Both parents of Miracle and Aidan was surprised after they told about Miracle's pregnancy. Lalong-lalo na si Eros na ayaw pumayag na maging lolo. Eros didn't expected that his daughter will marry Aidan in Batangas without their permission, ilang buwan lang simula ng mangyari yon tapos heto naman at buntis pala ang anak niya.
"You can still stay here anak, lalo na tuwing weekends lang umuuwi dito sa atin si Aidan." Malambing na sabi ni Eros ng maka-sarilininan si Miracle.
Hindi ko alam ang isasagot ko, I know my dad is not happy when he knew that Aidan and I got married when we we're in Batangas. At maski si mommy ay ganon din, kaso doon kase kami tumutuloy ni Aidan sa bahay niya sa Sawali ngayon. Kumuha na din siya ng dalawang kasambahay, dalawang security at driver na maghahatid sundo sa akin mula sa banana farm ni daddy. "Kakausapin ko po muna si Aidan dad." Sabi ko naman sa kanya, I remembered his reaction earlier and we thought my dad will passed out after we told them that I'm pregnant.
"Kakausapin ko din siya mamaya, mas maganda kase na dito ka muna sa bahay dahil nandito kami ng mommy mo para maalalayan ka namin." Tukoy ni Eros kay Aidan.
"Sige dad," I smiled on him and hold his hand. Napaka-suwerte ko talaga at siya ang naging daddy ko. Wala naman talaga kaming balak na magpakasal agad sa ninong ni Aidan noong nasa Batanggas kami pero nanigurado lang talaga ang mokong dahil nga halos limang taon pa siya maghihintay kung tutuusin dahil sabi ni daddy sa amin ay papayag lang daw siya na magpakasal kami kapag twenty five years old na ako.
"I miss you anak, kami ng mommy mo." Parang bata na nakanguso pa na sabi ni Eros. Imbes na mag-apply sana ito sa ibang kompanya ay sa kanya na lang ito pumasok at ngayon nga ay tinuturuan niyang magpatakbo ng banana farm nila. "Dapat kase hindi ka pumayag na magpakasal kayo ng Aidan na yon eh."
"Daddy naman, mahal ko po si Aidan tsaka araw-araw pa din naman tayong nagkakasama diba." Sagot ko sa kanya, araw-araw pa din kaming nagkikita sa farm niya pero kapag uwian na ay sa bahay ni Aidan ako umuuwi.
"Kahit na, basta gusto ko kapag weekdays dito ka sa amin ng mommy mo uuwi. Naiintindihan mo?" Ulit uli ni Eros sa anak, mas panatag pa din talaga siya kapag kasama niya itong anak niya dito sa bahay nila.
"Sige po." Sabi ko na lang, I will talk Aidan about this. Daad was right, I should consider staying here again on our house every weekdays.
Aidan and I went on my room upstairs, busy si mommy at mama Angela sa kusina si daddy at papa June naman ay nag-aasaran doon sa garden. Araw ngayon ng linggo at ang dapat na pagbalik ni Aidan sa Manila ngayong hapon ay bukas na lang ng umaga. They will have a family dinner later with their family here on Jacinto mansion.
"I miss my bed!" Sabi ko ng makahiga ako sa aking kama.
"Parang kailan lang dumadaan ako sa bintana pero ngayon sa pintuan na!" Pabirong sabi ni Aidan sa asawa. Sabi na eh, si Miracle talaga ang makakatuluyan niya. At napakasaya niya talaga at wala ng mahihiling pa.
"Sira ka talaga, sana wag yang mamana ng magiging anak natin."
"Ang alin?" Tumabi ng higa si Aidan kay Miracle.
"Yung pag akyat akyat sa bintana ng may bintana tsaka sa may veranda ng may veranda."
Natawa ng malakas si Aidan, "Grabe ka naman binibini, ayaw mo nun hindi lang itsura makukuha ng anak natin sa akin kung hindi pati lakas ng katawan." He still calling her binibini even if they got married already. Mas gusto niya kaseng tawagin ito ng ganoon.
"Bukas ka na ng umaga babalik ng Manila diba?"
"Yes, ihahatid daw ako ni papa. Siguro mga alas singko ng umaga kami aalis bukas."
"Hmmnn, can I stay here during weekdays? Sabi ni daddy dito daw muna ako para may makakasama ako lalo na ngayong buntis ako."
Paalam ko sa kanya."You can Miracle, mas maganda nga na dito ka muna kapag weekdays para hindi din ako mag-aalala sayo. Or sa bahay namin puwede ka din." He smiled on his wife, his papa tito Gov talked to him earlier at ito nga din ang sinabi sa kanya. Syempre nag-oo siya agad dahil mas mapapanatag siya at magulang ni Miracle mismo ang makakasama nito habang wala siya sa San Juaquin.
"Talaga? Dad will be happy if he knew this!" Lumapit ako sa kanya at mabilis na hinalikan ang kanyang mga labi. Ewan ko pero masyadong mabilis ang pangyayari sa aming dalawa ni Aidan simula ng umamin siya sa akin, ng maging kami hanggang sa nawala siya ng ilang buwan at ngayon ngang nakasal kami. And I know to myself that I am lucky to be her wife, Aidan is really husband material. He's very caring, possessive as always and a loving husband to me. At siguro nga nakadagdag din na may mga supportive kaming magulang at bonus na din na kilala na namin ang isa't-isa noon pa.
Samantala magkaharap naman ang ngayon ay magbalae na sina Eros at June sa may garden, umiinom sila ng beer at hinihintay pa nilang dumating ang iba nilang kaibigan.
"Anong ipapangalan ang apo natin sa pangalan mo Hunyo? Eh ang panget panget ng pangalan mo." Sabi ni Eros na naka-isang linya ang mga kilay. Aba hindi siya papayag na June din ang magiging pangalan ng apo nila!
"Anong panget? Ang ganda nga ng magiging pangalan tsaka apilido ng bata eh." Si June na pangisi-ngisi sa harap ng kaibigan sabay tungga ng hawak niyang bote ng beer.
"Tsk, hindi ako papayag diyan no! Kaya tumigil-tigil ka sa pangarap mo na yan." Ani ni Eros.
"Eh ano ang gusto mong maging pangalan aber? Pangalan mo? Eh di mas lalong panget dahil tunog mandurugas ang pangalan mo." Ganti ni Hunyo.
Muntik ng batukan ni Eros ang kaibigan. Gagong to, paano naging tunog mandurugas ang pangalan ko? "Pangalan ko na lang para mas maganda kesa sa pangalan mo, baka imbes kase na pamanahan ko magiging apo natin ay hindi na lang dahil Hunyo din ang pangalan." Inis niyang sabi, parang mas lumala pa yata talaga ang pag-aasaran nilang dalawa simula ng makasal ang mga anak nila. Well, he's now my balae so I don't have a choice!
BINABASA MO ANG
The Governor's Daughter [PUBLISHED UNDER PSICOM]
RomanceMiracle Jacinto and Aidan Dela Vega story🖤 Last chapter from the book 01 and book 02 is not included on this stories for safety purposes (sa mga nagsosoft copy) Nagpalit ako ng bookcover at pinag-isa na lang sila.