siklabo - animnapu't tatlo

62 8 0
                                        

PABLO'S POV

Iminulat ko ang mga mata ko, at sa oras na iyon ay ramdam ko ang pangangalay sa kanang braso ko.

Napailing naman ako nang makita si Reece, Natutulog pa at nakayakap saakin.

déjà vu.

Parang katulad ng nangyari kahapon, Nagising din ako na katabi sya at nakaunan sya sa Kanang braso ko. Pero ibahin mo ngayon. Hindi na sya gigising na may hiya at takot na kausapin ako.

Ipinilupot ko ang kaliwang braso ko sa beywang niya at hinila pa sya papalapit saakin para yakapin siya. Ramdam ko naman na naging dahilan ito ng pag-kagising niya.

"Anong Oras na?" She asked.

"Anong Oras agad? Walang Good Morning, Love?" Pang-aasar ko, Napangiti naman siya.

"Wala—Mag-bihis ka nga, Ang Bastos mo" Ana niya, Napatawa naman ako bago higpitan ang pagkakayakap ko sakanya.

"Ikaw pa lang nakakakita sa abs ko, Kahit sila Stell hindi ko pinapakita sakanila. Kaya Ituring mo 'to bilang Karangalan" I said, Napatawa naman siya bago ihampas ng mahina saakin ang Unan

"May lakad ka ba Bukas?" I asked, Umiling naman siya bago tumayo sa pagkakahiga.

"May Trabaho pa ko bukas. Wala akong Oras sa mga lakad" Ana niya, I hug her from behind.

"Wala kang oras sa Lakad? Eh Run? Meron?" Pang-aasar ko, Napasimagot naman siya. Mukhang napipikon na.

"Kahit kailan ka talaga, 'no?" Ana niya, Napatawa naman ako.

"Pansin ko ubos na Grocery mo, Gusto mo Grocery tayo? Ubos na rin sakin" Ana ko, Tumango naman uli siya.

"Anong Gusto mong Breakfast?" She asked..

"Umm.."

"Scrambled Eggs?" Patanong na ana niya, Hoy Namiss ko yung Scrambled eggs nya.

"Sige po, Please" Ana ko habang nagmamakaawa sakanya na ipagluto ako ng scrambled eggs.

Napangiti naman siya.

Ang ganda ng araw ko ngayon. Kahit kahapon medyo may away pa kami, Worth it naman lahat.

Noong na-clear na yung mga pangyayari kahapon, Para bang nabunutan ako ng tinik sa Lalamunan.

Hindi ko maitago ang ngiti ko sa labi ko, Kinuha ko ang Cellphone ko at Nagbukas ng R.P

Chinat ko si Robvette, Iyong babaeng Lagi kong nakakaupsa sa Role Play World. For sure matutuwa 'yon.

I told her na nagkabati na kami ng tangi ko.

Inilapag ko ang Cellphone ko sa Lamesa pagkatapos nito. Lalabas na sana ako pero tumunog naman ang Cellphone ni Reece.

Napatingin ako sa Cellphone ni Reece na nasa Ibabaw ng Lamesa. Umilaw ito pagkatapos tumunog.

Tinignan ko kung sino ito, Baka kasi Importante sa Trabaho nya o ano. Pero nagulat ako sa nakita ko.

Nanlaki ang mga mata ko, Hindi ko alam kung anong Mararamdaman ko. Excitement ba o Hiya o takot.

NOTIFICATION:
LITE: Pablo D'mkmvon Sent you a Message

Ibig sabihin yung Kausap ko sa R.P na pinaglalabasan ko ng sama ng loob ay si Reece?!

TO BE CONTINUED. . .

-
AUTHOR'S NOTE

Hii, Sorry if Short (Lame) Update lang 'to. Bawi ako next chapter, Lovelots!

✦ SIKLABO┋SB19 PABLO【✓】Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon