PABLO'S POV
It's been a month since nagkabalikan kami. Normal na naman, lumipat kami ng condo, ibang floor lang pero same building, Alam na rin kasi ni Celeste yung Codno nya kaya di na safe. Ang plano namin, Tapusin muna ang pag-iipon para sa bahay ng Family ko bago yung saamin ni Reece.
Ang Kaso mo, Meron na palang bahay na nakalaan si Reece para saamin. Located sya sa Tagaytay. Iyon yung Bahay nya noon. Kaso Na-Renovate na sya, Yung Plano naming Design ng bahay noon ayon yung ipinagawa nya.
Sabi nya, If ever man na dumating yung oras na ikakasal ako sa ibang babae, Nakatayo na yung bahay para atleast alam nyang kasama nya parin ako since kaming dalawa yung nag-plano.
Malas nya na sya yung gusto kong pakasalan.
Hindi lang talaga ako makapaniwala sa lahat ng nagawa ko sakanya, eto.. pinatawad parin ako. Kahit ang gago ko sa part na andami kong ginawang rebound para sakanya, kahit andami kong nasaktan dahil gusto kong mag move on sakanya. Wala e sabi nya ayaw nyang itolerate yon, pero kahit ang redflag ko binigyan parin ako ng secons chance
Ang bait nga 'no? Tsaka biruin mo, Napatawad pa ko sa nagawa ko noon. Cliché na pakinggan pero hindi ako mapapagod sabihin na ang swerte ko sakanya.
I don't deserve someone like her. I mean, she's so kind and soft and pure. She's so fragile and needs to be handle with care. Samantalang ako, she don't deserve someone like me. I'm so mean, arrogant, jerk
Laging sumasagi sa isip ko na may mas better na lalaki para sakanya at hindi ako yon. Na dapat ko na syang pakawalan kasi masasaktan sya pag nasa piling ko sya pero may part sakin na gustong maging better for her. I want to be the better man na gusto nya.
Nakausap ko na si Reece about kay Celeste. Nag meet up na sila at nagkausap. Totoo palang ikakasal na sa ibang lalaki si Celeste, gusto ng nanay nya yon kahit ayaw nya at may balak talaga syang pagharapin kami kung hindi pa kami magbabati kasi aalis na sya papuntang france
Nagkaayos yung dalawa. Talagang bumawi si Celeste saamin. At ngayon, payapa akong wala nang ibang tensyon na nagaganap sa paligid namin
Gusto ko ng ganito, payapang buhay kasama si Reece.
Speaking of Reece, Hindi napapag-usapan na rin natin sya. Naka-upo ako ngayon sa tabi ng puno. Iniintay ko sya, Bumili kasi ng Fish Ball at kwekwek.
Nag-long ride date kami ngayon gamit si dusty.
Kahapon dinala ko si Reece sa bahay namin sa Cavite, Gulat sila Mama kasi nagkabalikan na kami. Syempre namiss din nila yung isa't isa, Lalo na yung Dalawa kong kapatid na babae, Close kasi ni Reece yung dalawang yon.
Tapos kanina, Umalis na kami, Pumunta kaming Tagaytay, Doon sa Family nya—I mean doon sa bahay nya. Na-abandona na kasi simula nung namatay yung both parents nya tas kinupkop sya ng Family ni Tala
Marami ring pinag-daanan si Reece. 14 years old lang sya noong nawala yung mga magulang nya, Only child at wala nang kasama. Ngayon alam ko na kung bakit gustong gusto nyang i-treasure yung mga tao sa paligid nya. Kasi ayaw nyang mawala.
Napangiti ako noong itinaas niya ang dalawang kamay niya sa ere hawak hawak ang dalawang plastic cup na may lamang fishball at kwekwek.
Nandoon sya sa kabilang side ng Kalsada pero tanaw na tanaw mo ang malaking ngiti niya na abot hanggang tenga.
Ang cute nya, ang sarap kagatin nung pisngi nya parang siopao
Kalauna'y binaba na rin niya ang kamay niya, siguro naramdaman na nya yung init sa plastic cup kaya nagmadali siyang tumingin sa kaliwa at sa kanan bago tumawid.
Hindi pa man siya nakakarating sa side ko ay nabitawan niya ang hawak niyang pagkain. Kasabay ng pagtilapon niya at pagbagsak sa kalsada.
Nagkalat ang dugo sa kalsada, Kasama ng natapon na Fishball at Kwekwek. At sa dulo ay matatanaw mo siya na nakahiga sa kalsada
Nanlaki ang mata ko, hindi pa nag-p'process sa utak ko ang mga nangyari nang may sumigaw.
"Nako! Yung Babae, Nasagasaan!"
-
THE END

KAMU SEDANG MEMBACA
✦ SIKLABO┋SB19 PABLO【✓】
Fiksi Penggemar"You became someone you said you'd never be" ➜ SIKLABO. A Filipino Deep Word means ❝EMOTIONAL OUTBURST❞ ✶ Rachel Aries Madrigal also known as @/goldenmelody is a Famous Writter. She was known for creating Stories, Poems, And Songs. One of her Reader...