Chapter 2

2 0 0
                                    

-5 Oras na ang nakakalipas-

"Matagal pa ba? Feel ko tatanda na ako kakahintay eh" sabi ni Brian na kanina pa naiinip, Kaya ang ginawa niya para maibsan ang kainipan ay inasar-Asar niya si Khloe na kasalukuyang natutulog....

"Khloe" sabi ni Brian na akmang hahawakan niya ang ilong ni Khloe.

"Ano ba Brian natutulog yung Tao eh" naiinis na sabi ni Khloe Kay Brian

"Wag ka na matulog, alam mo ba bagay sayo yung malaking eyebugs?" Inaasar na sabi ni Brian Kay Khloe.

"ABA LINTIK NA YAN AHH, HOY BRIAN HALIKA NGA!" galit na sabi ni Khloe Kay Brian na kasalukuyang tumatakbo papunta sa cr si Brian.

Hinabol ni Khloe si Brian papuntang cr, nahabol ito ka agad ni Khloe Kaya ang ginawa niya Kay Brian ay sinabunutan, walang ginawa ang sina Kyle,Theo,Tim,Alex,Cody at si Nathan kundi tumawa Lang ng tumawa Miski manghingi pa ng tulong si Brian ay tinatawanan Lang Nila Ito. Pinigilan sila ni Cody Kaya bumalik sila sa kaniya-kanyang upuan.

"Oyy may round 2 pa Khloe ahh." Pang aasar na sabi ni Brian sa kanya.

"Round 2 ko mukha mo Brian, HMPH!" Pagalit na sabi ni Khloe sa kaniya.

Alyssa’s POV

Di talaga ako mapakali ngayon, feel ko talaga may Mali eh, alam Kong masaya sila ako rin naman eh, pero talaga parang may mali...... Hays di bale na nga lang tama si Raine, kailangan Kong magpahinga......

After 30 minutes, yan na naman mukhang kakausapin na naman ni ms. Angeline si Emily, di na ako mapaitlog sa kakaisip Kaya susundan ko sila.

"Raine wait Lang ah naccr na kasi ako kanina pa ehh"

"Sure unnie, sigii na, babalik na rin ako kina unnie, Baka pagalitan ako eh hahahaha" sabi niya sakin.

Pumayag ako at inantay ko muna umalis si Raine bago pumunta kina ms. Angeline at Emily....habang naglalakad ako papunta doon, napansin ko na nakatingin din si Jerry sa likod, which is nandun nga ang cr.

"Jerry okay ka Lang" tila nabagabag siya sa pagkatulala ng tanungin ko siya.

"Ohh hey Alyssa, it's nothing." Sabi niya sakin.

Hinayaan ko nalang siya tutal, anjan naman yung tropa niya eh.

Nagpatuloy ako sa paglakad papunta sa pintuan ng cr..... At saktong naririnig ko ang usapan Nila na....

"I I can't ms. Angelina" malungkot na sabi ni Emily Kay ms. Angelina.

"I know you can do it Emily, you need to trust me." Sabi ni ms. Angelina Kay Emily

"I-I-I'll try." malungkot na sabi ni Emily Kay ms. Angeline

"Good, now go ahead, Baka may makakita pa satin" sabi ni Ms. Angeline Kay Emily.



3rd POV

Natapos na rin ang kanilang pinag-uusapan paalis na sana si Alyssa ng biglang bumukas ang pinto at unang lumabas si Emily at sumunod si ms. Angelina

"Alyssa? Kadadating mo Lang ba?" Tanong ni Emily Kay Alyssa.

"Oo Emily, naiihi na kasi ako eh" sagot ni Alyssa Kay Emily.
"Ahh ganun ba, sige ahh" pagsang-ayon ni Alyssa Kay Emily.

"By the way bat mag kasama kayo ni ms. Angelina?" Tanong ni Alyssa sa kanila.

"Ahh kami ba? No we're not, galing akong likod, kasi May inasikaso Lang ako." Sabi ni ms. Angelina Kay Alyssa.

"Oh ganun ba sige" sabi ni Alyssa.

"Sige Alyssa balik na kami ah, Tara na Emily" sabi ni ms. Angelina Kay Alyssa

"Yeah I'm following na" tugon ni Emily sa sinabi ni ms. Angelina

Sinundan niya ang tingin yung dalawa hanggang sa makaupo na ito. At after nun ay Dali Dali na siyang pumasok sa cr, at pagkapasok niya ay di pa rin siya mapalagay sa nangyayari sa kanya, tinry niya maging komportable, at nung naging okay na siya na kaunti, lumabas siya at naglakad patungo na sa kanyang upuan, mababakas sa kanya ang di maintindihang ekspresyon, Dahil pati siya na nakarinig sa usapan ay di niya alam Kung masama ba iyon oh Hindi Kaya hinayaan niya na Lang. At ng makabalik na siya, Dinaan niya nalang sa tulog ang lahat.

--------------------------------------------
End of Chapter

Idol VacationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon