Isa, dalawa hanggang sa umabot ng tatlong suntok ang ginawad ni June kay Eros. Walang nagawa si Angela kahit pinipigilan pa siya nito at maski ang nurse na naroon sa loob ng kuwarto ay hindi din siya napigilan ng suntukin niya ang kaibigan.
"Tangina Eros alam mong mabaliw-baliw na kaming mag-asawa sa paghahanap sa anak namin tapos heto alam mo naman pala kung nasaan siya!" Galit na sabi ni June, hawak na ni Angela ang kanang kamay niya pero parang gusto niya pang bugbugin ang hinayupak!
Nalasahan ni Eros ang dugo sa kanyang mga labi, tiningnan niya si Aidan na nakasandal sa kama at nakatingin sa kanya, bakas sa mukha nito ang pag-aalala at paghingi ng paumanhin sa ginawa ng papa nitong si June. "Makinig ka muna Hunyo, hindi ko naman ito ginus--"
"Putangina! Wag ka ng magdahilan Eros at baka magkasolian lang tayo ng kandila!" Sabi na naman ni June.
"Daldal ka ng daldal pero hindi mo pa alam ang nangyari!" Sabi naman ni Eros, ang akala niya matutuwa ang gago na nakita na nito si Aidan pero heto at sinuntok pa talaga siya!
"Wala ka ng dapat ipaliwanag pa dahil malinaw sa akin na nang-gago ka kaya bago pa kita ulit masuntok at mandilim ang paningin ko sayo umalis ka na dito." May diin na sabi ni June.
Napangisi si Eros sa kaibigan, "Magkakasolian talaga tayo ng kandila Dela vega at sinasabi ko sayo ngayon pa lang nasa akin ang huling halakhak." Yon lang at lumabas na si Eros sa kuwarto kung nasaan sila. Hahayaan niya muna ang mga ito ngayon dahil sigurado lalapit at lalapit sa kanya si June Dela vega pag nalaman na nito ang totoo at hinding-hindi niya ito patatawarin agad sa ginawa sa kanya at sisiguraduhin niyang makakaganti siya sa walanghiya!
Matapos umalis ni Eros ay agad nilapitan ng mag-asawa na sina June at Angela ang kanilang anak, pumayat ito at naka-suwera pa kaya naman pareho silang binalot ng kaba at pag-aalala kung ano ba talagang nangyari dito.
"Kamusta ka na? Hinanap ka namin Aidan kung alam mo lang." Nag-aalalang sabi ni June sa anak.
Hinawakan naman ni Angela ang pisngi ni Aidan, "Ano bang nangyari sayo ha? Bigla ka na lang nawala at hindi ka na namin makontak at ng magpunta kami sa trabaho mo tsaka lang namin nalaman na nag-leave ka pala."
"T-tito Gov helped me ma," Mahinang sabi ni Aidan, kanina pa siya nagising at napuntahan na din siya ng doktor kanina para matingnan. Sinabihan niya ang nurse na bantay sa kanya na ang Tito Gov niya muna ang tawagan para malaman nitong gising na siya. "Pa hindi mo dapat sinuntok si Tito Gov." He's worried, alam niya kung paano magalit ang Tito Gov niya at siguradong maghahalo talaga ang balat sa tinalupan at huwag naman sana, huwag naman sana silang madamay ni Miracle.
"He deserved it, kasalanan niya yon kaya bahala siya." Sabi pa ni June, naalala niya na isa ito sa nilapitan niya para tulungan siyang hanapin ang anak pero yon pala pinaikot-ikot lang siya ni Jacinto! "So tell us anak ano bang nangyari sayo at bakit nandito ka?"
Sa mahinang pagsasalita ni Aidan ay naipaliwanag din niya ang totoong dahilan kung bakit siya biglang nawala. Maging ang nurse na naroon ay nagpaliwanag na din kina June at Angela.
