CHAPTER 12

13 0 0
                                    

                                :)

"Gusto lang nako isulti nga nalipay ako nga makita kayo dinhi. (Gusto ko lang sabihin na natutuwa akong makita kayo dito.)" Umpisa ni Daddy Henry nang hingin ang gusto niyang sabihin sa mga sumusuporta sakanya.



"Ngunit sa pagkakataong ito po ay hindi ako tumatakbo bilang Mayor ng ating bayan. Ako po ay tumatakbo bilang gobernador." aniya.



Andaming tao ang nanonood. Kaya hindi na ako nagtataka kung mananalo siya bilang gobernador. Noong huling election ay marami ring tao noong napadaan ako rito dahil may binili ako na kailangan ko para sa kwarto ko.



"Gusto ko po sana sabihin sainyo na iboto niyo po ako hindi dahil kilala ako o ang angkan ko saating bayan. Kundi iboto niyo po ako dahil alam niyo po sa puso niyo na ako ay karapat-dapat sa posisyong ito." Naghiyawan ang mga tao. Napapabilib talaga niya ang mga tao sa mga salita niya. Sabagay hindi lang naman siya puro salita, may gawa rin. 



Hindi ganto kaganda ang plaza noon. Nung naging termino niya ay gumanda ito at umaliwalas tignan. Yung nag-iisang puno rito na nakatayo ay binalak nung dating mayor na ipaputol dahil may balak siyang itayo na rebulto. Isa si Daddy Henry na nakipaglaban para hindi putulin ang punong iyan. Kung hindi ako nagkakamali ay isa palang siyang congressman noon. 


Kahit naman siguro hindi siya tumatakbo bilang opisyal ng bayan na 'to kilala pa rin siya. Malaki ang angkan nila at kilalang-kilala lalo na ang lolo ni Red na si Don Fernando Salvador o mas kilalang Don Fernan.



Andami na ring natulungan niyon. Kahit hindi nila kadugo ay hindi sila nagdadalawang isip na tulungan ang mga tao. Sayang lang at pumanaw na ang matanda, sobrang tanda na rin kasi.



"Bukod sainyo ay nagagalak din ako dahil sa pamilya ko na nandito upang suportahan ako." Tumingin siya saamin. Sinenyasan kami na lumapit sakanya kaya tumayo kami at naglakad papunta sa gitna ng stage.


"Maayong gabii sa tanan! (Magandang gabi sainyong lahat!)" Bati ni Mommy Lilian sa kanila.


Lahat kami ay bumati sa mga tao. Pinakilala nila ako bilang bagong miyembro ng pamilya nila. 


Nagsalita si Red kaya naghiyawan nanaman ang mga tao. Ibang tao siya ngayon, hindi makikitaan ng mabigat na awra. Kahanga-hanga at nakakagulat ang pinapakita niya sa tao.



Pagtapos ay may iilan kaganapan pa ang nangyari. Anong oras na rin inabot bago matapos ang campaign. Kita sa orasan ko na alas onse na ng gabi. 



"Sir. Red, pinapaabot po ni Mrs. Dela Fuente." Lumapit ang isang babae na may headphones sa ulo, isa siya sa mga staff na nag-oorganize ng event. Kasama niya si Kuya Harold na may hawak na kahon na gawa sa kahoy.



"What's that?" Tanong ni Red sa kanila.



"Porcelain clay po." 



Parang batang lumapit si Red sa kahon na naglalaman ng Porcelain clay. Wala akong ideya kung ano 'yun at kung bakit ganon kasabik si Red na buksan ang kahon.



Humarap ako kay Paolo kaya agad na bumaba ang tingin niya sa akin, "Ano yung Porcelain clay?"



"For pottery. Kuya loves pottery." sagot niya.


When life plays out (TCS#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon