.

"Pero nakakain na tayo diba?" Palusot na sabi ni Alex sa kanila.

"Nagugutom na kami ehh, pleaseeee." Dagdag Nina Kyle at Theo.

"Basta walang isda ah" sigaw ni Raine mula sa cr.

"Oo na nga eto na, magluluto na." Sabi ni Alex sa kanila.

"Kuya nasaan po ang kusina?" Tanong ni Alex Kay Glen.

"Dire diretso ka Jan tapos Kaliwa, then yun na yung Kusina." Tinuro ni Glen Kung saan yung Kusina makikita.

Then kinuha na ni Alex ang mga ingredients sa bag niya at sa ka pumunta na sa Kusina. Sinamahan siya ni Brian papunta doon. Ang iba naman ay nasa sala nakaupo, habang ang iba naman ay nasa sahig nakahiga.

"Glen, pahatid naman sila sa Kwarto Nila sa taas oh" Sabi ni ms. Angelina sa kanya.

Agad ding sinunod ni Glen ang utos ni ms. Angelina at lahat sila ay binitbit ang kanilang gamit at sumunod Kay Glen papunta sa taas.

"Andaya, niyo naman, iiwan niyo kami ni Alex dito." Sigaw ni Brian mula sa kusina.

"Pumunta muna kayo dito para makahanap kayo ng Kwarto" Sigaw ni ms. Angelina sa kanila.
"Sige papunta na" Sigaw pabalik ni Brian.

"Tara na muna hyung, naghihiwa pa Lang naman tayo eh." Dagdag ni Brian Kay Alex.

"Sige" Sabi ni Alex sa kanya.

Idol VacationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon