siklabo - dalawampu't dalawa

105 6 0
                                        

PABLO'S POV

"Oh? Kanina ka pa d'yan?" Tanong ko kay Celeste na naka-upo sa Labas ng Restaurant na pinag-tatrabahuhan niya. Umiling naman siya kaagad bago yumakap sa balikat ko

"Hindi, Tara na?" Ana niya, Tumungo naman ako bago siya alalayan papasok sa kotse ko.

"Sa'n mo gusto?" Tanong ko, Habang nag-s'seat belt, I have a lot of Places na pwedeng pagdalhan sakanya pero gusto kong sya muna ang pumili ng lugar ngayon.

"Ahh, Gusto mo sa Coffee shop nalang?" Tanong niya, Luh? Gabi na 'e.

"Magkakape ka ganitong Oras?" Tanong ko.

"Ikaw? Kung gusto mo, Ikaw naman mag-d'drive 'e" ana niya, tinatanong ko lang naman.

"Bakit ka nagkakape ng ganitong oras?" Tanong ko bago sinimulan paandarin ang makina ng sasakyan.

"Gusto kong magkape, Sa Umaga kasi Byahe ko papuntang Mindoro, Gusto ko lang magtulog sa Byahe" ana niya. I hold her hands habang ang isang kamay naman ay nasa manibela

"May bukas pa bang Coffee shop ngayon?" Tanong ko sakanya

"So Brewed Cafe" Maikling sagot niya.

Habang nasa Biyahe ay wala siyang imik na para bang may Dinadamdam, Mukhang nalulungkot sa biglaang pagkawala ng tatay niya. Hindi ko sya masisisi, But i want to make her feel better.

Naisipan kong buksan ang radio ng sasakyan at magpatugtog tutal naman parehas naming gusto ang musika.

“I couldn't really justify, How you even thought it could be right. Cause everything we cherished is gone.” Bungad saamin ng Kanta sa Radio

Napatingin naman siya saakin noong nagsimulang tumugtog ang musika, Samantalang napangiti ako noong narinig ang kasalukuyang kanta. It's Leaves by Ben & Ben. I really Like this song

“And in the end, can you tell me if It was worth the try, so I can decide” Sinubukan kong sumabay sa kanta, Napangiti naman siya.

“Leaves will soon grow from the bareness of trees And all will be alright in time” Sumasabay parin ako, Pero tumingin ako sakanya na naging dahilan ng pagngiti niya

“From waves overgrown come the calmest of seas And all will be alright in time” Pagtuloy ng kanta sa Radio, Iniintay ko na siya naman yung kumanta 'e, Kaya tumitingin ako sakanya

“Oh you never really love someone until you learn to forgive” Napatingin ako sakanya noong siya naman iyong sumabay.

Magkaboses sila...

Sandali, Yung boses niya—Siya ba si Melody? T-teka? Sya si Melody?!

-

Hininto ko ang sasakyan ko sa tapat ng Café, Bukas naman ito 24/7. Pero yung kanina, Hindi ko parin makalimutan.

Hindi ko na sya tinanong kung sya ba si Melody, Baka mag-freak out, Pero Sigurado akong narinig ko yung boses ni Melody sakanya.

Pumasok kami sa Café, Madaming Tao pero Hindi naman punuan, Isa pa Umuulan din, kaya Masarap nga dito.

Hindi sya punuan na siksikan pero halos wala nang bakanteng upuan, Habang naghahanap ng upuan ay may nahagip ang mata ko na pamilyar na mukha.

Dahil nga nahagip lang ng Mata ko, Tinignan ko uli siya. Bago ko maramdaman ang pagtulo ng mga luha sa'king mga mata.

Wearing Glasses habang naka messy bun.

"Wala akong makitang bakanteng upuan 'e" Ana ni Celeste bago ako namulat sa realidad, at napansing Andami ko na palang naitulong luha sa pagtitig lamang sakanya

"Teka si Reece ba 'yon? Do you still remember her? Yung pumalit sakin as Vice President! Tara lapitan natin, Maki-upo tayo" Ana muli ni Celeste bago ako hilahin. Yes, Celeste, I'll never forget her

"Hi Reece! Do you still remember me?" Ana ni Celeste Napatingin naman si Reece sakanya bago ngumiti at tumingin na rin sa akin kaya eto naman akong napaiwas ng tingin.