"See? Hindi ka na nahiya kay Boss Mayor Hunyo! Tinulungan niya pala ang anak natin tapos anong ginawa mo? Pinagsusuntok mo pa!" Galit na sabi ni Angela sa asawa, naalala niya na si Eros din dati ang tumulong sa kanya noong kailangang maoperahan si Leon ng bata pa ito. Hindi pa alam ni June noon na tinuloy niya ang pinagbubuntis niya at kambal nga ang naging anak nila. May butas ang puso ng anak niyang si Leon noon at kailangan nitong maoperahan, and she need a big amount of money at wala na talaga siyang ibang maisip na puwedeng malapitan kaya kahit halos walong taon siyang nawala sa San Juaquin ay kay Eros pa din siya muling lumapit. Hindi naman ito tumanggi sa kanya at sa halip ay tinulungan pa siya nitong madala at maoperahan ang anak nilang si Leon sa isang pribadong ospital sa Maynila.
"Hindi ko nga alam malay ko ba na ganito pala ang nangyari." Pagdadahilan pa ni June pero sa loob niya ay alam niyang kasalanan niya ngang hindi pinakinggan muna si Eros kanina.
"Kase nga inuna mo yang galit mo! At alam mo kung paano magalit si Boss Mayor June!" Dagdag pa ni Angela.
Napaupo na lang si Hunyo sa bakanteng upuan, kakausapin niya na lang si Eros bukas.
San Juaquin..
Miracle was awake because of her alarm clock on her bed side table. Inaantok niyang pinatay ito at tsaka inabot ang telepono na naroon din. Pero bigla siyang napabalikwas mula sa pagkakahiga ng makatanggap ng isang text message na hindi niya inaasahan!
Binibini I miss you!
Oh my god, oh my god! Hindi naman siguro ako nananaginip ano? Totoo ito? Totoo ito? I start to type reply message to Aidan. Aidan? What happen to you? Bakit bigla kang nawala? Can I call? Naghintay muna ako ng ilang minuto at ito na nga nagreply siya agad-agad!
Just went somewhere binibini, but don't worry I'm okay. Tangina I miss you so much! I'll visit you soon, I love you.
Yon ang reply ni Aidan sa akin at parang gusto ko magtatalon sa kama dahil dito, he's back! Aidan is back finally! And I can't wait to see him and hug him!
Ilang sandali pa at naghilamos na si Miracle para bumaba, alas syete na ng umaga kaya naman oras na ng almusal nila at kinatok na siya ng isa sa kanilang kasambahay para bumaba na.
What if pumunta ako kila Tita Angela? Tama! Baka nandito na si Aidan sa San Juaquin at makikita ko na siya. Pupuntahan ko siya sa kanila ngayong umaga!But my excitement fade when I saw my father downstairs sitting on the dining area. Si mommy lang ang nandoon at wala pa si Nicollo. "D-dad? Anong nangyari sayo?" I'm became worried when I saw him, may hawak itong ice pack at nakalagay sa may panga niya. May pasa din ito sa mukha at parang pumutok pa ang labi. Tiningnan ko din si mommy pero sinenyasan lang ako nito na si daddy ang tanungin ko.
"Hunyo did this to me Miracle at mamaya pagkatapos nating mag-almusal ay mag-uusap tayong dalawa tungkol sa inyo ni Aidan, naiintindihan mo?" Seryosong sabi ni Eros sa anak. Kinuwento na niya ng buo kay Sienna kanina ang nangyari mula sa simul at sa totoo lang hindi pa nga siya nakakatulog simula ng dumating siya dahil nag-iisip na siya kung paano makakaganti kay June. For real? Si Eros Jacinto sinuntok lang ng ganon nang Dela vega na yon? No way in hell na hindi siya makakaganti!
Para naman akong nanlambot sa sinabi ni daddy, alam niya na ba ang tungkol sa amin ni Aidan? Bakit siya sinuntok ni Tito June? At ano ba talagang nangyari? Geezzz mukhang hindi pa ako nito makakalabas ng bahay!
BINABASA MO ANG
The Governor's Daughter [PUBLISHED UNDER PSICOM]
RomanceMiracle Jacinto and Aidan Dela Vega story🖤 Last chapter from the book 01 and book 02 is not included on this stories for safety purposes (sa mga nagsosoft copy) Nagpalit ako ng bookcover at pinag-isa na lang sila.