siklabo - apatnapu't anim

76 5 0
                                        

PABLO'S POV
[PRESENT]

It's funny, Dahil doon nagawa ko ang Love Goes. Noong na-release namin 'yon last 2020, Umaasa ako na baka mapakinggan n'ya 'yon.

Masakit lalo na sa Part na "So won't you take me with you. 'Cause I don't know what to do. You're the one I love. The only one, I'll never say goodbye"

Alam nya na halos magmakaawa ako sakanya na huwag nang umalis o Isama nalang ako sa pupuntahan nya.

Hindi ako mapakali noong dumating na ang Araw na aalis na s'ya, our 3rd Anniversary umalis sya ng hindi ako kinakausap. Humabol pa ako sa Airport no'n. Nakita ko sya pero hindi na ko tumuloy para pigilan sya.

She's with Sam. She's happy na para bang Hindi nangyari 'yung Kami. Para bang Hindi naging kami. Para bang Hindi kami nag-away. Para bang hindi nya ko nakilala o para bang hindi ako dumating sa buhay nya.

Ramdam ko ang sinag ng araw na tumatama sa Mukha ko kasama ang luha na umaagos sa Pisngi ko.

Kay Gandang Panaginip. Ang Ganda putangina, Binalik ako sa Nakaraan. Pati yung sakit bumalik din saakin.

Nairita na ko dahil nasisilaw ako sa Liwanag dumagdag pa ang Sakit sa Ulo ko. Pucha, Hang-over.

Sa t'wing iinom ako lagi kong napapanaginipan yung mga nangayri 10 years ago. Kaya kinabukasan basang basa ng mga luha ko ang unan ko

Pero ngayon iba, Dahil hindi naman ako sanay na nagigising sa Sinag ng araw. Lagi naman kasing nakasarado yung kurtina sa Kwarto ko.

Kahit hirap ay pinilit kong imulat ang mga mata ko, Gusto ko pa kasing matulog 'e.

Dahil nga wala pang lakas ang katawan ko ay nahulog ako sa kama ko at gumapang nalang papunta sa bintana para isa ang kurtina.

Tinanggal ko ang mga muta ko sa magkabilang mata gamit ang kaliwang kamay ko habang ang kanang kamay ay kinakapa ang cellphone ko sa lamesa.

Asan ba 'yon?

Napatayo ako at tinignan kung nasa lamesa nga ba talaga ang cellphone ko pero wala kaya naisipan kong lumabas ng kwarto.

Wala naman akong kasama dito sa Condo ko, Si Justin katapat ng Condo ko tas katabi ko naman si Ken. Iyon lang. Siguro si Ken nag-uwi sakin kagabi. Shocks ang sakit ng ulo ko.

Dumiretso ako sa Sala at doon ko nakita ang Cellphone ko. Agad kong tinignan ang oras. Alas-singko ng umaga palang. Anong oras ba ko nakauwi? Feeling ko minuto palang akong natutulog.

Gusto ko pa sanang bumalik sa pagkakatulog nang kumulo ang tyan ko. Iniisip ko kung mag-oorder nalang ako ng kanin tas ulam kasi Noodles lang at pancit canton ang nandyan. Pero Sabi sakin noon bawal kumain ng Noodles o Pancit kanton kapag uminom ka.

It makes no sense, Pero sinusunod ko parin hanggang ngayon.

Kung mag-oorder ako matagal, kung mag-sasaing ako matagal din. Magluluto na nga lang ako ng kung anong pagkain dyan. Wala namang mawawala.

Pagkapunta ko sa Kusina ay bumingad saakin ang pagkain na may takip sa lamesa. Tinignan ko ang pagkain na nakatakip sa lamesa. Sabaw na may miswa at itlog. Mainit pa, mukhang kaluluto lang. Binuksan ko ang Rice cooker, Mukhang may nag-saing dahil mainit pa ang kanin.

Imposibleng si Justin kasi Lasing 'yon. Imposible ring si Josh kasi masama ugali no'n, Binuburaot ako no'n tas ipagluluto ako? Himala kung ganun.

Siguro si Stell o si Ken.

Kumuha ako ng plato at nagsandok na. Binuksan ko ang Ref para kumuha ng tubig. Natigilan ako noong nakita ko ang Orange Juice na nakalagay sa Ref.

Teka, Mainit na Kanin, Sabaw na may Miswa at Itlog, tapos Orange Juice? Ito madalas ang Hinahanda saakin ni Reece sa tuwing may Hang-over ako.

TO BE CONTINUED. . .

✦ SIKLABO┋SB19 PABLO【✓】Where stories live. Discover now