"Do you mind if we—"

"Sure, No Problem" Ana niya kaagad bago muling tumutok sa Laptop niya.

"Maupo kana, Pau. Mag-oorder lang ako—"

"Hindi na, Ako na 'yung mag-oorder" Ana ko bago umalis na sa harapan ni Reece. Hindi ko na kasi kaya

Sa tuwing nakikita ko sya, Bumabalik sakin lahat. Lahat ng mga kagaguhang ginawa ko sakanya, Pinag-sisisihan ko naman lahat pero bakit ang sakit parin tuwing nakikita ko sya? Bakit nag'guilty parin ako

Tapos ngayon, Makikita nya ko kasama yung bestfriend nya?

Akala ko ba gusto ko syang mabawi?

Nag-order na ko at habang iniintay ko ang kapeng inorder ko kay Celeste, Hindi ko maiwasang mapatingin sakanila.

Si Celeste todo daldal samantalang hindi ito pinapansin ni Reece, Siguro hanggang ngayon may galit parin si Reece sakanya.

Matalik kasi silang magkaibigan simula first year highschool, Halos hindi mo na mapaghiwalay 'yan. Tsaka, Laging sumasama si Celeste samin sa mga dates namin ni Reece, Alam naman namin na may Boyfriend sj Celeste pero di namin kilala. Siguro si Josh 'yon.

Ang Huling balita ko nalang ay nag-away sila, Naging Cold ang pakikitungo ni Reece sakanya. Halos hindi nya kausapin everytime na ina-approach sya ni Celeste.

Hindi ko alam ang dahilan kung bakit sila nag-away pero everytime na nakikita ko si Reece na malayo sa Reece na nakilala ko noon, Nasasaktan ako. Naranasan ko 'yon, When Reece became cold to me, Hahanap nahapin mo talaga yung dating Reece na nakilala mo.

Inilalag ko 'yung tray sa lamesa, Kinuha naman ni Celeste ang kapeng nandoon.

Hindi nalang ako umimik, kinakausap parin ni Celeste ngayon si Reece, Pero hindi ko marinig yung sinasabi nya kahit magkalapit lang kami, Ang tanging naririnig ko ay ang sigaw at iyak ni Reece noong araw na nag-away kami. Tumatakbo parin sa utak ko yung mga salitang sinabi niya saakin. Nadidistract ako.

"Lagi ka bang nandito? Hindi naman kasi kita nakikita dito" Ana ni Celeste.

"Oo, Tuwing gabi lang" Malamig na ana ni Reece, Her voice—I miss her voice.

"Ahh mga ganitong oras? Kaya pala, Bakit naman? Bakit gabi ka pumupunta?" Tanong ni Celeste ngunit hindi na nagsalita si Reece.

Tumingin naman siya sakin na bakatulala lang at nakayuko.

"Teka, Pau, Hindi ba kayo mag-uusap? 'di ba.." Tumingin ako sakanya at umiling na huwag na niyang ituloy ang sinasabi niya.

Napatingin naman si Reece saamin at parang wala lang na bumalik ang tingin sa ginagawa niya. Nakaramdam ako ng sakit sa dibdib ko, She's so cold. Hinahanap hanap ko yung presensya nya, Yung dating sya.

"Kumusta kayo? Hindi ko alam na kayo na pala" Ana ni Reece, muli akong nakaramdam ng Kirot sa dibdib ko, I was about to say no pero naunahan akong magsalita ni Celeste

"Ahh Oo, First week palang" Ana ni Celeste, Napakunot naman akong noo dahil hindi naman kami. Magsasalita na sana uli ako para itanggi iyon. Pero si Reece na ang nag-salita.

"Congrats"

TO BE CONTINUED. . .

✦ SIKLABO┋SB19 PABLO【✓】Where stories live. Discover now