siklabo - dalawampu't anim

98 6 0
                                        

PABLO'S POV

"Omg, Nandito na sila!" Sigaw ng isang Babae kaya humakot ito ng atensyon na naging dahilan ng pagtingin nila sa pintuan.

Para kami Mga Campus Crush na pinagtitinginan. Ehe.

Hinanap namin ang Pwesto ng Section namin, Nakapwesto iyon sa Gilid Malapit sa Stage. Nagdirediretso si Josh at Ken papunta sa Table ng Dance Troupe, samantalang si Justin naman ay dumiretso sa Table ng Art Club.

Medyo malayo ang Table namin nasa Music Club sa Table nung Tatlo. Okay lang at kasama ko naman si Stell, Tsaka si Celeste

Change Plans, Mamayang Alas-Otso ang Biyahe nya, Nadelayed sila dahil sa Bagyo. Umuulan sa labas dahil nga may bagyo pero Malakas kasi ang tama sa Lugar kasi nila kaya Nadelayed yung biyahe.

Noong nakita namin si Celeste kumaway ito saamin. Kaya nagtungo na kami doon, Pinilit kong hindi tumingin sakanya Specially noong Nakita kong katabi niya si Reece.

"Blooming ka, Celeste ngayon ah" Pag-bati ni Stell bago naupo katabi ni Kien, Isa sa Vocalist ng Banda

I saw Reece na nakikipag-usap kay Shai—what the fuck, Shaii! Hindi ko natatandaang kaklase ko sya—Right, Hindi ko natatandaan kasi di ko naman talaga sya naging kaklase.

Tsaka alam ko, Nag-aaral pa sya noong nanligaw si Ken sakanya years ago. Paano nangyari 'yon?

"Bespal, Anong ginagawa mo rito?" Tanong ni Stell na nagtataka rin

"Luh? Binibisita lang si Reece lonely kasi" Ana ni Shaii. Bakit naman? Ka-batch ba namin sya?

"Ka-batch ka namin?" Tanong ko

"Ata? Siguro? Baka siguro grand reunion 'to at lahat ng batch nandito? Kaya siguro ako nandito?"

"Diba Nag-aaral ka pa nung nanligaw si Ken?" Tanong ko uli

"Oo, Nag-stop ako sa pag-aaral ng dalawang taon. Nung nag-stop ako ata nakapasok si Ken sa Dance Troupe kaya di kami nag-abot" Ana ni Shaii before holding Reece's Hands.

"Oh, Ano nagkita na kayo ng bebe mo?" Tanong ni Stell, yumuko naman si Shaii.

Speaking of Shaii, Hindi ba't sya yung nakasama nila Autumn at Melody sa Live? Right, sya yung kasama. Maybe she's the answer.

Pucha, gustong gusto kong pumunta kay Ken para humingi ng tulong nya. Siguro may oras para rito.

Ilang minuto pa ay nagsimula na ang program. May mga palaro, May mga Rumampa, May nagcelebrate ng mga narating nila, may mga nag-throwback.

Isa sa nangyari ay ang paghuhukay nila sa time capsule. Isang malaking box ang Inilibing noong 2010, Sa loob noon ay ang Dose pa na Box na pagmamay-ari ng Dose na Class.

Class C kami, Section 1/2. Hindi ganun kataas pero wala nang pake. Masaya rin naman naging Highschool life namin.

Isa isang tinawag ang mag Section. Una ang Class F. Hanggang sa naglabas na dalawang box, Para sa Class C Section 1 at Section 2. Unang binuksan ang Section 2 bago yung saamin.

Hindi ko na naman talaga tanda yung nilagay ko, Pero hindi pwedeng malaki since maliit lang yung box, siguro Sulat lang to future self.

✦ SIKLABO┋SB19 PABLO【✓】Où les histoires vivent. Découvrez maintenant