"I can't still believed until now, gisingin mo nga ako baby baka nananaginip ako." Ani ni Eros sa asawa pagkaupo sa kanilang dining area isang umaga.
"You're not dreaming Eros, magiging lolo ka na talaga." Natatawang sabi ni Sienna matapos ibigay ang tinimplang kape para dito.
"Baby naman eh!" Parang bata na nagmamaktol na tawag ni Eros sa pangalan ng asawa. "Sure na ba talagang buntis talaga si Miracle? Baka pina-prank niya lang tayo."
"Ay naku dad, anong prank ang sinasabi niyo? Ilang araw na ang nakalipas noong sinabi nila Ate Miracle at Kuya Aidan na magkakaanak nga sila tapos hanggang ngayon hindi niyo pa din tanggap at ayaw niyo pa din maniwala." Sabat naman ng bunso nilang si Nicollo na kakapasok lang sa hapag-kainan.
"Your baby will having her own baby Eros, Miracle will be a mom soon so you better accept it na magiging lolo ka na." Muling sabi ni Sienna, alam niyang hindi pa natatanggap ng asawa ang biglaang pagpapakasal ni Miracle at Aidan noong nagpaalam ang mga ito na pupuntang Batanggas tapos ilang buwan ang nakalipas ay heto naman, buntis ito. They talked about their daughter and Aidan to have a church wedding, lalo pa at wala naman silang mag-asawa noong kinasal ang mga ito pero baka maudlot muna ang plano na yon hanggang sa makapanganak si Miracle.
"No one can call me lolo baby, ang bata bata ko para maging lolo." Muling sabi ni Eros na para bang puno ng hinanakit ang boses. He's already fifty five years old now, yet he can't still accept the fact that he will be a grandfather at this age.
"Ano bang gusto mong maging tawag ng magiging pamangkin ko dad sayo? Granny? Lolo Eros? Or grandpa?" Si Nicollo na nagpipigil ng tawa dahil sa asta ng ama niya ngayon. Ganito din ito kagabi habang nag-hahapunan sila.
Sinamaan ng tingin ni Eros ang bunso, "Wala kang allowance this week Nicollo." Inis na sabi niya.
"Dad! Mommy oh!" Mabilis na sabi ni Nicollo sa ina pero nagkibit balikat lang ito sa kanya.
It was a Thursday afternoon when Eros went to Oscar restaurant, wala si Miracle sa banana farm nila dahil nagpa-prenatal check up ito kasama ng asawa niyang si Sienna at ng kanyang balae na si Angela. Doon siya agad tumungo sa favorite spot nila, at naroon na nga si Gerald at maging si Micheal na mukhang kakasimula lang mag-inom.
"Balita? Magiging lolo na pala kayo ni Hunyo ah, congrats pare!" Bati ni Gerald sa matalik na kaibigan.
"Tsk, I can't still believed it until now. Ang bata ko pa para maging lolo." Reklamo agad ni Eros, kung ang asawa niya ay excited siya naman ay kabaliktaran dahil natatakot siya oras na manganak si Miracle lalo pa at naaalala niya pa din ang nangyaring hirap noong si Sienna ang manganak. Paano na lang kung mangyari din ito sa anak nila? Hindi niya maiaalis talaga ang mag-alala.
"Wala ka ng magagawa niyan pare, buntis na eh." Si Micheal na inabutan ng malamig na beer ang kaibigan na agad naman nitong tinungga.
"Mukhang kapalaran ko na yata talagang maging balae ang Dela vega na yon." sabi na naman ni Eros, simula't-sapul pa naman hindi na talaga sila magkasundong dalawa. Para silang aso't-pusa na hindi puwedeng pagsamahin.
Nagtawanan naman sina Oscar, Micheal at Gerald sa sinabi ni Eros.
"Makapagsalita ka naman parang hindi mo nahingan ng dalawang condominium building si June." Si Gerald na nasa harapan niya.
"Oo nga, iba ka talaga hanggang ngayon ba naman pinapairal mo pa din ang pagiging mandurugas mo." Sabi ni Micheal.
"Anong kadugasan don? Naningil lang naman ako, tsaka hello buhay ni Aidan ang pinag-uusapan dito no! I helped his son so he better pay me as well." Paliwanag pa ni Eros, para ngang lugi pa siya sa dalawang building na yon lalo pa at magkakaanak na ang mga anak nila. At natural hindi Jacinto ang magiging apilido ng bata kung hindi Dela vega dahil kasal na sina Miracle at Aidan at isa pa talaga yon sa sinisintir niya.
"Tapos kuwento pa ni June iba pa yung dalawang condominium sa seventy million na siningil mo." Sabi ni Gerald.
"Aba, alang naman akuin ko yung mga nagastos ng maoperahan si Aidan noong nasa Amerika kami. Tsaka nakalista talaga yon no! Kaya hindi ako malulusutan ni June." Ani ni Eros.
"Dapat niyan maexcite ka kase sa tinagal-tagal ng panahon magkakaroon na ulit ng baby sa pamilya niyo." Sabi naman ni Oscar na ang tinutukoy ay ang pagbubuntis ni Miracle.
"Tsk, sabihin mo sa akin yan kapag naging lolo ka din ng biglaan." Nakasimangot na sabi ni Eros kay Oscar, "Baka nga din ito pang si Gerald ang maging balae mo dahil kay Sky at sa anak mong si Adira eh."
Oscar just stared on Gerald, alam naman nilang pareho ang tungkol sa mga anak nila. Na nililigawan ni Sky ang anak niyang si Adira. "Wag mo na kaming isali ni Gerald Eros, malayo pa kami doon tsaka yung sa inyo ni Hunyo ang pinag-uusapan natin."
"Ay naku buti na lang talaga at wala ang gagong yo--" hindi natuloy ni Eros ang sasabihin ng mapag-sino ang dumating. "Oh bakit nandito ka na naman? Di ka naman invited." Sabi niya ng dumating ang kanyang mortal enemy na walang iba kung hindi si Hunyo.
"Loves na loves kase kita pare, ganito dapat ang magbalae diba? Laging magkasama." Nakangising sabi ni Hunyo at tinabihan pa si Eros.
"Gago!" Asik ni Eros at binatukan ang kakaupo lang na kaibigan.
"Mapanakit ka talaga ano? Dapat maging huwarang lolo tayo kapag nanganak na si Miracle." Kakamot-kamot sa ulo na sabi ni June.
"Matagal na akong huwaran Hunyo, ewan ko na lang sayo." Sabi ni Eros.
"Tumigil na nga kayong dalawa, ang tatanda niyo na hindi pa din kayo nagkakasundo." Saway ni Micheal.
"Hindi pa ako matanda no!" Sabay na sagot nina Eros at June.
BINABASA MO ANG
The Governor's Daughter [PUBLISHED UNDER PSICOM]
RomanceMiracle Jacinto and Aidan Dela Vega story🖤 Last chapter from the book 01 and book 02 is not included on this stories for safety purposes (sa mga nagsosoft copy) Nagpalit ako ng bookcover at pinag-isa na lang sila.