CHAPTER 6

14 0 0
                                    

                                :)


"Oh bakit tama naman ako ah! Gusto niyo ang mga babae kapag maputi at maganda." Pagtataray ni Melanie, kila Ian at harris.



"Bakit hindi? Sino bang papatol sa panget?" Humagalpak ng tawa ang dalawa.



"Ganyang kayong mga lalaki! Ke-papanget niyo nga, ang kapal pa ng mukha niyong maging choosy. Kaya hanggang ngayon wala kayong mga Girlfriend kasi mga choosy kayo." Rebat pa ulit ni Melanie.



"Kesa naman magkaroon kami ng Girlfriend na pangit. Edi okay ng maging single muna hangga't walang magandang biyaya mula sa may kapal." sagot ni Ian.



Wala talagang sawa makipagdebate ang isang 'to. Kanina lang ay nag-uusap sila ng maayos tungkol sa kung ano-ano hanggang sa magtanong si Melanie, kung anong gusto ni Ian sa isang babae. Nagalit nalang si Melanie nang tukuyin ni Ian ang babae na malayo sa anyo niya.



"Maging single ka sana habang buhay!" 



"Teka nga, Melanie. Ba't ba galit na galit ka nung sinagot ni Ian ang tanong mo? Masakit ba kasi hindi ikaw ang tipo niya?" Pang-aasar ni Harris kaya lalong sumimangot ang aking kaibigan.



"Hindi ah! Ba't ako masasaktan?" tumaas ang kilay ni Melanie.



"Kasi gusto mo si Ian," ngumiwi si Harris.



Nanlaki ang mata ni Melanie, "Ha? Ako?" tumawa siya na parang baliw, "Hindi ko tipo si Ian 'no. Like duuh! amoy araw kaya si Ian, yuck! So baho!" umaktong nasusuka si Melanie at may paikot-ikot pa ang mata niya.



Bumuntong hininga si Ella at nilapag ang boteng iniinom niya,  "Akala mo talaga nandidiri. Kung makatili ka nung naamoy mo si Ian nung isang araw, tuwang-tuwa ka."



"Hoy! Sinasabi mo?" naging malikot ang mata ni Melanie, "W-Wala kaya akong sinasabing ganyan. Ella talaga masyadong imbento!" tumawa siya na parang kinakabahan."Grabe ka Ella, nagkakalat ka ng fake news."



Nakangising dahan-dahang lumapit si Ian, sa kanya. "Alam mo, Mel, sabihan mo lang ako kung gusto mo 'kong amuyin. Magpapaamoy ako sa'yo kahit gaano katagal." 



Parang kambing kung tumawa si Melanie, at patuloy sa pag-atras dahil kay Ian na papalapit sa kanya. Natigil lang siya nung tumama ang likod niya sa lamesa at alam niyang katapusan na niya, "K-Kapal din ng mukha mo 'no! Lakas makahawa ni Harris."



Hinawi ni Ian ang buhok ni Melanie, tinitigan niya ito ng ilang segundo bago ngumisi, "Ang ganda mo pala."



"A-Ano?" Morena si Melanie pero nahalata ko ang pagpula ng mukha nito.



"Ang ganda mo kaso ang liit mo hanggang..." nag-aalinlangan si Ian.



"Hanggang?" 



"Hanggang friends lang kaya kong ibigay sa'yo. Pasensya ka na, Mel. Hindi talaga ikaw ang tipo ko." 

When life plays out (TCS#2)Where stories live. Discover now