Chapter 26

0 0 0
                                    

Raine’s POV

Ang tagal naman nina Alyssa Unnie. Nandito lang ako sa labas ng hideout namin kasama sina Harris at Jerry. Kinakabahan ako dahil sa tagal nila pero alam kong poprotektahan siya ni Philip

Naalala ko na naman ang sinabi ni Alyssa Unnie, totoo nga na parang nasa missing nine kami at dalawa ang nagpaplanong patayin kami. Ibig sabihin matagal na palang tinatago ni Unnie yun? Lahat ng mga sinasabi niya sa akin, connected sa nangyayari. Tumingin ako sa dalawang lalaki na nakaupo sa harapan ko. Sasabihin ko ba sa kanila o hindi?

Mag iilang araw na ba kami dito? Isang lingo raw dapat kami dito pero

“guys,” napalingon sa akin ang dalawa, “lagpas isang lingo na tayo dito. Diba dapat may susundo na sa atin?” tanong ko na ikinatayo ng dalawa

“tara na sa pampang” yaya sa amin ni Jerry

“pero paano sina Alyssa Unnie?”

“alam kong useless ang pag iintay natin dito lalo na’t may killer,” bumuntong hininga ito, “be mad at me but I think they’re dead now”

Naisip ko na rin yan. Nagkatinginan kaming dalawa ni Harris saka tumango. Naglakad na kami ng tahimik sa pampang.

Kahit papaano naging maganda ang experience ko sa islang ito., naging sama sama kami, nagtulungan, at nakapagsaya kahit papaano. Nakakamiss lang si Alyssa Unnie, sana makaligtas silang dalawa ni Philip.

Nang makalabas kami ng gubat ay dumiretso kami sa pinaglibingan ng mga kaibigan namin at nagbigay respeto. Nang matapos yun at pumunta kami sa pampang kung saan dapat kami susunduin saka naupo doon

Pinaggigitnaan ako ng dalawang lalaki. Sasabihin mo na ba sakanila?

“may sasabihin ako,” sabi ko sa kanila habang nakatingin sa karagatan, “kilala ko ang dalawang killer, pati na si Alyssa” ramdam ko ang tingin ng dalawa

“naiintindihan ko na kung bakit ganoon na lamang ang mga tanong sa akin ni Unnie. Naalala niyo ba yung natapilok siya?” narinig kong sumagot ng ‘oo’ ang dalawa, “she asked me that time kung binisita ba tayo ni Ms. Angelina tapos sinagot ko siya kung bakit niya naman natanong yun ay nawawala nga si Ms. Angelina that time, sinagot niya ako,” bumuntong hininga ako, “paano mawawala si Ms. Angelina sa mismong isla?”

“diba umalis daw sila ni Emily para magpagamot?” sabi ni Jerry dito

“alam ko pero iba kasi yung mga tanong sa akin ni Alyssa unnie. Remember the time na namatay si Brittany?” Nakita kong tumango sila, “bakit siya nagsinungaling kay Monica na hindi niya Nakita si Brittany kung sa simula pa lang ay Nakita niya ng pinapatay ito? Naisip ko na baka kinukumperma niya pa yung killer”

“siguro nga”

“that time na sinabi ni Alyssa Unnie yung about sa missing nine? Talagang nasa grupo lang natin ang killer at alam na niya kung sino”

“what do you mean?” tanong sa akin ni Jerry

Hinarap ko ito, “si Ms. Angelina at Emily ang killer”

“hindi yan totoo” nagtitimping sabi ni Jerry dito

“naisip ko lang to ngayon ngayon lang. paano nila napapatay ang biktima ng hindi ang mga ito sumisigaw? Diba dapat kapag Nakita yung killer ay sisigaw na? pero bakit hindi sila sumisigaw? Kasi hindi nila inaasahan na sina Ms. Angelina at Emily ang killer”

“that’s a good deduction Raine”

Drei’s POV

Nandito ako ngayon sa isang kwarto sa ospital kasama ang asawa ko para bantayan ang babaeng Nakita namin sa pampang. Ilang araw na rin kami dito simula ng makita namin ang babaeng ito

“asawa ko, gumalaw yung daliri niya!” napalingon ako sa asawa ko na nakatingin sa babae, “bilis tumawag ka ng doctor!”

Mabilis akong lumabas ng kwarto at tumawag ng doctor. Nang makita ko ang doctor na naka assign sa babae ay agad na sinabihan ko ito. Nagmamadali kaming pumasok ng kwarto at nagulat kami sa naabutan namin

Nakaupo yung babae habang nakahawak sa ulo at patang sinasabunutan ang sarili. Ang asawa ko naman ay nakaupo sa sahig at nakatulala

“asawa ko!” nilapitan ko ito agad, “anong nangyari sayo? Ayos ka lang ba?”

“hahahahaha……. Killer killer! Missing nine…. Hhahahahahahahaha”

Nilingon ko yung babae na nakatunghay na ang ulo pero nakahawak pa rin sa ulo. Tumatawa ito at paulit ulit ang sinasabi

“Maggie…….. del………. Killer! Bang bang! Hahahahahahahahahaha!”

Nilapitan na ito ng doctor kasama ang apat na mga nurse

“noooo! Bitawan niyo ako! Ililigtas ko sila! Hahahahahaha dead! Dead! DEAD!”

Itinayo ko ang asawa ko at Nakita kong tinurukan ito ng doctor

“dead…. Dead…… de…..”

Nawalan ng malay ang babae. Anong nangyayari dito? Parang nababaliw na

“hindi ko alam kung epekto ba yan ng pagkakauntog niya pero ipapatingin ko na rin sya sa isang psychologist”

Psychologist. Doctor ng mga may problema sa utak

Rick’s POV

Limang oras na kaming nagbabyahe.nakatingin lang ako sa karagatan. Malapit ng magdilim.

Sana buhay pa sila. Sana buhay ka pa Glen.

“Rick” napalingon ako at Nakita ko si Mam Riley

“mam” sumaludo ako kaya sumaludo siya pabalik

“sa tingin mo, mabubuhay pa kaya sila?” tanong nito sa akin

“kay Rick 80% sure ako kasi dati siyang pulis pero sa iba po, hindi” sagot ko dito

Lumapit ito sa pwesto ko saka tumabi sa akin, “ang kapatid ko ay magaling mag formulate ng plan tsaka alam kong poprotektahan siya ng boyfriend niya”

Boyfriend?! May boyfriend ito? Ang galing naman nilang itago sa mga fans

“pero sana  talaga buhay pa silang lahat o kahit isa lang”

“nararamdaman kong may buhay sa kanila Mam Riley”

“Mam Riley! Sir Rick!”

Napalingon ako. Sumaludo sa amin si Porter kaya sumaludo ako pabalik at ganoon din ang ginawa ni Mam Riley

“nakikita na po namin ang Isla!” sabi nito kaya naglakad kami papalapit dito

“tatlong oras pa bago tuluyang makarating” sabi ni Mam Riley

“bilisan niyo ang pagpapatakbo!” utos ko dito kaya agad itong sumaludo at nagmamadaling umalis

Konti na lang. matutulungan na namin kayo! Magiging ligtas na kayo!

--------------------------------------------
End of Chapter

Idol VacationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon