Pre order of Damsel in distress is on going! Pm me on my fb page for details!
"Where's Miracle?" Tanong ni Eros sa asawang si Sienna pagpunta niya sa dining area at makitang wala doon ang anak. Wala din si Nicollo dahil kahit sabado ay may pasok ito kaya silang tatlo lang ang sana magkakasabay na mag-agahan.
"Kanina pa kumain ang anak mo tapos nagdala ulit sa kuwarto niya." Sagot ni Sienna na nilagyan ng pancake ang plato ng asawa. It's only 7 in the morning and they usually woke up at six. Syempre kahit naman umedad na si Eros may kaharutan pa din na taglay ang asawa niya kaya tinatanghali sila minsan bumaba.
"Your daughter might be tired reviewing on her up coming exams."
"Yes, she said that earlier, kaya hinayaan ko na lang bumalik sa kuwarto niya."
Uminom ng kape si Eros bago nagsalita. "Si Aidan yang batang yan may pabakod-bakod pang nalalaman sa anak natin tapos sasabihin kay Miracle hindi daw niya ito gusto." Parang nagsusumbong na kuwento ni Eros sa asawa.
Sienna smiled, "Really? Mana kay June kung ganon."
"Exactly! Kaya pag nagawi ang batang yan dito babatukan ko din talaga katulad ng tatay niya."
Mahinang tumawa si Sienna. "Aidan is a good kid Eros, tingnan mo naman sino bang mag-aakala na makakapasok sa Navy yon? Eh puro kalokohan ang alam niya hindi ba."
"Good man, good man, hindi ko na talaga papayagan yang anak ni Hunyo na isama niya kung saan-saan si Miracle. Aba sabi ng anak natin she felt rejected daw." Hindi pa din maka move on na sabi ni Eros.
"Hayaan mo na nga ang mga bata Eros, Miracle is a smart kid. Tsaka mas panatag pa nga ako kapag kasama niya si Aidan eh, tingnan mo nga ni ayaw pagsuotin ng dress ang anak natin kapag lalabas sila."
Sabi ni Sienna, she can see on Aidan the younger version of her husband Eros. Very protective, bawal magsuot ng maiikli kapag lalabas siya at kung magsusuot man siya ay dapat kasama niya ito."Baby naman wag mo ng ipagtanggol ang batang yun." Parang nagrereklamo na sabi ni Eros. Mana lang talaga ang batang yon sa tatay niya ang hilig manakop! "At alam mo ba baby tinawag ba naman ako ni Hunyo ng balae kahapon? Syempre binatukan ko, ang bata bata pa ng anak natin eh."
"Bata din naman ako ng kinasal tayo ah, I'm only 20 that time Eros and you are 15 years older than me."
Napasimangot si Eros. "Age doesn't matter between us baby, beside I can still fvck you hard now and bring you on oblivion." Maharot na sabi ni Eros na hinawakan pa ang hita ng asawa. Sienna is now 40 years old but her beauty never fade, he's still lucky that his wife stand beside him after all this year. "Pero iniisip ko lang kung kuhaan ko na kaya ng bodyguard ang anak natin? Kahit apat?"
Napailing na lang si Sienna sa naririnig, Eros is really like this if it's about their daughter. "Yan ang wag mong gagawin dahil ayaw ni Miracle niyan diba tsaka Eros pinag-usapan na natin na hindi natin pang-hihimasukan ang kung sino mang gustuhin ng mga anak natin diba?"
"Oo nga pero ayoko maging balae ang Hunyo na yon!" Himutok na naman ni Eros.
"Hay naku Eros matagal pa yang iniisip mo. Dalian mo na nga kumain para makaalis na tayo." Ani ni Sienna, pupunta sila ngayon sa banana plantation at pagkatapos naman ay sa farm nila.
"I'm full." Sabi ni Aidan matapos kumain at uminom ng kape na dala ni Miracle, he woke up early. No, hindi nga siya nakatulog ng maayos at pinanuod lang ang dalaga sa tabi niya habang mahimbing itong natutulog sa kanyang mga braso.
BINABASA MO ANG
The Governor's Daughter [PUBLISHED UNDER PSICOM]
RomanceMiracle Jacinto and Aidan Dela Vega story🖤 Last chapter from the book 01 and book 02 is not included on this stories for safety purposes (sa mga nagsosoft copy) Nagpalit ako ng bookcover at pinag-isa na lang sila.