siklabo - animnapu't dalawa

76 8 0
                                        

PABLO'S POV

Kumatok ako sa Pinto bago ayusin ang sarili ko. Dala-dala ang isang Paper Bag. Nandito ako sa Harapan ng Condo ni Reece. Nag-away kami. Ewan ko, Imbis na pabayaan nalang, Kusang Tumayo yung mga paa ko at nagpunta sa 7/11 sa baba para bumili ng makakain nya. Bumili narin ako ng pads.

Moody sya, Nag-crave rin sya ng chocolate kanina. Noong nag-cr ako sakanila nakita ko rin yung napkin sa basurahan kaya I assume na meron sya ngayon.

I know her very well, Kapag galit sya, Hindi nya ako kinakausap. O kahit mga kaibigan nya kasi ayaw nyang mag-bitaw ng masakit na salita. Siguro hindi ko nalang sana sya lalo pang-inasar. Kaya siguro lalong nagalit sakin.

Pero yung mga binitawan nyang salita.

Hindi naman ako nasasaktan sa mga salita n'ya. Nasasakatan ako dahil she sounded jealous. Probably Jealous to Celeste. At ayoko no'n. Ayokong mag-selos sya.

Everytime na nag-seselos sya, Ang baba ng tingin nya sa sarili nya. I badly want to tell her that she's better than Celeste. That She's Better than Anyone else.

I wasn't expecting na magbubukas ang pinto. Sabi nya aalis sya pero nandito pa sya at pinag-buksan ako ng pinto.

She rolled her eyes bago nag-tangkang isarado ang pinto pero mahina ko itong tinulak para hindi niya maisara.

"Akala ko, Aalis ka?" I asked, Napangisi pa nga ako.

"Umalis kana, Hinahanap kana nya siguro—" I cut her off bago ko siya yakapin. Hinigpitan ko ang yakap ko noong naramdaman ko ang pag-patak ng mga luha ko.

Ayoko talagang nag-seselos sya.

"Dito muna ako, Natatakot ako sa Condo ko, May Daga" Pag-bibirong ana ko hoping na matatawa siya.

"Doon ka sa Condo nya" Malamig na ana niya. Lalo akong nasasaktan.

"Bumili ako ng Snacks and also pads na rin. Masakit ba puson mo?" I asked. Napaiwas lang siya ng tingin.

"We're not together. Maniwala ka man o hindi, That's the Truth, Reece. Can you listen for me once? Pag-bigyan mo ko, Kahit ngayon lang" Ana ko. Yumuko siya, Bago isara ang pinto tsaka umupo sa sofa.

"You want Coffee? Tea?" She asked.

"You have Beer?"

I told her everything. Yung mga Naka-Date kong babae pagkatapos nya na hindi nag-work kasi sya lang yung hinahanap hanap ko.

Sinabi ko rin na Sinusubukan kong Mahalin si Celeste. Slowly, Napapamahal na ako sakanya pero dumating uli si Reece. Nawala lahat ng iyon, Umasa uli ako na makakasama ko uli sya.

"Natatakot lang akong mag-pakita uli sayo. Ramdam ko yung galit mo nung nagkita uli tayo. Besides narinig ko kayo ni Autumn nung Reunion. She mentioned her Brother. Ine-expect ko na kayo na" I said bago lagukin ang isang lata ng alak.

"I feel bad for him" Ana niya, Napatingin naman ako uli sakanya na nag-bukas ng panibagong lata ng Beer.

Nakakailan na kami.

"He tried so hard. Ginawa nya lahat para i-comfort ako nung nag-away tayo. Lagi syang nandyan, Pinapatawa ako, Tinutulungan ako, Trinatrato ako ng mabuti. I kinda get the point why you're jealous of him" She said.

"Alam ko naman 'yon. You deserve someone like him—" She cut me off.

"Pero tangina. Kahit ilang beses kong Piliting mahalin s'ya, Hindi ko magawa. Buti ka pa natututunan mo nang mahalin si Celeste. Si Sam, Hindi ko kaya" Ana niya.

"I told you nawala na 'yon nung nakita uli kita sa Café. Hindi ko alam, That day, Pagkahatid ko kay Celeste, Tuliro ako. Bumalik pa nga ako sa Café na umaasang nandoon ka pa para makausap kita. Pero wala kana" I explained.

"Hindi ko Inaasahan 'yon, Sej. Sikat kana 'e. Bakit gusto mo parin akong mabawi? Na'sayo na 'yung lahat. You have fame, Money, Everything" She said.

"It's useless. Nangarap ako na kasama ka, Bakit ko 'to tutuparin ng Hindi ka kasama? For the past 9 years, Hinahanap kita. Para naman kapag tapos naming mag-perform sa Stage, Makikita kita sa Backstage. Imagine, Sinasabihan mo ko ng 'Ang Galing mo, Love' Y-yo'n... Iyong mga salitang 'yon, Mananatili sa puso ko sa oras na sabihin mo 'yon" I told her.

"That's why nung nakita uli kita sa Café, Nagkaroon ako ng pag-asang someday masasabi mo sakin 'yan" I continued..

Sumandal ako sa balikat niya bago dinamdam ang hangin na umiikot dito sa balcony.

"I'm just wondering, Kung hindi ba ko pumunta sa Café that time. Kasama mo parin ba kaya si Celeste ngayon?" She asked.

"I'm wondering, Kung Nakitig at naniwala ba ako sayo noon, Magkakahiwalay pa ba tayo?" I asked. Parehas lang kaming napatingin sa isa't isa bago napatawa.

Alam na namin na parehas Oo ang sagot namin.

"Pero nangyari na, Atleast Naging Better person tayo sa nangyari" I disagree, Hindi naging Better ang Buhay ko nung nawala sya.

Hinawakan ko ang kamay niya, Finally, Naipapaliwanag ko na sakanila. Finally, Nakikinig na s'ya.

"Reece, I love you. I still do" Diretsyong ana ko sakanya, Waiting on her response.

"I love you too, Pau. I still do"

TO BE CONTINUED. . .

✦ SIKLABO┋SB19 PABLO【✓】Where stories live. Discover now